Daily Tribune (Philippines)

BANGIS NG BABAE

-

Sa buwan ng kababaihan, ipinagdiri­wang ang kagalingan ng mga babae sa lipunan sa buong mundo. Kinikilala ang kanilang sakripisyo bilang ate, nanay, lola at tiyahin sa pamilya, bilang katrabaho, amo at lider sa iba-ibang larangan at propesyon. Kabilang na ang mga babaeng nagpipilot­o ng eruplano at tren, at tsuper ng jeepney at tricycle, bagaman mangilan-ngilan lamang sila.

Kabilang rin ang mga katulong na nan gin gi bang bay an up an gm ab uh a yang kan il an gm ga ana kat pamilya, patina mg a nag-iisang ina na mag-isang nagtataguy­od ng kanilang anak dahil iniwan ng kanilang asawa o kasintahan.

Ang paggunita ng Women’s Month ay nagpapaala­la rin sa mga karapatan ng mga babae na kailangang igalang, lalo na sa mga biktima ng karahasang pisikal o mental, iyong mga inaabuso, inaalipust­a, sinasamant­ala at niloloko. Marami sila na nagdusa at nagsakripi­syo ng buhay, katulad ng mga ilang overseas Filipino workers na iniuwing bangkay na mula sa Gitnang Silangan.

Sa kabila ng tila kahinaan ng mga kababaihan, lalo na ang mga biktima ng krimen at maling pag-ibig, mayroong mga kabaligtar­an ang ugali. Naririyan rin ang matatapang na babae, mga babaeng marunong manakit ng kapwa babae at maging ng lalaki. Ang mga naturingan­g amasona tulad ni Urduja o ng nasa ngayong viral na video na nambubugbo­g ng lalaking rider.

Sa naturang video na mukhang kinunan pa noong 2021 o 2022 at muling inilabas sa social media kahapon, ipinakikit­a ang lalaking rider na nanghingi ng sticker sa isang babaeng nagmo-motor. Pagkakuha ng sticker ay nagwala ang angkas na babae ng lalaking rider at pinaghaham­pas siya ng helmet.

Sa video ay tila nagselos ang angkas na babae kaya siya nagalit. Hindi niya tinantanan ang lalaki at maraming ulit niya siyang hinampas. Hindi naman napuruhan sa tama ng helmet sa ulo ang lalaking rider na nakahelmet rin siya.

Hindi pa nakuntento ang galit na angkas na ba bae,t in ula k-t ulak pa niya angl ala ki pa tina ang babaeng hiningian ng sticker.

Hindi lahat ng babae ay maiisahan, map a gs asa manta la ha no mas as a kt ann gib a. Hindi lahat ay mapagkumba­ba, malambing at mabait. Mayroon ring mabagsik na dapat hindi ginagalit.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines