Daily Tribune (Philippines)

11 PINOY SEAFARERS IUUWI NA SA BANSA

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ng Department of Migrant Workers nitong Lunes na nakatakda nang ma-repatriate sa bansa ngayong Martes ang 11 Pilipinong seaferer na sakay ng cargo vessel na tinamaan ng missile attck ng Houthi rebels sa Gulf of Aden noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na kasama sa mga marerepatr­iate ang 10 Pilipino na hindi nasugatan sa insidente at isang nagtamo ng injury.

Dagdag niya, may dalawang Pinoy seaferers na matinding nasugatan ang nanatili sa pagamutan habang ang mga labi ng dalawang tripulante­ng Pinoy na nasawi sa pag-atake ay naiwan sa inabandona­ng cargo vessel at kasalukuya­ng nire-retrieve habang nagpapatul­oy ang salvaging operation sa naturang merchant ship.

Sinabi rin ni Cacdac na tinamaan ng missile attack ng Houthis ang fuel tank ng barko kaya’t nasunog ito at dahil sa sobrang init, hindi pa agad mapasok ng team na itinalaga ng shipowner para isagawa ang salvaging operation kung saan target na marekober ang labi ng mga nasawi sa insidente.

Kung matatandaa­n, naglunsad ang Houthis ng missile attack noong Miyerkules sa Barbados-flagged ship na True Confidence na kinalulula­nan ng 15 Pilipinong seaferers, apat na Vietnamese at isang Indian national na kapitan ng barko.

Dagdag pa ni Cacdac, magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administra­tion ng tulong pinansyal sa mga Filipino seafarer na naapektuha­n ng pag-atake

Iniutos din umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang whole of government approach para tulungan ang mga apektadong Filipino seafarers.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines