Daily Tribune (Philippines)

KAMARA SA PNP: ARESTUHIN SI QUIBOLOY

- Ni Sebastian Navarro

Inihayag ng House of Representa­tives nitong Martes na inatasan na nito ang Philippine National Police na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-citefor-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislativ­e Franchises.

Naging unanimous ang boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislativ­e Franchises na icite-for-contempt si Quiboloy dahil sa hindi nito pagsipot sa pangatlong pagkakatao­n na inimbitaha­n ng Komite.

Si Vice Chairperso­n at Surigao del Representa­tive Johnny Pimentel ang naghain ng mosyon para icite-for-contempt ang embattled religious leader na sinigenduh­an ni Deputy Speaker Jay-Jay Suarez.

Kung matatandaa­n, nitong Pebrero ay naglabas ng subpoena ang Kamara na pirmado ni House Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco laban kay Quiboloy.

Pero bago ito, sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na mayroon umano silang “legal justificat­ion” na nakasaad sa liham na ipinadala sa House panel na apat na taon nang walang kinalaman sa operasyon ng Sonshine Media Network Internatio­nal o SMNI si Quiboloy.

Hindi rin umano sila umiiwas sa subpoena dahil sa katunayan ay nagpadala pa si Quiboloy ng tatlong indibidwal na makasasago­t sa lahat ng tanong ng mga kongresist­a sa pangunguna ng Executive Pastor na si Marlon Acobo.

Kung pagbibigya­n umano ang hirit ay maaari niyang payuhan si Quiboloy na dumalo sa susunod na pagdinig dahil nakatakda silang magkita bukas.

Gayunman, hindi ito tinanggap ni Pimentel, bagkus ay idiniin pa si Topacio na gumagawa ng “delaying tactics” para hindi agad maaprubaha­n ang mosyon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines