Daily Tribune (Philippines)

DEMANDA SA YOUTUBE

-

Sa mga sikat na Pilipinong may milyunmily­ong tagasunod sa kanilang YouTube channel, kumikita sila ng libu-libong piso sa mga post na litrato, pahayag o video na pinanunuod ng madla. May kasama pa silang plake mula sa YouTube bilang pagkilala sa kanilang kasikatan sa naturang video-sharing platform.

Ngunit di lang sila ang kumikita. Mismong YouTube ay kumikita rin mula sa mga advertiser nila na sumisingit at sumusulpot ang commercial o patalastas sa mga post ng sikat na user habang pinanunuod ito ng mga followers. Milyun-milyong dolyar ang kita ng YouTube sa mga kinagigili­wang post ng mga user nito. Ngunit hindi lamang mga nakakaaliw na video ang dinudumog sa YouTube. Maging ang mga hindi totoong kwento sa video o gawa-gawang content na sumisira sa karakter ng ibang tao ay pinanunuod din ng mga mahilig sa intriga at pinagkakak­itaan rin ng mga nag-post nito at ng YouTube.

Ganyang umano ang sinapit ng dating senador Kiko Pangilinan sa YouTube na pag-aari ng search engine giant na Google, isa sa pinakamaya­mang kumpanya sa buong mundo dahil sa halos monopolya nito sa paghahanap sa Internet.

Ayon kay Pangilinan, may YouTube user na naglabas ng video na sumisira sa kanyang katauhan at sa kanyang pamilya. Inilabas umano ng Bungangera TV nito Disyembre ang mga video na pinamagata­ng “KC Concepcion inamin na ang ginawa sa kanya ni Kiko Pangilinan!”, “Gabby Concepcion sinugod si Kiko Pangilinan dahil sa ginawa nito kay KC Concepcion,” at “Bistado! Frankie Pangilinan sinugod si KC Concepcion matapos makipagrel­asyon kay Kiko Pangilinan!”

Walang katotohana­n at pawang mga paninirang-puri ang mga nabanggit na video at hiniling niya sa YouTube na tanggaling ang mga video ngunit hindi nito ginawa.

Nagsampa na ng kasong cyber libel si Pangilinan laban sa may-ari ng YouTube channel at isinama niya sa mga kinasuhan ang YouTube at Google dahil sa patuloy nitong pag-ere sa mga nasabing video.

Napapanaho­n ang kasong isinampa ni Pangilinan hindi lang upang masawata ang mga naglipanan­g video na naninira ng ibang tao kundi upang matigil ang kayabangan at pangunguns­inti ng YouTube at Google sa mga masasamang gumagamit nito.

Ang kaso ay pagkakatao­n rin ng maraming biktima ng YouTube na magsampa ng class suit laban sa plataporma­ng ayaw magtanggal ng mga video na sumisira sa pagkatao ng inosenteng tao.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines