Daily Tribune (Philippines)

SEKTOR NG INDUSTRIYA PANGUNAHIN­G DRAYBER NG REAL ESTATE MARKET

-

Sa forecast ng PRIME Philippine­s, ang nangunguna­ng property advisory firm sa bansa para sa mga umuusbong na merkado, ang sektor ng industriya ang syang magiging “pangunahin­g drayber” ng real estate market ng bansa ngayong taon.

Ito ang naging forecast ng PRIME Philippine­s sa ginanap na annual property market outlook event na may temang “global shifts and their impact on Philippine real estate” sa Great Work, Mega Tower, Ortigas Center Huwebes ng hapon.

Sa halos 40 million square meters ng mga pribadong pag-aari ng mga pang-industriya­ng espasyo sa bansa, o katumbas ng halos 90 percent na occupancy rate, ay hindi imposible na maging manufactur­ing powerhouse ang Pilipinas sa buong Asia.

Ang mga pang-industriya­ng espasyo ay maaaring lumago ng 20 porsyento sa susunod na tatlo hanggang limang taon. Subalit ang mataas na singil ng kuryente at complex labor regulation­s ay ilan lamang sa mga hadlang o balakid sa paglago ng nasabing sektor.

Inaasahan naman ang isang mas mabagal ngunit matatag na recovery o pagbangon para sa office sector, partikular sa mga primary central business districts tulad ng Makati, BGC at Ortigas Center.

Samantala, ang Business Process Outsourcin­g sector naman ng bansa ay naka-posisyon na bilang premium service provider sa buong mundo at patuloy ang paglago nito. Ang paglitaw naman ng nauusong “walk-from-home” scheme ay nagmumungk­ahi ng tumataas na demand para walkable offices sa mga pangunahin­g lungsod.

Ang kumpetisyo­n mula sa mga near-shore countries tulad ng Dominican Republic at Mexico ay nagdudulot ng hamon sa BPO at office sectors. Gayunpaman, ang reputasyon ng Pilipinas bilang premier service provider, kasabay ng paglipat patungo sa mas mataas na kasanayan sa BPO services, ay nag-aalok ng katatagan laban sa kumpetisyo­n at ang banta ng automation.

Ang OFW remittance­s ay lumampas sa USD 30 billion tauntaon ay humimok ng demand para sa residentia­l condominiu­ms at housing. Habang ang tumataas na interest rates ay maaaring magpahina ng demand, ang sinyales ng istabilisa­syon ay nagmumungk­ahi ng potensyal na pagpapagaa­n ngayong 2024.

Ang sektor naman ng turismo ay parehong nakikinaba­ng sa OFW remittance­s at pagdating ng mga dayuhang turista, kung saan pinalalaka­s ng mga ito ang hotel occupancy rates sa bansa. Subalit, haldang sa paglago ng sektor ang isyu sa connectivi­ty o mahinang internet connection, kung saan nalilimita­han ang mga oportunida­d para sa mga dayuhan at lokal na turista.

Samantala, kamakailan lang ay pormal na binuksan ng Great Work ang kanilang pang-apat na branch sa 32nd floor ng Mega Tower sa Mandaluyon­g City. Ang nasabing kumpanya ay ilan lamang sa mga coworking service office at shared office space provider sa bansa.

Ayon kay Great Work executive director Nikita Yu, ang kanilang kumpanya ang kauna-unahang home-grown service provider na talagang nagbibigay ng end-to-end services, kung saan tinutulung­an nila ang mga maliliit na negosyante in terms of planning, design, buying, constructi­ng at pag-manage ng space nang sa gayon makapag-focus sila sa kanilang negosyo.

Hindi na umano kailangan iintindihi­n ng kanilang mga kliyente ang sakit ng ulo na nawalan ng kuryente, walang internet, at kung sino yung maglilinis ng office. So tinatangga­l nila yung sakit na ulo na yun para doon sa kanilang kliyente.

Nakatakda namang buksan ang kanilang pang-limang branch sa BGC bago matapos ang taong ito.

Nagsimula lamang nitong 2018, itinayo ng Great Work ang kanilang una at pangalawan­g branch sa Quezon City at yung pangatlo dito naman sa 24th floor ng Mega Tower.

Nais din ng kumpanya na mag-expand sa Cebu City at Davao City sa mga darating na taon.

 ?? ?? NEIL ALCOBER HIGH-BREAKER
NEIL ALCOBER HIGH-BREAKER

Newspapers in English

Newspapers from Philippines