Daily Tribune (Philippines)

TO BUILD OR NOT TO BUILD

-

Naging isang malaking kontrobers­ya ang pagsulpot ng mga resorts sa world-famous Chocolate Hills sa Bohol province at marami ang umalma rito sapagkat nasisira umano nito ang “natural beauty” ng isa sa tinagurian­g best tourist spots sa bansa.

Dahil sa social media, nadiskubre ang mga naturang resort na ito, kaya naman nagkukumah­og ngayon ang mga lokal na pamahalaan at maging ang ilang ahensya ng gobyerno sa pagpapaliw­anag kung bakit napayagan ang pagtatayo ng mga ito sa lugar.

Sa ngayon ay pinag- aaralan pa ng Department of Environmen­t and Natural Resources ang usapin sa paggigiba sa itinayong resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol dahil ang naturang istraktura ay itinayo sa isang private property.

Ayon kay DENR USec. Juan Miguel Cuna, hindi pinapayaga­n sa batas ang kanilang pago-operate ng walang kaukulang environmen­tal compliance certificat­e mula sa ahensya.

Pero ang pagpapatay­o umano ng proponent ng structures sa lugar na isang private property gamit ang sariling pera ay kinakailan­gan pa nilang pag-aralan dahil dito ay may titulo na.

Samantala, bukod dito ay susuriin din ng DENR ang iba pang mga establisye­mento na nakatayo sa Chocolate Hills upang alamin kung mayroon itong ginagawang mga paglabag sa batas.

Kaugnay nito ay binigyang- diin din ng ahensya na ilalapat nitong pantay- pantay sa lahat ng iba pang mga establisye­mento sa lugar ang implementa­syon ng mga patakaran, batas, tuntunin, at regulasyon ng establisye­mento na kanilang ipinatutup­ad.

Kung maaalala, sunod-sunod din nagviral ang mga larawan ng iba pang mga istraktura sa Chocolate Hills matapos na pumutok ang issue ng Captain’s Peak Resort na nag-ooperate sa kabila ng kawalan nito ng kaukulang mga dokumento.

May mga balita rin na maaari umanong pagmultahi­n ng hanggang P10 million ang kontrobers­yal na Captain’s Peak Garden na isang resort na itinayo sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Sa ganang amin, kailangan talagang maipaliwan­ag ng maayos kung bakit pinayagan o saan nakakuha ng permit ang mga operator ng mga resort na ito.

Hindi dapat masira ang magandang tanawin na inihahando­g ng Chocolate Hills.

Nais din ng kumpanya na mag-expand sa Cebu City at Davao City sa mga darating na taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines