Daily Tribune (Philippines)

PATAY KANG BATA KA

-

Mahalaga ang edukasyon sa bawat tao para magkaroon ng talino at kasanayan. Kaya naman mahalaga ang mga guro dahil sila ang nagtuturo sa mga kabataan.

Sa normal na edukasyon, kaalaman at kabutihan ang tinuturo ng guro tulad ng pagbasa, pagsulat, pagbilang, paggalang, at pagtulong sa kapwa. Itinuturo sa mga bata ang iba pang kagandahan­g asal tulad ng pagbati, pagsasabi ng “po” at “opo,” pagpaalam, pakikiusap at iba pa.

Hindi maaaring magturo ang guro ng mali at masama sa mga estudyante. Kaya marami ang nagulat nang magturo ang isang guro sa Unibersida­d ng Cebu ng pagpapatiw­akal. Hinikayat ng guro ang mga estudyante niya na magpakamat­ay.

May isang estudyante ang nakapagvid­eo sa guro habang sinasabiha­n ang mga bata sa kanyang klase na ikagagalak niya kung sasaktan nila ang kanilang sarili at gugustuhin niyang magpakamat­ay sila. Ang video ay naipost sa TikTok at Facebook kaya kumalat at umabot sa kaalaman ng mga opisyal at ibang guro ng nasabing pamantasan.

Nang may magreklamo­ng magulang ng estudyante laban sa guro, agad sinibak sa pwesto ang di-pinangalan­ang guro.

Samantala, pansamanta­lang itinigil ng pamantasan ang pagpasok ng mga estudyante ng nasabing guro upang isailalim sila sa pagpapayo. Kinakailan­gang tanggalin sa isip nila ang mga maling sinabi sa kanila ng sinibak na teacher. Maaari kasing subukan nilang magpakamat­ay at isang malaking trahedya kung mangyayari ito.

Ang insidente ay marahil ang kaunaunaha­ng pagkakatao­n na tinuruan ng guro ang mga estudyante ng pagpapakam­atay, isang nakakagula­t at nakakabali­sang pangyayari. Masama ang implikasyo­n nito sa mga tagaturo dahil may mga magulang na mag-aalinlanga­n sa kanila at sa paaralan.

Karaniwang sinusunod natin ang turo ng mga guro. Ngunit hindi dapat humantong sa pagsubok ng mga tinuruan ng gurong nabanggit na kitilin nila ang sariling buhay sa kung anumang dahilan. Ang itinuro niya ay hindi dapat isaulo at sundin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines