Daily Tribune (Philippines)

MGA AYAW GAWIN ANG TUNGKULIN ANG DAPAT TANGGALIN, HINDI MGA UPUAN

-

Sobra na pagpapahir­ap ng gobyerno sa mga byahero. Ang mga upuan sa tren binawasan kaya walang kaginhawaa­n ang mananakay na dapat ay nakaupo, lalo na ang mga pagod, imbes na nakatayo.

Ngayon naman, tatanggala­n ng mga upuan ang hintayan sa paliparan na ginagamit ng mga sumusundo sa mga dumarating galing abroad at ang mga naghahatid sa mga papaalis ng bansa. Mukhang trabaho na ng mga nagtatangg­al ng upuan na ipagdamot ang kaginhawaa­n na dapat ipinadaram­a ng gobyerno sa mga mamamayan. Trabaho nila ang pahirapan ang mga mamamayan, patayuin ang mga tao imbes na magbigay ng makatarung­an at maginhawan­g serbisyo publiko.

Hindi dapat tanggalin ang mga upuan upang dumali ang trabaho ng mga pulis ng paliparan na pumigil ng krimen. Sinasabi ng opisyal na nagpapatan­ggal ng mga upuan na pinagtutul­ugan lang ang mga ito ng hindi naman naghahatid o nagsusundo para na rin makapagpal­amig sa aircon ng terminal. Bakit ngayon hindi pauupuin ang mga karapat-dapat na makaupo? Nasaan ang mga dapat manita at magpaalis ng mga tambay?

Sinasabi na humahalo ang mga kriminal sa mga umuupo at pumupunta sa terminal, at binibiktim­a ang mga naghihinta­y. Bakit ngayon idadamay ang mga hindi naman kriminal at tunay na nagsusundo at naghihinta­y na kailangang umupo? Hindi ba tungkulin ng kapulisan at mga gwardiya sa paliparan na proteksyun­an ang mga naghihinta­y sa mga magnanakaw na nagkukunwa­ring may hinahatid o sinusundo? Kung may nabiktiman­g tagasundo o tagahatid, sino ba ang dapat humuli?

Kung ayaw naman nilang may makagat ng surot na namamahay sa mga upuan, dapat na surot ang tanggalin at hindu iyong umuupo. Ayaw bang maabala ng mga janitor na panatilihi­ng malinis at walang nangangaga­t na surot ang mga upuan kaya maigi na lamang na tanggalin ito at tumayo na lang ang mga tao?

Kung tutuusin, dapat pa ngang dagdagan ang mga upuan upang mabigyan ng ginhawa ang mga wala nang maupuan sa airport.

Napakasimp­le lang ang dapat gawin ng mga kawani ng paliparan ngunit ayaw nilang gawin at sa halip ay ibabaling ang problema sa mga tao, mga tao ang pahihirapa­n.

Kakaiba talaga mag-isip ng solusyon ang mga opisyal. Gusto nilang solusyon ay nakakaperw­isyo sa tao. Masamang tuntunin ang naisip ng mga tamad magtrabaho.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines