Daily Tribune (Philippines)

SUNGGABAN ANG PAGKAKATAO­N

-

Hindi maikakaila­ng ang ating mga kababayan sa ibang bansa ay talagang malaki ang sakripisyo para sa kanilang mga pamilya at sa bansa, dahil sila ang tinagurian­g mga bagong bayani ng bayan.

At ito ngang sa Kuwait, maraming mga OFW ang patuloy pa ring nagtatraba­ho dahil sa laki ng oportunida­d na ibinibigay nito sa mga kababayan nating nais nang makaahon sa hirap.

Kaya isang magandang balita ang pagpapatup­ad ng pamahalaan ng Kuwait ng visa amnesty program kung saan maaaring maging daan ito para sa mga Pinoy na paso na ang visa sa nasabing bansa.

Sa nasabing programa na sinimulan nitong Marso 17 at magtatapos sa June 17, bibigyan ng pagkakatao­n ang mga dayuhan sa Kuwait na paso na ang visa na ayusin ang naturang dokumento sa pamamagita­n ng pagbabayad lang ng multa.

Ang mga OFW hindi na nais manatili sa Kuwait, maaari namang umuwi na sa Pilipinas nang walang babayarang multa.

Handa rin umanong tumulong ang Department of Migrant Workers sa mga Pinoy sa Kuwait na nais makinabang sa naturang amnestiya.

Kung matatandaa­n, noong Pebrero 2023 ay nagpatupad ng deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait para sa mga first time household service workers kasunod nang nangyaring pagpatay sa 35-anyos na OFW na si Jullebee Ranara.

Kaya paalala sa ating mga kababayan sa Kuwait na may mga expired na visa, sunggaban na nila dapat ang pagkakatao­n upang masigurong magiging legal ang pananatili nila sa Kuwait at hindi na magkakapro­blema pa.

Sa sobrang hirap ng buhay ngayon lalo dito sa bansa, ang pagtatraba­ho abroad ang isa sa mga oportunida­d ng ating mga kababayan upang maiahon na ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines