Daily Tribune (Philippines)

BABAENG MAYOR SA ECUADOR PATAY SA PAMAMARIL

- Ni Kitoy Esguerra

Isang alkdalde sa Ecuador ang natagpuang patay sa loob ng sasakyan kasama ang kanyang tagapayo noong Linggo ng gabi.

Ayon sa mga ulat, natagpuan ang bangkay nina San Vicente Mayor Brigitte Garcia, 27-anyos, at ang kaniyang tagapayo na si Jairo Loor, sa loob ng sasakyan sa Manabi at ayon sa mga otoridad, sinabing iniimbesti­gahan pa nila ang nangyaring krimen.

Ang laganap ang karahasan sa naturang bansa sa South America ay dahil umano sa problema sa ilegal na droga at napag-alamang kasapi si Garcia ng Revolution party na pinamumunu­an ng dati nilang pangulo na si Rafael Correa.

Sa post sa X, dating Twitter, tinawag nina Correa at Luisa Gonzalez, presidenti­al candidate ng partido sa nagdaang halalan, na asasinasyo­n ang ginawa sa alkalde.

“I’ve just found out they’ve assassinat­ed our fellow mayor of San Vicente Brigitte Garcia,” ani Gonzalez sa post. “I have no words, in shock, nobody is safe in Ecuador NOBODY.”

Si Garcia ang pinakabago­ng politiko na pinatay sa naturang bansa, matapos ang asasinasyo­n kay presidenti­al candidate Fernando Villavicen­cio noong nagdaang Agosto.

Dalawang linggo bago ang eleksyon, pinagbabar­il si Villavicen­cio, matapos ang kaniyang pangangamp­anya. Kilalang kritiko ng katiwalian at sindikato si Villavicen­cio. Nitong nakaraang Enero, nagdeklara si President Daniel Noboa ng state of emergency dahil sa pagtaas ng karahasan, kabilang na ang ginawang pagsalakay ng mga armadong grupo sa isang TV station habang may live broadcast.

Itinuring din ni Noboa na terrorist organizati­ons ang 22 criminal groups.

Ngayong Marso, pinalawig pa niya ang state of emergency.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines