Daily Tribune (Philippines)

ABUSADONG CHED OFFICIAL KAKASUHAN; HALOS 3,000 AMBULANSYA IPAMAMAHAG­I NG PCSO

- NEIL ALCOBER

Ika nga ng isang kasabihan, “Get a taste of your own medicine.” At ito ngayon ang mararanasa­n ng isang Commission on Higher Education official dahil matitikman din nya ‘yung hirap at sakit na ipinadama nya sa mga taong inalipusta at inagrabyad­o nya.

Ayon sa ating source na tumangging banggitin ang tunay na pagkakakil­anlan, anytime soon next week or after Holy Week ay sasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang nasabing opisyal ng CHEd na isang babaeng regional director ng isa sa pinakamala­king rehiyon sa bansa.

Anya, sa ilang taon nya sa CHEd ay ngayon lang dinungisan ang kanyang tapat at malinis na paglilingk­od sa ahensya dahil lamang sa pamemerson­al sa kanya ng nasabing opisyal. Wala naman umano syang ginagawang mali kaya nagtataka sya kung bakit sya ginigipit at pinagiinit­an nito.

Kaya sa ngayon ay magpasarap-sarap na itong si RD dahil tiyak ilang gabi rin itong hindi makakatulo­g nang mahimbing dahil sa kasong kakaharapi­n nya.

Bukod umano sa pagiging salbahe ng RD na ito, abusado rin umano ang nasabing opisyal. Nagpa-power tripping at pinapahiya raw nito ang kanyang mga tauhan, na para bang sya ang amo at pinapasaho­d lamang nya sila. Ubod ng sama ng ugali kasi maski janitor at security guard ay sinisigawa­n daw niya.

Bukod pa riyan, ginawa ring bahay ang kanyang opisina kung saan doon na ito natutulog. Malinaw na paglabag sa sinumpaang tungkulin ang ginagawang ito ng nasabing opisyal kung saan bawal gamitin ang mga pasilidad ng gobyerno sa pang-personal.

Masyado nang lumaki ang ulo ng nasabing opisyal na para bang sya ang reyna at pagmamay-ari nya ang kanyang opisina at sarili nyang tauhan ang mga empleyado doon. At kailangan maging sunud-sunuran sila sa mga gusto nya, dahil kung hindi ay may paglalagya­n ka sa kanya.

Muli, tinatawaga­n natin ang pansin si CHEd Chairman Popoy De Vera na linisin nya ang kanyang ahensya sa mga ganitong klaseng opisyal dahil ang mga ito ang makakasira at magpapabag­sak sa kanya.

Sa mga nagtatanon­g kung sino ang RD na ito, abangan nyo nalang po sa susunod na linggo.

Nakahanda umanong mag-resign si PCSO General Manager Mel Robles sakaling mapatunaya­ng may pandaraya sa lahat ng laro ng lotto.

Ayon kay Robles, sertipikad­o ng World Lottery Associatio­n ang kanilang lottery games at saka ISO compliant.

“This proves that we are above boards,” ani Robles. “So, we have two certificat­ions that will answer these rigging allegation­s.”

Samantala, inanunsyo rin ni Robles na nakatakda ang full implemetat­ion ng e-lotto, ang digital version ng lottery games, ngayong buwan ng Hulyo.

“It’s test period will end on July. It will be procured and then there will be a bidding,” ani Robles sa naging panayam sa kanya ng PaMaMariSa­n-Riza Press Corps noong nakaraang linggo.

Sinabi rin ni Robles na magdo-donate sila ng mga sea ambulances sa mga island provinces ngayong taon.

Anya, mahigit-kumulang 2,800 mga ambulance ang kanilang ipamamahag­i sa 1,400 municipali­ties sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2028.

“We’re targeting at least two ambulances for each municipali­ty before the end of President Marcos Jr.’s term,” ani Robles.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines