Daily Tribune (Philippines)

BANGAYAN PA RIN

-

Hanggang ngayon ay nagpapatul­oy pa rin ang bangayan sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa totoo lang, mukhang marami pang pagdadaana­n ang dalawang lider pagdating sa mga isyu sa bansa.

Nitong nakaraan kasi ay sinabi ni Marcos na aminado siyang mahihirapa­n siyang makakuha ng totoong sagot kaugnay sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina Duterte at ng pamahalaan ng China.

Giit pa ng Pangulo, marami umanong mga palusot dahil iba iba ang sagot na dumarating sa kaniya at ibinunyag rin niyang nakausap na niya ang mga dating opisyal ng administra­syong Duterte hinggil dito subalit walang malinaw na sagot.

Aminado rin ang Pangulo na naniniwala siyang mayroon talaganag secret deal sa pagitan ng dating administra­syon at China dahil iginigiit ito ng Beijing at giit pa niya, hindi nito isusuko kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa.

Sa kabilang banda naman, “maging kuntento” ang patutsada ni Duterte laban kay Marcos at ayon pa sa dating Pangulo, dapat ay maging masaya na si Marcos sa anim na taong termino bilang presidente ng bansa.

Dagdag pa ni Duterte, pinatawad at inintindi ng mga Pilipino si Marcos dahil binigyan pa umano ito ng Diyos ng panahon na makapagsil­bi sa Pilipinas kahit na hindi naging maganda ang kasaysayan ng pagbaba sa pwesto ng ama nitong si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Pinasaring­an din ni Duterte ang planong charter change na balak umanong i-extend ang term limits at ayon sa kanya, hindi umano kaayaaya na ang isang tao o ang isang administra­syon ay gagawa ng paraan para tanggalin ang anim na taon at dagdagan ito ng panibagong termino.

Ang mga ganitong klaseng bangayan, sa totoo lang, ay hindi nakakatulo­ng sa bansa.

Dapat ay isantabi na nila ang kanilang mga hindi pagkakauna­waan dahil taliwas ito sa nais ng administra­syon na mapag-kaisa ang lahat tungo sa pag-unlad ng bansa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines