Daily Tribune (Philippines)

WALANG ETSA PUERA

-

Muling naging kontrobers­yal ang mga plaka ng kotse na gamit ng mga pulitiko at diplomatik­o upang mapabilis ang kanilang byahe sa mga baradong daan ng Metro Manila.

Bagaman himingi ng paumanhin si Senador Chiz Escudero matapos idaan diumano ng driver ng kapamilya niya ang sasakyang may plakang “7” na para sa kanya sa EDSA Busway at inutusan ang driver na sumingit sa nasabing lane na humarap sa pagdinig sa kaso na isinasagaw­a ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority, hindi na dapat nangyari ang pagsingit sa nasabing daanan ng mga Carousel bus kung sinabihan niya ang kanyang mga driver.

Tanging ang Carousel bus, ambulansya, bumbero, pulis, at sasakyang may plaka ng pangulo, pangalawan­g pangulo, lider ng kamara at senado at pinuno ng Korte Suprema ang maaaring dumaan sa EDSA Busway batay sa alituntuni­n ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board.

May mga pribadong sasakyan at motorsiklo rin ang nahuling dumaan sa nasabing linya at pinagmulta. Ngunit mas nakakahiya kung ang sasakyan ng mga kongresist­a, senador, gobernador at mayor ang pumasok sa EDSA Busway.

Kinailanga­n pang maglabas ng Executive Order 56 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapasunod lang ang mga pasaway na opisyal na gumagamit ng mga plakang protocol. Ang tanong ay susunod ba sila o sasawayin pa rin nila ang utos.

Kung ang pangulo mismo ay di nagawang dumaan sa EDSA Busway, abuso na kung ang ibang opisyal na mas mababa sa kanya ang gagawa nito.

Marahil ay pagbawalan na lang lahat ng mga sasakyang may protocol na plaka, kasama na ang limang pinakamata­as na opisyal ng gobyerno, na dumaan sa EDSA Busway upang pamarisan ng lahat ng mga mambabatas at lokal na lider.

Sa administra­syon ni dating pangulong Benigno Aquino III, nagkaroon din ng pagbabawal sa pagpapatun­og ng sirena o wang-wang ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno upang sila’y padaanin ng ibang mga motorista. Siguro naman, sa EO 56 ni Marcos ay magtatanda na ang mga opisyal na pakiramdam ay importante­ng tao sila na dapat mauna sa biyahe habang ang mga karaniwang motorista ay magtitiis maipit sa siksikang daan sa Metro Manila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines