Daily Tribune (Philippines)

JERICHO ROSALES, WALANG PANAHON SA ROMANSA, TABLADO SI KATHRYN BERNARDO?

- CHIK A -DIVA ALWIN IGNACIO

Sa isang telebisyon panayam, ang dramatic actor na si Jericho Rosales, masayang ikinuwento ang tungkol sa kanyang mga paparating na proyekto na isang palatuntun­an sa telebisyon at isang pelikula. Bagong kwento at konsepto ang dahilan kaya hindi maitago ni master Rosales ang pananabik na magsimula na ang taping para sa teleserye, at shooting para sa pelikula.

Kung siya ang masusunod at mapagbibig­yan ang kanyang lambing, hangad ni Echo na makasama at makatambal ang dati nitong kapareha, na minsan ay talaga namang minahal niya, ang pagkaganda-ganda pa ring si Kristine Hermosa-Sotto.

Sa usaping pagmamahal at romansa, ang isa sa pinakapabo­rito at tumatak na “Eat Bulaga” Mister Pogi, nakakandad­o daw ang puso niya at wala siyang panahon para dito.

Maraming mga netizen ang hindi naniniwala sa ipinahayag ng dating The Hunk miyembro kasi nga, dati palagian niyang sinabi na “all is well” sa relasyon at pag-aasawahan nila ni Kim Jones, na yun pala, limang taon na silang hiwalay.

May iba ring umaarko ang mga kilay sa payanig ni Rosales dahil nga putok na putok ang chikang nililigawa­n niya si Kathryn Bernardo. May mga larawan sa social media na sila ay magkasama sa wellness activities, bar hopping at food trips. Kamakailan, panauhin rin siya sa kaarawan selebrasyo­n ni a very good girl Kathryn.

Ang tanong ng bayan, kaya pa ba may kiyeme latik si ginoong Rosales na wala siyang panahon sa romansa ay dahil napagtanto niyang lamang na lamang na si Alden Richards sa puso ni Queen Kath? Ay! Panalong tanong hindi ba naman?

Nasa tamang edad na si Jericho, wasto ang pag-iisip, emotionall­y intelligen­t at healthy, at seasoned gentleman na. Kung pangngataw­anan niya na “romance has no place and value” sa buhay niya sa kasalukuya­n, eh di sige at eh di wow! Ikaw na iyan eh.

Kung talagang tablado na niya si Kathryn Bernardo, kawalan ba naman siya sa babaing may hinhin na tangi at dakilang ganda? Alam na alam na natin ang tugon dito, hindi ba naman?

***

Mula sa TMI Theatre Production, na isang community youth theater organizati­on na mula sa lungsod ng Mandaluyon­g, itatanghal nila ang dulang pinamagata­ng “Hindi Kasi Ako Tapos” na ipapalabas ngayong 27th Abril sa 5th Floor Events Palce, Market Place, Heneral Kalentong, Mandaluyon­g City at sa 11 at 12 Mayo sa 3rd Floor Trade Hall, Star Mall EDSA Shaw, sa Mandaluyon­g City rin.

Sa panulat ni James Vilafuerte at sa direksyon ni Laurent Mercado, ang dula ay magpapakit­a at tatalakay kung bakit napaka-importante ng edukasyon at ano ang maaring kasadlakan ng mga kabataan kung hindi nila bibgyang halaga at mamahalin ang pag-aaral.

Ang mga magbibigay buhay sa mga katauhan sa dula ay sina Lucky Mercado, Seb Pajarillo, Rainier Castillo, Andress Vazquez, Marvien Magalano at Kurt Wenceslao.

Mga CHIKA DIVA mambabasa ko, panoorin at paki-suportahan ang “Kahit Hindi Ako Tapos.”

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines