Daily Tribune (Philippines)

LANGOY SA PLASTIK

-

Masasabing pwede nang lumangoy ang tao sa plastik. Iyan ay dahil sa mga basurang lumulutang sa mga karagatan na galing sa mga tambakan ng basura. Karamihan dito ay mga plastik na bote ng tubig, plastik na lalagyan ng mga chichirya at shampoo, at kung anu-ano pang bagay na gawa sa plastik.

Sa sobrang lala ng problemang ito sa basurang plastik, inilunsad ng Department of Environmen­t and Natural Resources sa Araw ng Mundo ang kampanyang ubusin ang mga basurang plastik na tinawag nitong “Earth Day Every Day.” Ang kampanya ay nag-uudyok sa mga kabataan na mag-recycle ng mga itinapong plastik at maging responsabl­e sa paggamit nito.

Naglalayon din ang “Earth Day Every Day” Project na ipaalala sa lahat na hindi nasisira at hindi halos nabubulok ang plastik, na banta ito sa kalusugan, na banta ito sa buhay ng ecosystem, at hadlang sa epektibong pag-aksyon laban sa pagbabago ng klima o pag-init ng mundo.

Ayon sa kalihim ng DENR, tinatayang mayroong 2.7 milyong toneladang tapong plastik sa Pilipinas kada taon at napupunta ito sa tambakan ng basura, ilog at iba pang sistemang pantubig.

Nakagugula­t rin na 61,000 metriko tonelada ng solid waste na nalilikha araw-araw sa bansa ay mga pakete at supot na plastik, at 20 porsyento nito ay napupunta sa mga karagatan.

Kaya nasabi ni Kalihim Maria Antonia Yulo-Loyzaga na lumalangoy ang tao sa plastik.

Nakagugula­t rin na ang halaga ng tinatapong plastik sa bansa kada taon ay katumbas ng 890 milyong pisong nawawala sa atin dahil hindi natin ito nare-recycle.

Magandang balita naman na may 800 kumpanya ang nangakong magbabawas ng produksyon ng plastik sa pamamagita­n ng pagpalit sa mga ito, pagkolekta, paglilinis o pag-recycle nito.

Malaking tulong sila dahil hindi naman kakayanin ng gobyerno lamang ang ganoong gawain.

Kailangan din ang partisipas­yon ng mga eksperto at pamantasan, at pagbabago sa paraan ng produksyon at konsumo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines