Daily Tribune (Philippines)

BGYO, PANGMALAKA­SAN ANG PANAWAGANG WASAKIN AT WAKASAN NA

- CHIK A -DIVA ALWIN IGNACIO

Binabagyo ngayon ang tinagurian­g Aces of PPop, ang BGYO sa social media site na X. Pangmalaka­sang trending topic dito ang #Disband BGYO. Habang tinitipa ang pitak na ito, halos 40K na ang sumasang-ayon sa nasabing panawagan.

Binubuo nina Gelo Rivera, Akira Morishita, JL Toreliza, Mikki Claver Jr. at Nate Porcalla, ang mga batikos at bira sa nasabing grupo, siksik, liglig at umaapaw.

Marami ang kumekwesti­yon sa kanilang talento, ang katotohana­ng pulos minor hits naman ang kanilang mga kanta, ang isyu tungkol sa kataksilan, paglalaro sa damdamin ng mga kababaihan, pagsira sa isang Pinoy BL tandem, at ang kabastusan at kawalang respeto ng kanilang fandom, ang Aces na personal ang pag-atake sa ibang PPop grupo.

Parang multo ring binabalik ang isyu tungkol sa isang dating miyembro na diumano ay pinagtulun­gan at binubully ng mga kasalukuya­ng miyembro na nagdulot ng mental at emotional health issues at problems dito.

Ipinamumuk­ha rin sa BGYO ang kanilang on-line reveals kung saan ang pakiwari nila ay hindi sila belong at welcome PPop movement at pag-angat nito.

Hibang na hibang ang ibang PPop fandoms kung bakit tila bulag, pipi at bingi sa katotohana­n ang BGYO Aces sa mga diumanong pagkakamal­i at tila walang pakialam na pag-uugali nito.

Ay! Tila mas nagpapakil­ala sa kanila sa PPop merkado at publiko ay ang mga intrigang pinipukol sa kanila kaysa sa mga kantang dapat eh siyang dahilan kaya sila natatandaa­n, yinayakap at minamahal.

Sa true lang tayo, grabehan ang panawagang #DisbandBGY­O dahil ang impresyon at persepsyon ibinigay nito sa publiko eh sadyang matindi ang kanilang mga baltik at kasalbahih­an at kaya hinihingi na sila ay wasakin at wakasan ay hindi dahil sa salat sila sa talento kundi tinimbang ka ngunit kulang sila sa mabuting asal at tamang pag-uugali, huh!

May katotohana­n ba ang alegasyon at bintang na ito BGYO? Bukas ang aming pitak para sa pagbabahag­i ng version of truth niyo.

**

Mula sa panulat ni Floy Quintos at sa direksyon ni Dexter Santos, ang bagong dulang GRACE ay kathang-isip na salaysay ni Quintos batay sa mga kaganapan at mga katauhan sa Lipa Carmel noong 1948.

nd Ang nasabing mga pagpapakit­a ng Our Lady Mediatrix of all Grace ay humantong sa mga patotoo ng pagbuhos ng mga talulot ng rosas, mahimalang pagpapagal­ing, at pagbabagon­g loob ng marami. Gayunpaman, ang mga aparisyon na ito ay hindi nakatangga­p ng opisyal na pagkilala mula sa mga awtoridad ng simbahan noong 1951, isang paninindig­an na nananatili hanggang ngayon.

Gayunpaman, ang debosyon sa Our Lady Mediatrix of all Grace ay patuloy na lumago sa paglipas ng mga taon.

Ang GRACE ay hindi naglalayon na akitin ang madla patungo sa anumang partikular na paniniwala. Sa halip, sinisiyasa­t ng dula ang mga pangyayari at nagtatanon­g… LIPA 1948. Panlilinla­ng? O Pagsubok sa Pananampal­ataya?

Ang pinakamauh­uhusay na artista sa teatro ang mapapanood sa Grace, sina Stella Cañete-Mendoza, Shamaine Centenera-Buencamino, Frances MakilIgnac­io, Missy Maramara

Matel Patayon, Leo Rialp. Dennis Marasigan, Nelsi, o Gomez, Jojo Cayabyab at

Raphne Catorce. Nakaka-intriga at tunay na napapanaho­n ang GRACE. Itatanghal ang GRACE mula Mayo 25 hanggang Hunyo 1 sa PMCS Blackbox Theater, Circuit Makati

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines