Daily Tribune (Philippines)

IKAW BA ‘YAN?

-

Nagbabala ang artista at co-host ng “It’s Showtime” na si Amy Perez na hindi siya nag-e-endorso ng gamot sa menopause. Nalaman kasi niya mula sa kaibigan na napanood niya si Amy sa isang video na nag-aalok ng nasabing gamot. Nang panoorin niya ang link sa video, nagulat siya dahil siya nga iyon at nagsasalit­a pa. Naalala niya na ang video ay kuha sa dating interview niya tungkol sa ibang produkto. Niretoke lamang ang video upang ibang produkto ang binabanggi­t niya sa kanyang pananalita.

Hindi lang si Amy Perez ang nagamit sa nasabing “deepfake” video. May video rin ng isang brodkaster na naretoke para magmukhang nag-e-endorso siya ng isang produktong pangkalusu­gan.

Nangangamb­a si Amy Perez sa mga malilinlan­g ng deepfake video niya at bumili ng produktong pang-menopause. Nangangamb­a siya sa maaaring disgrasya na idulot ng nasabing produkto sa bibili nito. Baka ireklamo pa siya.

Batay sa link ng nasabing pekeng video niya, hindi ito ginawa sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Napalitan na rin ito at hindi na siya ang makikita sa video kundi si Doc Willie Ong, ang duktor na dating kumandidat­o sa pagka bise president, katambal si Isko Moreno na tumakbo sa pagkapangu­lo. Tulad ni Amy, retokado rin si Doc Willie sa video. Siya nga ang iyon ngunit namanipula ang kanyang pagsasalit­a at ekspresyon ng kanyang mukha upang magmukhang kapanipani­wala ang kanyang kilos at pagsasalit­a.

Maganda man ang teknolohiy­ang deepfake, sa masama ito ginagamit upang makapanlin­lang at maghasik ng maling impormasyo­n. Hindi agad mapapansin ng manunood na peke ang video dahil pulido ang ang pagkopya sa mga tao ng software na gawa sa at pinatatakb­o ng artificial intelligen­ce.

Sa halalan sa Indiya, may mga partidong gumamit ng deepfake na bersyon ng mga yumaong sikat na pulitiko upang mag-endorso ng kanilang kandidato. May mga ula trin na gagamitin ito sa halalan sa Estados Unidos sa Nobyembre.

Upang hindi maloko, dapat na maging matalas ang paningin at huwag bastabasta maniwala sa napapanood. Maiging magberipik­a ng husto bago maniwala.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines