Daily Tribune (Philippines)

MAINE MENDOZA NAGSISI SA GUPIT SA AMERIKA

- ALEX BROSAS

Malaki ang pagsisisi ni Maine Mendoza dahil sa pagpapagup­it niya ng buhok sa abroad.

Sa kanyang X account, inamin ni Maine ang kanyang labis na pagsisisi.

“When you are in a foreign country and you make a spontaneou­s decision to get a haircut at a wellknown hair salon for the experience and spontaneit­y only to regret it later.”

Yan ang message niya. Napansin ito ng isang netizen who commented: “Ang iksi na ng hair mo!”

“Alam ko po iniyakan ko na nga diba,” sagit naman ni Maine.

“I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever,” say ni Maine sa isa pang tweet.

Ang daming nag-react na fans ni Maine.

“Hindi Magandang magpa-cut ng hair sa ibang bansa maraming mahusay sa pinas,” say ng isang fan.

Sinang-ayunan naman ito ng isang fan who said “Eimmer Nozih true! paminsan minsan lang ako nagpapagup­it dto US kasi ang mahal tapos di sila marunong magupit ng buhok, di ako masaya sa $40 plus tip pa. Kaya sa July na ako magpapagup­it pagdating ko.”

Aminado si Vice Ganda na natutuwa siya sa pangaasar sa mga taong naasar sa kanya.

Inamin ng It’s Showtime host na may nararamdan­an silang fulfillmen­t kapag nalaman niyang affected ang mga bashers niya sa kanyang mga action na ginagawa at mga salitang binibitiwa­n.

Alam ni Vice Ganda na kahit ano pa ang kanyang gawin ay ibabash pa rin siya kaya pinaglalar­uan na lang niya ang kanyang mga basher.

“It’s so fulfilling. Alam mo, it is so satisfying. Kasi wala naman akong magagawa sa kanila, e. Whatever I do ‘di ko sila mapapasaya kasi to begin with,” say ni Vice.

“They don’t like me. So, they will never like to see me succeed, be okay, and experience beautiful things in life. Hindi sila magiging masaya,” dagdag pa niya.

Ang feeling ni Vice, may nangyayari­ng maganda sa kanya kaya nabubuwusi­t ang kanyang mga balahurang detractors.

“So, kapag nakikita kong nabubuwisi­t sila, ibig sabihin may nangyayari­ng maganda sa akin. Kasi kapag ang nangyayari sa akin, chaka. Wala naman ‘yang mga reaksiyon, e, kasi nagse-celebrate sila no’n. Pero ‘pag may nangyaring maganda sa akin, doon talaga sila magtatraba­ho,” paliwanag niya.

“Ang dami kong nakikitang content. Tawangtawa ako sa inis ng maraming tao. It was so fulfilling ‘yung makita ‘yung buwisit ng ibang tao na nabubwisit sa akin. Na-fulfill ako. So, gawan ko nga ‘to ng kanta,” dagdag pa niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines