Daily Tribune (Philippines)

NATUNUGAN O NA-MARITES?

-

Marites ang bansag sa mga tsismoso at tsismosa na wala nang ginawa kundi magpalitan ng kuro-kuro at kwento tungkol sa mga kinikilos at gawain ng kapitbahay. Bagaman ito ay malayang pamamahaya­g at asembliya sa mga kantokanto na protektado pagkalat ng maling impormasyo­n o pribadong buhay ng iba.

Saan ba nakukuha ng mga Marites ang kanilang paksa kundi sa mga naririnig rin nilang bulungan ng mga ibang Marites sa kabilang dingding ng bahay o sa labas. Libreng libre ang mga kwentong masasagap na nangangana­k ng mga intriga.

Pero ibang klaseng Marites ang mga nasa embahada ng Tsina sa Pilipinas kung totoo nga ang ulat na gumamit ang ilang kawani rito ng mga gadget o device para nakakublin­g makapakini­g sa mga taong nag-uusap ng maseselang paksa. Hindi man sila tunay na Marites na nagpapakal­at ng intriga, ang kanilang ginawa ay pang-eespiya at dapat na sila’y patalsikin sa bansa, sa mungkahi ni Defense Secretary Gilber Teodoro Jr. dahil ito ay labag sa Anti-Wiretappin­g Law.

Nairekord umano ng mga Marites sa embahada ang pag-uusap ng isang diplomatik­ong Intsik at kumander ng Western Command ng Hukbong Sandatahan na si Vice Admiral Alberto Carlos tungkol sa bagong modelo ng pagpapadal­a ng supply sa mga sundalo ng barkong BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ang sinasabing rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal ay pinag-usapan nitong Enero. Ang na-rekord na pag-uusap ay tumagal ng dalawang minute.

Dahil isiniwalat ng mga Intsik ang narecord nap ag-uusap, napilitan umanong mag-leave si Carlos dahil wala siyang kapangyari­hang makipagneg­osasyon sa mga Instik tungkol sa Ayungin Shoal, bagaman pinabulaan­an ng Hukbong Sandatahan na may kinalaman sa iskandalo ang kanyang pag-leave. Pansamanta­lang pinalitan si Carlos ni Rear Admiral Alfonso Torres.

Magkakaroo­n ng imbestigas­yon rito ang Department of Foreign Affairs at pihadong gagawa rin ng sariling imbestigas­yon ang Senado o Kamara.

Ang nakakabaha­la sa nangyaring pagrerekor­d ng usapang sikreto dapat dahil may kinalaman ito sa pambasang seguridad, ay ang posibleng ginagawang pang-eespiya ng mga Intsik sa atin kahit noon pa. At mas nakakabaha­la pa kung hindi lamang mga diplomatik­o sa embahada ng Tsina ang nagwa-wiretappin­g sa mga nag-uusap na opisyal ng gobyerno kundi ang mga ibang Intsik na naririto sa Pilipinas bilang manggagawa, turista o estudyante.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines