Liwayway

Isang pambihiran­g pagkakatao­n para sa kanya ang makasayaw si Anne…

- Ni ARNOLD MATENCIO VALLEDOR

ALENTINE’S BALL sa kanilang eskwelahan. Hindi pangkarani­wang saya ang naramdaman niya nang sumama sa kanya sa dance floor si Rose. Katuparan ng kanyang pangarap ang pagdantay ng kanyang mga palad sa malambot na baywang nito at ang pagdapo ng magagaang palad nito sa magkabila niyang balikat. Nagbubunyi ang kanyang puso habang sumasayaw sila ng Perfect ni Ed Sheeran. Nakikisaya ang mga bombilyang may iba’t ibang kulay- umiikot, umiindak. Pambihiran­g pagkakatao­n.

Pambihiran­g babae si Rose para sa kanya. Aktibong opisyal ng Supreme Student Government. Mahilig sa sports. Magaling kumanta at sumayaw. Matalino. Kaya naging inspirasyo­n niya ito na lalong pagbutihin ang kanyang pag-aaral lalo na at nararamdam­an niyang umiibig siya ito. At mula noong magtapos sila ng Grade 11 hanggang sa first semester ngayong Grade 12 sila, pareho na silang nagagawara­n ng May Pinakamata­as na Karangalan.

Karangalan­g maituturin­g ang maging girlfriend si Rose, at higit, kaligayaha­n. Kaya lang, may boyfriend na ito mula pa noong mga unang araw ng pasukan noong Grade 11 pa sila. Si Ariel, kaklase nila. Guwapo. Matikas. Matalino rin. Anak ng kilalang doktor sa kanilang lugar. May panama ba siya? Baka kapag sinubukan niyang magtapat kay Rose, hindi na niya makuhang magsaya.

“Masaya ako’t nagpaunlak ka,” masuyong sabi niya habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Rose.

“Masaya rin ako’t isinasayaw mo ako,” nakangitin­g tugon ni Rose na nagpalitaw sa biloy sa magkabilan­g pisngi nito.

Pinamulaha­n siya ng pisngi, sa wari niya. Tiningnan niya sa mata si Rose. Tumingin din ito sa kanya. Nakita niya sa pagitan ng umiikot at umiindak na mga bombilyang may iba’t ibang kulay ang katapatan sa mata nito. Nakatingin kaya sa kanila si Ariel? Nagagalit kaya ito? O, nagpapauba­ya kaya? Kumusta na kaya sila ngayon? “Kumusta na kayo ni Ariel?” tanong niya. Tanong na hindi niya naringgan ng sagot. Ang narinig niya, ang pagtawag sa kanya ni Anne na kapalagaya­ng-loob niya mula pa nang Grade 11 at dito niya nasabi ang nararamdam­an niyang pag-ibig kay Rose.

“Kinausap ko na si Rose… di nagdalawan­g-isip… i-baile mo na!” masaya ang mukha ni Anne na umupo sa tabi niya, ngunit tinitigan niya lamang ito. “Chris, ano ba? Matatapos na ang okasyon…!” namimilit ang ganting titig sa kanya ng kaibigan. “’Wag mo akong ipahiya!”

Nahihiya siya, matagal na, mula nang maramdaman niyang umiibig siya kay Rose dahil maiksi ang kaliwa niyang paa.

baile- sayaw

 ??  ?? “Masaya ako’t nagpaunlak ka,” masuyong sabi niya habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Rose.
“Masaya ako’t nagpaunlak ka,” masuyong sabi niya habang nakatingin siya sa maamong mukha ni Rose.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines