Liwayway

PABATID SA MGA KONTRIBYUT­OR!

-

Itinuro ang mesang kinauupuan ng dalawa pang babae. Inihatid niya roon. Nagpasalam­at sa kanya ang mga kasama, na kaopisina siguro nito. Pabalik siya sa CR nang makita niya ang nalaglag na ID. Dinampot niya, nabasa ang pangalan at nakita ang litrato ni Karen de Villa. Ipinamulsa niya ang ID, nag-CR muna at binalak na isauli pero bakante na ang mesa nina Karen.

Tinawagan niya kinabukasa­n si Karen, ipinaalam na nasa kanya ang ID nito at nakipaggay­ak na makipagkit­a sa kanya nang hapong. Nagkita sila sa Robinson’s Gallerian at sa harap ng isang pitsel na beer at thin crust pizza, nalaman niyang masama ang loob ni Karen kagabi kaya ito umiinom.

“Wala man lang s’yang pasabi na paalis na s’ya, nagtext lang sa ‘kin. Babawi na lang daw s’ya pagbalik n’ya.” Ang tinutukoy nito ay ang boyfriend nitong seaman. May anim na buwan na silang nagkikita ni Karen mula nang gabing iyon. Walang ligawang nangyari sa kanila. Nagkasama lang sila sa lakaran, sa kainan, sa gimikan at minsang yayain niyang manood ng sine, nangyari. Nagpaunlak nang hingan niya ng halik. Iyon ang simula. Nagturinga­n silang mag-syota mula noon. Sino ang lalaking naka-jacket na sumundo kay Karen? “Usap tayo,” sabi niya kay Karen sa telepono makalipas ang dalawang araw. “Sa dati.” Pumayag. Tiyempo, maluwag sa EDSA. Nauna siya nang treinta minutos kay Karen sa EDSA-Shangrila. Nakipagpis­ilan ng palad sa kanya nang sumakay sila sa escalator patungo sa paborito nitong fastfood restaurant. Nang makaorder at makakain, saka niya kinausap, malumanay na sinabi ang kanyang nasaksihan nang sunduin niya ito kamakalawa. Nahayag ang pagkagulat ni Karen. “Sorry, Erwin, si Ferdie ang nakita mo.” “’Yung ex mong seaman?” Tumango. “’Andito s’ya, nakabakasy­on nang dalawang linggo. Nasa ICU ang mother n’ya. Na-coma kaya s’ya nakauwi.” “Nagkabalik­an ba kayo? Sabihin mo sa ‘kin.” Tiningnan siya ni Karen, mandi’y tinitimban­g ang magiging reaksiyon niya.

“H-Hindi naman talaga kami pormal na nag-break. Wala kaming closure. Ngayon, gusto n’yang magkabalik­an kami, malaman ang pasya ko bago s’ya bumalik sa Brazil.” “Ano’ng desisyon mo? Mahal mo pa ba s’ya?” Tiningnan uli siya, tumungo at saka marahang tumango. Naglabas ng panyo si Karen at pinahid ang nangingili­d na luha. “S-Sorry, Erwin…” Ipinatong niya ang palad niya sa palad ni Karen, pinisil, saka tinapik-tapik. “’Yon lang naman ang gusto kong malaman.” “H-Hindi ka galit?” “Well, me magagawa ba ‘ko?” Humilig sa kanya si Karen, yumakap at bumulong, “Thank you…”

Humalik sa kanyang pisngi si Karen, sa huling pagkakatao­n, bago sumakay ng bus pauwi sa Cubao. Pinakiramd­am ni Erwin ang kanyang sarili. Galit ba siya? Nagdaramda­m? Nalulungko­t? Medyo, sabi niya sa sarili.

Bumalik siya sa mall, nagtungo sa grocery, bumili ng beer-in-can at saka sumakay ng taksi pauwi sa kanyang apartment.

TINANGGIHA­N niya uli ang pagyayaya ng mga kasamahang lalaki sa auditing department na uminom nang hapong iyon. Balak niyang puntahan, pagsadyain, si Bianca sa mall na kinaroroon­an ng pinagtatra­bahuhan nitong food cart at ayaw niyang humarap dito nang nakainom.

Sa kalsada, malapit sa sakayan ng jeep at bus, muli siyang inalok ng maitim na kabataang babaeng naglalako ng rosas. “Flowers, Kuya, para sa deyt mo.” Napangiti siya. “Sige. Bigyan mo ‘ko’ng isa.” Nag-jeep siya patungong Taft Avenue. Nasa ground floor pala ang sinasabing food cart ni Bianca. Nakaunipor­me nga ito ng asul na pantalon at orange na polo, abala sa isang kostumer nang lumapit siya. “Hi.” “Erwin! Kumusta?” “Okey naman. Muk’ang mabili’ng tinda mo?” “Oo naman. Mura kasi, pang-masa. Masarap pa!” “Tingin ko nga.” Nakakubli sa kanyang likod ang kamay niyang may hawak na rosas. Tumitiyemp­o siya para maibigay kay Bianca. “Galing ka sa “Oo.” “Himala, wala kang date?” “Wala. Wala na.” “Wala na?” Tumango siya saka inilabas ang rosas at iniabot kay Bianca. Napangiti ito. “Me flower ka pa talaga, ha?” “Makulit ‘yung vendor sa Buendia.” Inabot ni Bianca ang bulaklak, saglit na inilapit sa ilong saka marahang inilapag sa ibabaw ng cart. Dinig sa kinaroroon­an nila ang tunog ng mikroponon­g nagmumula sa bingguhan sa second floor, ang bigkas ng mga numero sa bolilyo nang pilyong bading na game announcer: matinis, nakatutuwa­ng-nakakainis.

“May lakad ka mam’yang uwian?” tanong niya kay Bianca. “Wala.” “Hintayin kita. ” “Baka mainip ka?” “Okey lang. Sanay akong maghintay…” Napangiti na naman si Bianca. Sa second floor, humahalakh­ak ang bading na announcer. “May nanalo na!” narinig nila. May buminggo na raw. Kinindatan ni Erwin si Bianca. office?” PARA po sa sistema ng pagbabayad sa inyong nailathala­ng mga akda sa Liwayway, kailangan lamang pong may account kayo sa Philtrust bank o Landbank. Mangyari lamang pong ipadala o e-email ninyo ang inyong kompletong account name at number, kasama ng inyong TIN number sa liwayway.mb@gmail.com. Tanging Philtrust bank at Landbank lamang po ang tinatangga­p. Ang paghahanda po ng payroll ay buwanan. Ang nailathala­ng akda sa kasalukuya­ng buwan, sa susunod na buwan na idi-deposit ang inyong kabayaran.

Maraming salamat po, Editoryal

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines