Liwayway

Kung Paano Magpatawad Sa Sarili

- Ni KUYA SAM

DEAR KUYA SAM: Ako nga pala si Norberto, 45 taong gulang, taga-Negros Oriental ngunit dito na nakatira sa Maynila. Sampung taon na ang nakalipas, nagkahiwal­ay kami ng misis ko dahil sumama po ako sa ibang babae. Mayroon kaming tatlong anak ng dati kong misis at maganda sana ang hanapbuhay ko noon bilang checker sa isang kompanya. Hindi man kalakihan ang sahod ko ngunit sapat na para sa isang payak na buhay at payak na pamilya.

Ngunit naligaw ang landas ko, Kuya Sam. Sumama ako kay Maritess sa kanilang probinsiya at tumira kami roon ng limang taon. Nagkaroon kami ng isang anak. Sa kasamaang palad, nagkaroon naman ng ibang karelasyon si Maritess at iniwan niya ako. Masama man ang loob ko ngunit wala akong magagawa dahil hindi na siya nagpakita sa akin. May nakapagsab­i na nasa Masbate raw sila ngayon.

Bumalik akong mag-isa sa Maynila na ang tanging dala ay isang abubot. Hindi na ako bumalik sa aking unang pamilya dahil wala na akong ipagmumukh­a sa kanila. Sobrang laki na ng kasalanan ko. At alam kong hindi nila ako patatawari­n. Hindi na rin ako makahanap ng magandang trabaho dahil na rin sa aking edad.

Umasenso na ang dati kong pamilya. Magaganda ang trabaho ng mga anak ko at ang aking dating asawa ay may malaking grocery store.

Paekstra-ekstra na lang ako sa constructi­on, Kuya Sam. Nagbabakas­akali na makabangon­g muli. Pero labis-labis ang pagsisisi ko. Minumulto ako gabi-gabi ng aking mga kasalanan sa buhay.

Sana mabigyan mo ako ng payo kung ano ba ang magandang paraan upang mapatawad ko ang sarili. – NORBERTO

DEAR NORBERTO: Kung hirap ka nga’ng magpatawad sa iyong sarili, paano pa kaya ang pamilya mo? Kaya ang una mong gawin ngayon, dapat matutuhan mong tanggapin ang sarili, kung paano mo muling mabigyan ng pagpapahal­aga ang iyong buhay.

Alam mo, Norberto, lahat tayo nagkakamal­i sa buhay. Walang perpektong tao. Kanya-kanyang kasalanan lang iyan. Kanyakanya­ng kamalian. Ngunit ang mahalaga rito ay kung paano natin maiahon ang sarili mula sa kinasadlak­ang putikan. Diyan natin mare-redeem ang sarili.

Norberto, wala ka nang magagawa sa nakaraan. Nangyari na. Bali-baliktarin man natin ang mundo, nakaukit na iyon sa personal mong kasaysayan. Gawin mo itong magandang pundasyon sa buhay. Huwag ka nang gumawa ng ganito kalalang pagkakamal­i. Tingnan mo, naging miserable tuloy ang buhay mo. Ngunit ayaw kitang sisihin sa iyong nakaraan dahil pinagsisih­an mo na ito. Pero dapat, huwag na itong maulit dahil magiging walang silbi ang ating pagkamulat kung paulit-ulit nating ginagawa ang kamalian. Ang pagsisisi ay dapat may kaakibat na pagbabago.

Sa tingin ko, binabagaba­g ka lang ng iyong konsensiya dahil hindi ka man lang nakahingi ng sorry sa mga anak at dati mong asawa. Norberto, hindi na mahalaga kung hindi ka nila patawarin. Humingi ka ng sorry sa kanila dahil sa kanila ka may malaking pananaguta­n. Kung itakwil ka nila, tanggapin mo. Ang mahalaga, mailabas mo ang bigat ng iyong konsensiya. Bonus na lang kung patawarin ka nila.

Sana tuloy-tuloy na ang pagpakatin­o mo, Norberto. Sa palagay ko, maaantig mo rin ang puso ng mga anak mo at dating asawa kung magpakabai­t ka. Dahil kahit ano mang mangyari, tatay ka pa rin nila. Siguro sa galit, natural lang na masama ang loob nila. Sana maging katanggap-tanggap kang muli sa kanila. – KUYA SAM (MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines