Liwayway

MAY NANALO NA

- Ni ARMANDO T. JAVIER

(HULING BAHAGI)

NAPAMULAGA­T si Erwin. Bagama’t hindi na bago sa kanyang makarinig nang ganitong istorya, naging curious pa rin siya.

“Pinikot n’yang s’yota mo? P-Pa’no…?”

Lumagok uli ng beer sa lata si Bianca.

“Depressed s’ya no’n dahil naghiwalay sila nang ka

live-in n’ya. Lagi s’yang lasing, wala s’yang tinatanggi­hang tagay kung may nararaanan­g nag-iinuman, at sa bahay kahit mag-isa, lumalaklak s’ya. Ang sabi sa ‘kin ni Joaquin, nagpunta s’ya sa ‘min nang gabing ‘yon para dalawin ako. Hindi n’ya ‘ko dinatnan. Ang Ate Cecille ko’ng umistima sa kanya. Pinainom daw s’ya. Nagpabili pa ng alak nang maibuwal nila ang long

neck. Tapos, naligo raw si Ate. Naiinitan daw. Pinaghinta­y s’ya sa salas. Nang magbalik, naka-bathrobe na lang, nakapugong ang buhok. Tinukso raw s’ya. Me itsura ang ate ko. Malimit nga s’yang sumali sa beauty

contest sa barangay namin at sa ibang bayan, hindi lang nananalo. Akala ni Joaquin, one

night stand lang ‘yon. Ayaw pumayag ng ate ko. Gusto n’ya, sila na, makipag-break sa ‘kin si Joaquin. Nang ayaw ni

Ang pag-ibig ay para ring bingo: may natatalo at mayroon ding nananalo…

Joaquin, binantaang irereklamo s’ya ng rape. Sa takot n’yang maeskandal­o, pumayag. Sekretong naging sila nang hindi ko nalalaman. Tapos, nangyari ‘yon: sabi ni Ate, buntis s’ya at si Joaquin ang ama. Humihingi siya ng kasal. Kinompront­a ko si Joaquin pero kahit anong paliwanag n’ya, ayaw tumalab sa ‘kin. Masamang-masama ang loob ko. Kasal na sila sa huwes nang malamang hindi buntis si Ate Cecille. Siguro’y na-delay lang ang regla o baka sadyang idinahilan lang para maobliga si Joaquin na pakasalan s’ya.” “At sila ngayon ang mga kasama mo sa bahay?” Marahang tumango si Bianca. “Pinagsusus­petsahan n’ya ako na may gusto pa sa ‘kin si Joaquin pag nagkakausa­p kami ng mister n’ya. Natural lang na me pagkakatao­ng magkausap kami, nasa iisang bahay lang kami. Pero, mali ang paratang n’ya. Wala na ‘kong pagtingin kay Joaquin. Bayaw ko na s’ya. May isang anak na nga sila at buntis pa si Ate ngayon. Kaysa naman arawaraw kaming nag-aaway, mas mabuting bumukod na lang ako. Nakakahiya rin naman sa mga kapitbahay. Baka akalain nilang tinuhog kaming magkapatid ni Joaquin.”

Pinag-tig-isahan pa nila ang dalawang lata ng beer at nang maubos, nag-good night siya kay Bianca at pumasok na sa kanyang silid. Sa paglapat ng pinto, naulinig pa niya ang tila impit na paghikbi ng kolehiyala. B

AGO natapos ang buwan ay masayang ibinalita sa kanya ni Bianca na natanggap ito sa inaaplayan­g trabaho. Service crew nga raw sa isang food cart na nagbebenta ng french fries at chicken wings.

“Good news ‘yan,” sabi niya. “Kinakasiha­n ka na ng s’werte.” “Sana nga.” Nauna lang siya ng mga tatlumpung minuto kay Bianca. Mag-aalas-onse na nang gabi noon at first day nito sa bagong trabaho. May pasalubong pa ngang french fries at chicken wings sa kanya. Galing naman sila ni Karen sa date-sa sine uli. Pero ang inaasam niyang kasabikan nito sa kanya paris nang kasabikan niya rito, wala.

“O, wala ka ba sa mood?” tanong niya nang kumalas sa kanya si Karen at magpahid ng panyo sa labi. “Stressed lang sa office. Nasabon kasi ‘ko ng boss ko.” Ipinasya ni Erwin na ipagpaliba­n muna ang pagtatanon­g sa girlfriend kung bakit ito nag-undertime nang siya’y tumawag sa opisina at kung bakit hindi rin sinagot ang kanyang text. Baka lalong mawala sa mood si Karen. Tumuwid siya ng upo. “Me problema ba?” Umiling. “Para kasing ‘anlalim nang iniisip mo?” “’Win, ilang months na ba tayo?” “Magsi-six months, bakit?” Naghalukip­kip. “M-Me gusto ka bang sabihin sa ‘kin?” Umiling uli. “Saka na lang,” sabi. “Ewan ko sa ‘yo…!” Humalukipk­ip din si Erwin. Hindi nila tinapos ang palabas. Nagyaya na si Karen. Tinabangan na rin siya. Naghiwalay sila sa EDSA nang hindi nag-uusap.

Nakidampot siya sa uwing french fries at chicken wings ni Bianca. May balita pa ito sa kanya.

“Gusto ko nang kunin ‘yung k’wartong tiningnan ko noon. Solo lang ako. Kaya lang, common CR lang. Hilera ng mga k’wartong plywood lang ang dibisyon.” “Safe ka ba naman do’n?” “Tingin ko naman. Mga nagwo-work din kasi’ng mga tenant. ‘Tsaka, kakayanin ng budget ko…” “Ikaw…?” “Nakakahiya na rin naman sa ‘yo—sa inyo—ni Tintin…” “Kaibigan ka naman ng sister ko, okey lang.” “Nakakahiya pa rin.” A-uno napagpasya­hang lumipat ni Bianca sa uupahang kuwarto. Sa gabi sa katapusan nang buwang iyon, ito naman ang may bitbit na six pack na beer-in-can at may uwi uling french fries at chicken wings.

“Treat ko ‘to sa ‘yo. Pasens’ya na, ito lang ang nakayanan ko.”

“Wala naman sa pulutan ang ikinasasar­ap ng inuman, nasa mismong nag-iinuman,” sabi ni Erwin.

Nakapagbih­is na siya, nakapag-shower na rin, nang dumating si Bianca. Maaga siyang nakauwi dahil hindi naman nagyaya si Karen na magkita sila. Masakit daw ang ulo at magpapahin­ga na lang.

Ibinaba ni Bianca sa mababang mesita katapat ng sofabed ang mga bitbit. “Saglit, ha. Mag-freshen-up lang ako.” Pumasok ito sa banyo, naghilamos siguro at nang lumabas ay malinis na ang mukhang kangina’y malangis. “O, start na tayo,” sabing nakangiti.

Inabutan niya ito ng lata ng beer nang tabihan siya sa pagkakaupo sa sopa. Pinagpingk­i nila ang mga lata. Pinulutan nila ang french fries at chicken wings.

Nakatigala­wang lata na sila ng beer nang damputin ni Erwin ang palad ni Bianca.

“Anytime na gusto mong mag- crash-in dito, welcome ka.”

Tumawa si Bianca. “Sabi ko na, mami-miss mo rin ako. Di pa nga ako umaalis…” “Baduy ‘no? Obvious ba?” “Obvious na obvious!” Napatakip ang magkabilan­g palad ni Erwin sa kanyang mukha.

Nainom nilang lahat ang beer. Ubos din ang pulutan. Naghanda na silang matulog. Nag-CR uli si Erwin, tapos si Bianca. Nakakamise­tang pantulog na nang lumabas sa banyo, nakapadyam­a ngayon. “Last night ko na rito. Salamat uli, Kuya.” “Erwin na lang, wala nang kuya. Last night mo na e…” Natawa. “Sobrang thank you talaga.” At ang sumunod na ginawa nito’y hindi niya inaasahan. Sumalikop ang mga kamay sa kanya at niyakap siya. Naisip ni Erwin na biruin si Bianca. “Wala bang thank you kiss?” Nag-angat ng tingin si Bianca at tumunghay sa kanyang mukha, saka pumikit. Marahan, maingat na yumukod si Erwin at ginawaran ng halik ang tikom na labi ng kaharap. Bahagyang kuminig si Bianca, napadiin siguro ang kanyang halik. Namasa ang mga labi nila nang maghiwalay ang kanilang mga mukha. Umiwas ng tingin si Bianca. “Good night.” “Good night, E-Erwin…” Tumalikod siya at pumasok sa kanyang silid. Sumandal siya sa pinto nang mailapat niya iyon. Timping-timpi siya.

H(HULING LABAS)

INDI alam ni Gwen kung paano pakikihara­pan si Richard. Parang may humahaluka­y sa kaniyang kalooban. May kinig siya sa mga tuhod; mabilis ang lipad ng kaniyang isip. Kumubli siya sa isang malaking poste makapasok ng gusali. Hindi siya makikita ni Richard sumakay man ito sa elevator. Tumawag siya kay Arlene sa kaniyang smartphone. “Arlene, ” pakiusap niya. “May I use the private working room of VP Adriano to meet the insurance advisors instead in your office?” “Ha? Bakit? Relaks na sila sa office ko.”

“Favor naman, Arlene. I don’t want to mess up my day now.” Tumahimik si Arlene. Inakala niyang naputol ang kanilang linya.

“Parang he’s expecting some visitors today!” Halata niya ang panunudyo ni Arlene.

“Please, talaga! Ako na’ng ang bahala kung datnan ni VP Adriano sa private working room niya…” “Hindi ka lang in a hurry, parang may iniiwasan ka pa, ha?”

“Please, Arlene…don’t heckle me. Very tight ang situations ko today!”

“Oo na. I will get that ro ready fomor your use today. Papupuntah­in ko na rin doon ang insurance advisors na gustong maka-meet ka’t makahingi sa ‘yo ng tips sa trabaho.”

Isinara ni Gwen ang kaniyang smartphone. Hangos siya patungo sa service elevator.

Nasa likod ng opisina ni Arlene ang private working room ni VP Adriano. Iba ang elevator patungo roon. Hindi niya makakasaba­y kung sakali si Richard. Pagbukas ng elevator, nakita niyang iginigiya na ng isang lady

utility personnel sa nasabing silid ang mga insurance advisors. Nakahinga siya nang maluwag. Kalmado na siya nang tawagin niyang lumapit sa kaniya ang lady utility personnel. “Pakiabot lang ito kay Miss Arlene, ha? Pakisabi sa kaniya na

in half an hour, darating ako sa office niya!” Transcript ng miting nila ni Senador Muzon na ipahahatid kay Lola Nitz ang pinauna na niya sa opisina ni Arlene. Naisip niyang kung titigil nang matagal si Richard sa opisina nito, makababa na siya ng gusali nang walang inaalalang obligasyon. Inihingi agad ni Gwen ng paumanhin sa mga insurance

advisor na nagmamadal­i siya. Hindi niya inisip kung ano ang magiging impresyon ng mga ito sa kaniya. Nagbiro na lamang siya sa dulo ng interaksiy­on niya sa mga ito.

“Masarap maghanda ng lunch si VP Adriano…sayang din ‘yon. Bawas na sa daily budget ko!”

Nasiyahan siya’t nagkakatuw­aan pa ang mga ito nang iwan niya. Maaaring doon na rin kausapin ni VP Adriano ang mga ito. Nasa elevator na siya pababa sa

lobby ng gusali nang tawagan niya si Arlene.

“Alam kong nag-uusap sina VP Adriano and you know who. Sorry, Arlene…just keep the documents of the insurance foundation that he gave you for me. I’ll get it later.” “Richard expects to meet you after his brief meeting with VP Adriano. Something’s wrong, Gwen?” Pabulong sa smartphone ang sagot niya para hindi maulinigan ng mga kasabay niya sa elevator. “Arlene, ikaw muna ang bahala… just say I am not available today!”

Dali-dali niyang tinungo ang maluwang na pintuan ng gusali pagkalabas niya ng elevator. Hindi maisip kung saan pupunta, tumawid muna siya ng kalye at pumasok sa kalapit na shopping

mall. Diretso siya sa isang coffee & donut shop para kalmahin ang sarili.

“Hirap ang may iniiwasan,” sabi niya sa sarili. “Feel ko na I am wasting my time for the day!”

Napansin niyang nangingini­g ang kaniyang kamay nang hawakan niya ang puswelo ng inoder niyang kape. Kasama sa presyo nito ang isang pirasong donut. Minsan lamang nahigop niya ang kape bago naibaba ang puswelo nito. Inisip niyang tawagan o puntahan ang sino man kina Celine, Badette, Neriz o si Quintinita. Wala siyang maisip na maaaring idahilan sa pakikipagk­ita sa sino man sa mga ito.

Noon niya naisip ang kaniyang Kuya Feling. Ano na kaya ang nangyari sa determinad­ong pasiya nito na “bumalik” sa tahanan ng pamilya nila, kasama ang dalawang anak nito? Tinawagan niya ang kaniyang utol.

“Nandito na ako, kasama sina Joven at Gabby, “sagot ng Kuya Feling niya. “Narito na ang kasambahay na kinuha ko sa

employment agency. Nagtutulon­g-tulong na kami ni Dad para matapos agad ang paglilinis ng bahay.”

Nagmamadal­i sila sa paglilinis dahil darating din si Hipag Darlene? Sabik siyang itanong iyon.

“Umuwi ka para mai-welcome mo naman kami.

Magkakasam­a-sama na ang ating pamilya.” Masaya ang boses ng kaniyang utol.

Gumaan ang kaniyang kalooban. Tinapos niya ang paginom ng kape at iniwan ang donut na minsan lamang niyang kinagatan.

“Excited naman ako kung ganitong naayos na ang problema ng aming pamilya!”

Hinanap niya sa kaniyang smartphone ang Uber. apps para makatawag siya ng kotseng pampasaher­o na masasakyan niya pabalik sa kanila. Wala pang apat na minuto, sumagot ang Uber na may darating nang sasakyan na pipik-ap sa kaniya sa security

entrance ng shopping mall. Bumaba agad siya sa ground floor, tinatanaw sa kalyeng katapat ang sasakyang susundo sa kaniya.

Nang pabalik na siya sa kanila, wala na siyang naiisip kundi ang madaratnan niyang kasiyahan sa mukha ng kaniyang ama, ng kaniyang Kuya Feling, at ang buong pamilya nito. “Bahala na si Arlene…kung ano man ang magiging

developmen­t ng insurance advocacy namin.” Sinadya niyang ilayo sa isip si Richard, Lola Nitz at Monsie. Inisip niyang mahalaga ang maging palagay ang kalooban ng kaniyang Dad, Kuya Feling niya, asawa’t mga anak nito ngayong nabigyan sila ng pagkakatao­ng malutas ang kanilang problemang pampamilya.

PAGDATING ni Gwen sa tapat ng kanilang bahay, narinig niya ang ingay ng pagpreno sa likod ng kotseng kaniyang sinakyan. Napalingon siya at nakita niyang bumababa sa isang kotseng inakala niyang Uber din o Grab ang hipag niyang si Darlene. Akay nito sa kaliwang kamay ang pamangkin niyang si Etong. Mabilis siyang nakababa sa Uber. “Hipag!” tawag niya. Natigilan si Darlene pagkakita sa kaniya. Nakakilos lamang ito nang tumakbong palapit sa kaniya ang pamangkin. Yumuko siya, yakap na binuhat ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi habang binalikan niya ng tingin ang kaniyang hipag. Napansin niyang may ngilid ng luha sa mga mata si Darlene.

“Akala ko’y nanhik na kayo sa bahay, kasama ni Kuya, Joven at Gabby!”

“Sabi ko sa kaniya, mag-usap pa kami kasama nina Nanay at Tatay…sumige na agad siya!”

Naibaba na ni Gwen si Etong, hawak na lamang niya ito sa kamay.

“Halika na, hipag…” at itinulak niya ang isang pohas ng yero nilang gate at nagpauna na siya sa pagpasok sa bakuran.

Sumunod sa kaniya si Darlene at isinara ang gate. Nakalingon siya rito habang papalapit sa pintuan ng unang palapag nang makita niyang natigilan ang hipag. Parang may pinagpakua­n ng tingin.

Binawi niya ang tingin dito at bumaling sa tiningnan ng hipag. Bago siya nakapagsal­ita, tumakbo na si Darlene at mabilis na sinugod ng yakap ang Kuya Feling niya.

“Sabi ko na sa ‘yung kausapin muna natin sina Tatay at Nanay!”

“Narito ka na’t magkakasam­a na tayo ng mga bata. Kakausapin natin sina Tatay at Nanay, ba’t ba hindi? Importante sa akin na nakadesisy­on ka nang dito na tayo tumira sa bahay na kaloob na sa atin nina Dad at Gwen!”

“Oo…oo na. Di ko naman babayaang magkahiwal­ay tayo bilang pamilya!”

Laging sinusubok ang tatag ng pag-ibig, matamis ang bunga kung wala nang balakid.

Mayamaya, narinig ni Gwen ang boses ng kaniyang ama.

“Oy, Feling, Darlene… pumanhik na nga kayo’t baka isipin ng mga kapitbahay natin na may drama d’yan. Sige na’t nakadulog na sa lunch sina Joven at Gabby. May sasaglitin lang kami ni Gwen!”

Nakaringga­n lamang ba niya ang kaniyang ama? O talagang isinasama siya dahil kailangan?

Tinanaw pa niya ang pagpanhik ng bahay ng mag-asawa, hawak na ngayon sa kamay ng Kuya Feling niya si Etong. Narinig niya ang andar ng makina ng kotse ng kaniyang ama. Dalawang pohas na ng gate ang kaniyang binuksan.

“Urgent ang needs ni Dad? Naubos na’ng maintenanc­e tablets niya?”.

Nakasakay na siya sa kotse nang magsalita ang kaniyang ama.

“Solved na ang problem ng Kuya mo kay Darlene. Magiging masaya na uli ang ating pamilya.”

“Oo, Dad, di na tayo kakalog-kalog sa bahay. Excited din ako na makasama ang aking mga pamangkin.” Mayamaya, natiyak ni Gwen na tumbok na nila ang botika. “Dad, nasaan ang reseta, senior citizen ID at booklet mo? Ako na ang bibili ng gamot,”

“Kunin mo dyan sa compartmen­t ng kotse. Sige na’t baka wala akong maparkinga­n.” At sinabi nito ang bibilhing mga gamot.

Bumaba si Gwen, hawak ang lahat ng mga kailangan sa pagbili ng gamot ng isang senior citizen. Mabilis naman siyang inasikaso ng dala-dalawang paharmacis­ts.

Mangha siya’t wala sa parkingan ng botika ang kotse ng kaniyang ama. Wala rin sa gilid nito. Tumayo-tayo siya sa bangketa para matanaw siya ng ama. Naiisip niyang nasa

rest room ito ng tanaw niyang estasyon ng gasolina nang may humintong kotse sa kaniyang tapat. Bumukas ang pinto niyon. “Gwen, sakay na. Umuwi na si Dad at ibinilin ka sa akin!” Si Richard. Nanghina ang mga tuhod niya. Hindi siya nakakilos. Nagsabwata­n ito at ang kaniyang ama? Inapura na siyang sumakay na sa kotse.

“Baka mahuli na ako ng pulis. Bawal ang parking sa harap ng botika!”

Naisip niyang malaking kaabalahan kay Richard ang matikitan dahil sa traffic violation. Sumakay siya sa kotse nito.

“Usapan namin ng Dad n’yo na may daraanan muna tayo bago tayo tumuloy sa inyo!” Narinig niya ang ring tone ng kaniyang smartphone. “Gwen, give Richard one more chance. Listen to him first, saka ka magdesisyo­n!”

Hindi siya makasagot. Maririnig siya ni Richard.

“Don’t answer me now. Think of giving yourself a chance to be happy, too!”

Napilitan siyang sumagot. “Yes, Dad…” Tumahimik siya. Naghintay siyang magsalita si Richard.

“Give me a chance, Gwen. Nang umalis ka sa apartment, naisip ko na I can’t wait forever!” May hinihintay si Richard?

“While talking to myself, I thought a lot about my life. I wrote so many negative things about women. I appears to be hating them!”

Nagsuspets­a siya. “Oo, Gwen. Nasuklam ako sa mga babae. Pinasaring­an ko sila, ininsulto ko sila” Oh, God! Si Richard nga si Lover Dick na ka-Facebook ko! “Nang makilala kita, naiba ang perspectiv­e ko sa buhay. Though I was talking to you about finance or money, ikaw ang naisip

kong tatapos sa aking paghihinta­y.” Bumaling si Gwen kay Richard. Nakatitiya­k na siya.“Ikaw nga si Lover Dick…ikaw nga, Richard!” “Sorry, Gwen… ako nga. Di ko lang ko maipagtapa­t dahil sa nabubuong feelings ko sa iyo.”

“Pansukat sa kung may natitira ka pang damdamin para kay R. A.?” May talim ang kaniyang tanong.

“Inaamin ko, at naisip kong tatapatan mo ‘yon habang nagtatagal ang pagkakilal­a mo sa akin…”

“At sinamantal­a mong ipadama ‘yon sa akin nang pagtangkaa­n ni R.A. ang buhay mo?” “Di ko pinlano ‘yon…naramdaman ko na lang talaga!” “Bakit ayaw mo siyang harapin para matiyak mo’ng kung ano talaga ang feelings mo sa kaniya?”

Parang mundong tumigil sa pag-ikot si Richard. Tumutok ito sa pagmamaneh­o.

“Inaamin ko…akala ko, di pa namamatay ang pag-ibig ko sa kaniya!”

Parang ibig ni Gwen na bumaba ng kotse kung nakahinto lamang iyon.

“Pero nang umalis ka sa apartment, galit, naalarma ako. Naisip kong baka mawala ang tsansa na mapalaki ko ang nadiskubre kong feelings ko sa iyo. Kinahapuna­n, pinuntahan ko si R.A. sa detention cell. Sabi ko sa kaniya, ginagawa na ng mga abugado ko ang papeles na ipa-file sa pag-aatras ng demanda ko sa ‘yo. Sinabi ko rin na natiyak ko nang patay na ang ano mang

memories ng aming lumipas. Talagang umiibig na ako sa iyo. Natulala siya, matagal na hindi nagsalita, at umiyak pagkatapos. Saka humingi siya ng tawad sa akin. Nang kalmado siya, nakita ko sa kaniya na nagsasabi na siya nang totoo sa loob niya. Siguro daw, sabi pa niya… ‘yung ginawa niyang pinsala sa akin ang nagtulak sa ‘yo para talagang ibigin mo na ako!”

Hindi pa rin siya makapaniwa­la sa mahabang paliwanag ni Richard. Hindi rin niya namalayang ipinarada na nito ang sinasakyan nilang kotse sa bakanteng parking slot. Nasa harap sila ng gusali ng police department.

“Bakit dito?” usisa niya kay Richard na bumaba na sa kotse, hawak siya sa bisig, inaalalaya­n siya para maayos na makababa ng sasakyan.

“Request ni R. A. na isama kita sa kaniya para makahingi siya ng tawad sa iyo. Sabi pa niya, nakilala ka niyang mabuting tao nang maospital siya. Hindi mo raw pala iiwan sa ere ang sino mang victim of an accident na tulad niya!”

Kumawala siya sa pagkakahaw­ak ni Richard sa kaniyang braso. Titig na titig ito sa kaniya. Ramdam ni Gwen ang katapatan ng kaniyang sagot. “Hindi na big deal sa akin ang aksidenten­g ‘yon. Di na kailangang makahingi siya ng tawad sa akin. Naniniwala na akong nadiskubre na niya sa sarili, naipagsisi na niya ang wrong

doings na nagawa niya sa buhay niya!” “E, ako…paano naman ang lugar ko sa isip mo, sa puso mo?” Tumiim lalo ang titig ni Richard sa kaniya.

“Hinihintay na siguro ni Dad sa bahay ang mga gamot na binili ko!”

May dinukot si Richard sa bulsa nito. Kahita.Nanlaki ang mga niya nang buksan iyon ni Richard at kumislap sa araw ang laman niyon.

“Dumeretso ako sa bahay n’yo kangina nang di kita madatnan sa office ni Arlene. Nag-usap kami ni Dad.”

Ni Dad? Nagsabwata­n ang dalawa nang isama siya ng kaniyang ama na bumili ng gamot sa botika. “Gwen, will you marry me?” Hawak na ni Richard ang

wedding ring at handa nang isuot sa palasingsi­ngan niya. “Sa bahay na…” Naputol ang sasabihin ni Gwen. Hindi dahil sa aalis na sila ngayong umaandar na rin ang makina ng kotse. Nagulat siya nang kabigin siya ni Richard at halikan siya nito sa bibig. Napapikit siya, wala sa isip ang pag-alalang may makakapans­in sa kanila dahil manipis lamang ang car tint ng mga salamin sa kotse. (WAKAS)

 ??  ?? Tumango siya saka inilabas ang rosas at iniabot kay Bianca. Napangiti ito. “Me flower ka pa talaga, ha?”
Tumango siya saka inilabas ang rosas at iniabot kay Bianca. Napangiti ito. “Me flower ka pa talaga, ha?”
 ??  ?? “Request ni R. A. na isama kita sa kaniya para makahingi siya ng tawad sa iyo. Sabi pa niya, nakilala ka niyang mabuting tao nang maospital siya. Hindi mo raw pala iiwan sa ere ang sino mang victim of an accident na tulad niya!”
“Request ni R. A. na isama kita sa kaniya para makahingi siya ng tawad sa iyo. Sabi pa niya, nakilala ka niyang mabuting tao nang maospital siya. Hindi mo raw pala iiwan sa ere ang sino mang victim of an accident na tulad niya!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines