Liwayway

Paano Kita Mamahalin? (70)

- Gilda Olvidado

(IKA-70 NA LABAS)

MALAKAS ang kaba ni Lorea. Masama ang kutob. Sa kanyang silid binuksan ang sulat at binasa.

Namutla siya. Ang sulat ay pagbabanta ni Andy. Na papatayin sina Anton at Tristan kapag hindi lumabas si Lorea na bitbit ang mga damit. At hindi na babalik pa sa tahanan nina Tristan. Ang unang naisipan ni Lorea ay magsumbong. “Hi ... ang tahimik mo ngayon, a.” Palapit si Tristan at napapaisip na nagtanong kay Lorea.

Patay-tanggi si Lorea. “H-hindi naman, a. Ang daldal ko nga kanina.”

“Kaya nga nakakapagt­aka dahil parang ang tahimik mo ngayon.”

Dahil kita ang sinseridad ni Tristan, gusto nang

magtapat ni Lorea. “T-Tristan ... may sasabihin sana ako ...” “Tungkol saan?” Pero naunahan ng takot si Lorea. Dahil baka nga totoong papatayin ni Andy sina Anton at Tristan kapag nagsumbong siya.

Naunahan siya ng takot. “Ah, wala. Okay na. Tungkol lang naman sana sa ... gagawing pagti-test sa akin kung compatible ba ang kidney ko kay Anton. Wala ba akong ... bawal kainin bago gagawin ang test?”

Nag-imbento na lang siya dahil hindi na niya maitutuloy ang pagsusumbo­ng.

“Tiyak naman na sasabihin sa atin ng doktor kung ano ang bawal bago ang kidney testing. Don’t worry.”

“Hindi naman ako nagwo-worry. Oo nga pala, dahil natutulog naman si Anton, tutulong na lang ako sa pag-aalis ng mga insects sa garden.” “Yes, enjoy doing something that you like. Noon pa naman alam ko nang mahilig ka sa bulaklak. Kaya ang dami-daming bulaklak sa bahay ninyo dati, siksikan sila sa garden at lahat ng varieties meron.” Kumabog ang puso ni Lorea. “Natatandaa­n mo pa pala ...” “Every detail of everything about you, natatandaa­n ko, Lorea.” Na-awkward na si Lorea kaya nagpaalam na lang. “Sige na, pupunta na ako sa garden para makatulung-tulong doon.” “You don’t have to work hard dahil ang assignment mo lang naman talaga ay si Anton lang.” “Huwag ka nang magreklamo because you don’t have to. Masaya naman ako sa trato nina Ate Thelma at Kuya Dino sa akin.” “I’m glad you are.” Masaya rin si Tristan.

WALANG kaalam-alam sina Tristan na si Lorea ay nakakataka­s na pala.

Walang tao sa hardin kaya madali siyang nakalusot.

Agad pinuntahan ang gate na pantao. Ang guard naman ay nananangha­li sa kusina kaya walang bantay. Malayo na si Lorea nang makatunog si Tristan. “Hindi pa ba nakabalik si Lorea?” “Hindi pa, Sir. Baka ho nawiwili sa garden.” Sinundan ito ni Tristan sa garden. Sabik makipagkuw­entuhan sa babaeng mahal na mahal pa rin niya. Pero wala si Lorea sa garden. Umikot sa buong bakuran na medyo may kalakihan din si Tristan. Walang Lorea. Nagbalik siya sa kusina at dining room. “Yaya, sigurado kayo sa numerong pinindot ninyo?” “Siguradong-sigurado, Sir. Pero walang sumasagot sa celfone ni Lorea. Eh, baka naman ho nasa garden lang hindi lang ninyo nakita. Pumunta naman doon uli si Tristan. Wala ni anino ni Lorea. “May binili kaya sa labas?” Nagtanong siya sa guard nila. “Napansin mo ba kung lumabas si Lorea?” “Hindi po, Sir. Hindi ko po nakita.” Si Tristan na ang tumawag sa celfone ni Lorea pero walang sumasagot. Kaya kinukutuba­n na si Tristan. Siya na ang tumawag sa

guard sa village.

“Baka lang may napansin kayo na naglalakad na magandang babae, lumabas sa village.”

“Magandang babae po, Sir? Wala po, Sir. Pero kanina po may dumaan na motorsiklo na ang nakaangkas sa likod ay napakagand­ang babae.” “Ano ang descriptio­n?” “Mahaba ang buhok, Sir na nakalugay lang. Kahawig ho ni Marianne Rivera.” “Si Lorea iyon!” Inipon ni Tristan ang mga kasambahay at nag-imbestiga. “Umalis si Lorea, nakaangkas daw sa isang motor? May nasabihan ba sa inyo kung saan siya pupunta at kung sino ‘yung kasama niya sa motor?” Halatang nag-aalala si Tristan. At nagseselos din. “Hindi po namin alam, Sir. Wala po siyang pinagsabih­an na aalis pala siya.”

Pati ang nurse ay tinanong din ni Tristan. “Baka naman may nabanggit sa iyo, Miss Nurse?” “Wala ho, Sir.” Hanggang sa nagsalita na ang maid na pinagbigya­n ni Andy ng sulat para kay Lorea.

Sinabi nito lahat kay Tristan. Agad namang kinausap ni Tristan ang Kuya Dino niya pati ang Ate Lorea niya.

“May kumuha kay Lorea. Hindi ko masasabi kung kusa ba siyang sumama. But I know there is a man ... na inutusan ni Anne para kidnapin si Lorea.”

“Pero pumunta ba rito ‘yung kidnapper at pilit siyang isinama?” taka si Thelma.

“Wala hong nakakita pati guwardiya. Hindi nga siguro nagpunta dito ang may-ari ng motorsiklo, baka hinintay lang sa labas si Lorea?” “Pero bakit nga siya sumama?” “Siguradong may kinalaman sa sulat na natanggap niya.

Maybe that letter is a threat. Hindi sasama si Lorea sa dating kumidnap sa kanya kung hindi nanakot ang sumulat.” “Anong pananakot?” taka pa rin si Dino. “Baka si Anton ang pinagbaban­taan this time. Puwede ring ... pati ako.” “Sana humingi na lang siya ng tulong.” Napailing si Thelma. May biglang naalala si Tristan. Iyong parang may gustong sabihin sa kanya si Lorea pero parang biglang iba na lang ang sinabi. “Maybe she attempted to tell me pero baka nanaig sa kanya ang takot. Siguradong mahal na mahal niya ang pinagbaban­taan.” “So we inform the police now?”

“Gusto ko sana pero nag-aalala naman ako na baka sasaktan nila si Lorea kapag nagsumbong tayo.”

“Aba, alangan namang maghihinta­y na lang tayo na ibabalik nila si Lorea, Tristan. Kailangan siya ni Anton. Hindi dapat ma

delay ang kidney transplant nila!” “Kuya Dino, sino ho ba ang ayaw pumunta na sa pulisya? Gusto kong may magri-rescue na kay Lorea pero tarantado ‘tong lalaking ito, capable of doing anything to Lorea!” Aburidong-aburido si Dino. “Bakit nagkakagan­yan si Anne?

I’m afraid iuutos na lang niya ang pagpatay kay Lorea kaysa madungisan pa ng dugo ang mga kamay niya.”

“Hindi na ako nagulat sa mga ginawa ni Anne, Kuya Dino. She is capable of doing the worst.”

“Kailangan nang makuha si Lorea, Dino! Hindi puwedeng maghintay ang masamang kalagayan ni Anton.” Umiiyak na si

Hindi nakaligtas si Lorea sa marahas na plano ni Andy. At sa panibago niyang pagsuong sa panganib, paano nga ba niya ito matatakasa­n?

Thelma. Inalo siya ni Tristan. “We’ll do everything. Kapag twentyfour hours nang walang pasabi ang mga kidnappers then everything should be taken to the police or our constabula­ry.”

“Akala ko maayos na ang lahat. I’m so sorry for this!” “Pero hindi mo naman ito kasalanan, Tristan.” “Kahit na. Dapat pa rin alerto ako. Dahil alam ko naman na kinidnap na siya noong Andy.”

UMIIYAK si Lorea habang nakaangkas sa motor.

Gusto niyang tumalon pero takot siya sa naipakitan­g baril ni Andy. Gagamitin daw ang baril kay Anton. At kay Tristan.

Nakarating sila sa isang bahay na malayo sa ibang kabahayan. Agad iginapos ni Andy si Lorea. “Papatayin mo ba ako? Iyan ba ang utos ni Anne? Hindi ninyo ako nakuha noong una kaya ito na naman, tinuluyan na ninyo akong makuha?”

“Kung magpapakas­al ka sa akin at uuwi tayong probins’ya, walang masamang mangyayari sa iyo. Titigilan ka na ni Anne.”

“Andy, naiintindi­han mo ba? Kailangan kong i-donate ang kidney ko sa aking anak! Nakatakda na ang operasyon sa makalawa! Kapag hindi mo ako ibinalik, mamamatay si Anton!”

“Magpakasal muna tayo saka mo i-donate ang kidney mo. At ... kailangan may kapalit na napakalaki­ng halaga!” “Mukha kang pera!” “Praktikal lang. Saka dalawa naman ang gusto kong mangyari. Magkapera ng marami at mapangasaw­a ka!” “Hinding-hindi mangyayari ‘yan dahil masama ka, Andy!” “Ang sabihin mo, mas gusto mo si Tristan dahil mayaman!” “Hindi kayamanan ang inibig ko kay Tristan kundi ang puso niya dahil mabait talaga siya!”

“Sige, patigasan tayo. Huwag kang magpakasal sa akin, mamamatay ang anak mo. Dahil wala siyang makukuhang bagong kidney!” At lumabas ng silid si Andy, itinrangka ang pinto. “Andyyyy! Palayain mo ako! Maawa ka naman!” Sumagot si Andy kahit nasa labas na ng pinto. “Kasal muna! Nakahanda na ang mga papeles, maraming contact si Miss Anne kaya ora-oradang may nakuhang marriage license para sa ating dalawa!” Galit na galit si Lorea. “Hindi talaga ako magpapakas­al sa iyo!”

GISING na si Anton at hinahanap kaagad si Lorea. “Daddy, Mommy ... nasaan po ang Tita Lorea?” “You know what, Anton. Nagkasundo na kami ng Mama mo na pabakasyun­an muna si Lorea kahit dalawang araw lang.” “Po? Bakit po? Wala naman po siyang kasalanan, di po ba? “Hindi naman namin sinabing may kasalanan siya, Anton.” “Naaawa rin po kayo sa kanya? Kapag hindi siya nakabalik dito baka kung ano na nangyari sa kanya.” “Hahanapin ko siya kahit hanggang doon sa pinakadulo ng mundo!” deklara ni Tristan. “We will do that for the sake of Anton. Pero habang wala pang 24 hours, puntahan na muna natin si Anne at kung may kinalaman siya kailangang mapaamin,” tulirong nag-suggest si Dino.”

“Let’s go!” Galit na sinabi ni Thelma. Naniniwala na ring may kinalaman nga sa nangyari si Anne.

(ITUTULOY)

 ??  ?? “Papatayin mo ba ako? Iyan ba ang utos ni Anne? Hindi ninyo ako nakuha noong una kaya ito na naman, tinuluyan na ninyo akong makuha?”
“Papatayin mo ba ako? Iyan ba ang utos ni Anne? Hindi ninyo ako nakuha noong una kaya ito na naman, tinuluyan na ninyo akong makuha?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines