Liwayway

May Benepisyo Rin Ang Pag-iyak

- Marilyn C. Arayata

GUSTO natin lagi tayong masaya. Hindi naman maiiwasan ang mga pangyayari­ng malungkot o masaklap. Sa ayaw at sa gusto natin, may mga bagay na makakasaki­t sa atin – sapat para tayo mapaiyak.

Kung naiiyak ka, bakit mo pipigilin? May mga benepisyo ang pag-iyak. Sinasabing ang luha na dulot ng stress ay nakababawa­s ng mga kemikal na nagpapataa­s ng stress

hormone. Kapag basa ng luha ang mga mata, nahuhugasa­n ang alikabok – ang laking alwan nito, di ba? Bukod dito, nababawasa­n ang bigat ng pakiramdam at sama ng loob sa bawat pag-iyak. Nare-release ang mga negatibong emosyon.

Ayon sa mga pag-aaral, may feel-good effect ang pag-iyak. Ang pag-iyak na dulot ng matinding emosyon ay nagre

release ng endorphins, ang feel-good hormone. Hindi mo ba napapansin na pagkatapos ng matinding pag-iyak, may kakaibang relief at minsan, nararamdam­an mo na napapangit­i ka?

Kung magpapakat­otoo ka at ie-express mo ang nararamdam­an, lalo na sa isang mapagkakat­iwalaang kaibigan o kamag-anak, hindi maiipon ang stress at bigat. Mapapayuha­n ka pa sa mga dapat mong gawin. Habang pinag-uusapan ang sitwasyon mo, may mga bagay na magiging mas malinaw sa iyo, kumpara sa pag-iyak mo lang sa isang sulok. Nag-iiba ang perspektib­o. Mas nakakakita ka ng options. Hindi naman ibig sabihin nito ay araw-arawin ang pagdaing at pag-iyak sa isang tao. Baka naman pagtaguan ka na niya. Gaano man siya ka-compassion­ate at kabuting tao, may mga sarili din naman siyang nararamdam­ang mga kabigatan sa buhay. Huwag namang lagi na lang ipadama sa kanya ang linya sa isang lumang pelikula – “Pasan ko ang daigdig!”. Give

him a break. Ikaw rin, give yourself a break. Lagyan din ng deadline ang pag-iyak. Hinaan lang ang intensity. Sa dami ng naiiyak mo na dati, siguro naman, konti na lang sama ng loob? Baka naman kailangan mo nang magpaka-busy sa iba pang bagay. Bagama’t may mga benepisyo ang pag-iyak, mas magiging maayos ang lahat kung sisikapin mong maging mas matatag, mas panatag, at mas exciting ang buhay. Maniwala ka na kaya mo ‘yan, ano man ang iyong pinagdaraa­nan.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines