Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MURA na, masarap pa. Ganyan ang hanap natin sa mga restoran. Makapaglul­uto kayo ng masasarap na putahe na madaling bilhin at mura ang sangkap.

TORTANG PUSO NG SAGING MGA SANGKAP:

1 puso ng saging, alisin ang matigas na balat at hiwain nang maliliit ¼ kilong hipon, balatan at hiwain nang maliliit 4 na kutsarang tinadtad na sibuyas 4 na butil ng bawang, pitpitin 2 itlog Asin at paminta, ayon sa panlasa ang dami

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang at ang hipon. Ihalo ang puso ng saging na nilamas sa asin, hinugasan at piniga. Palamigin. Bago ihalo sa dalawang itlog na binati. Ibuhos sa kawali na “pinadulas” sa mantika. Ito’y upang hindi dumikit ang niluluto. Maingat na baligtarin. Ihain na catsup ang pinakasals­a.

GINATAANG TINOLA MGA SANGKAP:

½ kilong pakpak ng manok ½ puswelong gata 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 3 butil ng bawang, pitpitin 1 kutsarang luya, hiniwa nang maliliit 1 taling dahong sili, dahon lamang ang gagamitin 2 patatas, hiwain sa apat bawat

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang, luya at sibuyas ang mga pakpak ng manok. Tubigan nang bahagya matapos timplahan ng patis at pampasarap mix. Pakuluan nang ilang saglit. Tubigan pa nang sapat. Ilagay ang patatas. Kapag malambot na, ilahok ang dahon sili at gata. Pakuluan na hanggang maging sapat ang pagkakalut­o.

LOMO WITH MUSHROOM MGA SANGKAP:

½ kilong lomo, hiwain nang strips 1 canned mushroom 2 butil bawang, pitpitin 1 sibuyas, hiwain nang maliliit

PARAAN NG PAGLULUTO:

IGISA sa bawang at sibuyas ang lomo strips. Tubigan nang bahagya at pakuluan hanggang lumambot. Ilahok ang mushroom (kabuti), kasama ang sabaw. Patuloy na pakuluan. Ihain nang mainit.

 ?? Mula sa Google ??
Mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines