Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

TAONG 1572 nang pangalanan umano ng Spanish historian na si Diego Lopez Povedano ang lugar na “Dananguet.” Pero pinalitan ito ni Murillo Velarde ng Dumaguete noong 1734 na nanatiling tawag hanggang ngayon.

Dahil sa pagiging magiliw ng mga tao sa mga dumadalaw na turista – lokal man o dayuhan, binansagan­g “City of Gentle People” ang Dumaguete City, ang pinakamala­king lungsod sa lalawigan ng Negros Oriental.

Sinasabing ang pangalan ng lungsod na “Dumaguete” ay hango sa salitang Visaya na “Daggit” o dagit/hablot dahil sa madalas na pagsalakay umano noong unang panahon ng mga pirata sa karagatang sakop ng lalawigan.

ANG F.B. sa kalyeng F.B. Harrison ay hindi pinaigsing “Facebook”. Ito ay Francis Burton Harrison, pangalan ng dating Amerikanon­g mambabatas at nagsilbing governorge­neral sa Pilipinas mula 1913 hanggang

1921.

Nakilala si Harrison na tunay na may malasakit para maging independiy­ente ng Pilipinas. Isinulong niya ang mga patakaran na magpapadal­i para maging

malaya ang Pinoy sa kamay ng mananakop na mga kababayan niyang Amerikano.

Kahit naisalin na sa mga Pilipino ang pamamalaka­d sa bansa, kinuha pa rin ng mga naging pangulo ang kanyang tulong para maging tagapayo sa pamamahala.

ANG Filipino-American na si Cristeta Comerford ang unang babaeng Executive chef ng White House matapos magbitiw si Walter Scheib III. Si Comerford, 41, na may US

citizenshi­p status ay naging assistant chef sa White House sa loob ng sampung taon.

Nalugod naman si US First Lady Laura Bush nang tinanggap ni Chef Comerford ang nasabing posisyon.

GINAMIT ni Gregoria de Jesus ang simbolikon­g pangalan na Lakambini na ang ibig sabihin ay “Prinsesa”. Siya ang unang babaeng Pinay na sumali sa Katipunan.

 ??  ?? Gregoria de Jesus
Gregoria de Jesus
 ??  ?? Cristeta Comerford
Cristeta Comerford
 ??  ?? Francis Burton Harrison
Francis Burton Harrison

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines