Astrolohiya

Liwayway - - Mga Nilalaman - Madame Sharona

HAPPY BIRTHDAY: Mula sa hulihan, ilalagay ka ng langit sa unahan. Kaya malaki ang maitutulong sa iyo ng pagpapakababa at pagpapakumbaba.

ARIES (Mar. 21-Abr. 20) Maraming katwiran ang tamad at ang masipag ay halos hindi nagsasalita dahil gawa lang nang gawa. Maingay ka ngayon, ikaw ay tamad. Lucky days. Thursday and Sunday. Lucky nos 7, 10 & 13.

TAURUS (Abr. 21- Mayo 21) Hindi mo kayang hadlangan ang iyong mga paa sa kung gusto nilang pumunta. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing sa iyong suwerte dadalhin ka nila. Lucky days. Monday and Friday. Lucky nos. 11, 19 & 30.

GEMINI (Mayo 22-Hun. 23) Kahit alam mong agrabiyado ka, hindi mo pa rin kayanag itakwil ang mga kaibigan na lagi mong kasama sa pagsasaya at paglalakwatsa. Mananatili sila sa buhay mo kahit anong mangyari. Lucky days Monday and Sunday. Lucky nos. 7, 15 & 29.

CANCER (Hun. 24-Hul. 23) Huwag kang makialam sa problema ng iba dahil sa huli, ikaw ang may pinakamalaking problema. Kaya iwasan mo ang pumanig o tumulong sa kahit na sino. Lucky days. Wednesday and Friday. Lucky nos. 11, 12 & 39.

LEO (Hul. 24-Agos. 23) Mas madalas na wala sa kaharap mo ang atensiyon mo papra hindi mo ito alam kaya mapapansin mo nalang na kusang aalis ang iyong makakaharap. Lucky days. Tuesday and Sunday. Lucky nos. 28, 31 & 40.

VIRGO (Agos. 23-Set. 23) Huwag kang tataya sa dehado dahil ikaw ay matatalo. Ibig sabihin, ang piliin mo ay may kakayahan na bigyan ka ng masarap na buhay. Lucky days. Wednesday and Thursday. Lucky nos. 26 , 30 & 45.

LIBRA (Set. 23-Okt. 23) Magmumula sa iyo ang magagandang ideya. Ikaw na mismo ang maglakip ng kaukulang pagkilos dahil kapag hindi makikita mo na sa iba ang gumagawa ng ideya mo. Lucky days. Monday and Friday. Lucky nos. 12, 24 & 32.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 21) Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon patutunayan sa iyo ng langit na mali ang akala mo na ang mga panalangin mo ay hindi naririnig. Lucky days. Wednesday and Saturday. Lucky nos. 12, 30 & 37.

SAGITTARIUS (Nob. 22- Dis. 21) Huwag kang makisali sa mga pagdedebate dahil mababawasan ang iyong mga suwerte. Huwag ding makihalo sa mga walang kuwentang kuwentuhan. Lucky days. Monday and Thursday. Lucky nos. 10, 19 & 23.

CAPRICORN (Dis. 23-Ene. 20) Ito ang araw na nagpasya na ang isang nasa malayo na ibahagi sa iyo ang kanyang mga suwerteng tinatamasa. Magpasalamat sa kanya at nasa itaas. Lucky days. Tuesday and Sunday. Lucky nos. 10, 19 & 24.

AQUARIUS (Ene. 21- Peb. 19) Dagdagan pa ang kilos mo kung dati ay dalawa lang gawin mong tatlo. Sa ganito, maiiwasan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensiya. Lucky days. Wednesday and Friday. Lucky nos. 9, 10 & 28.

PISCES (Peb. 20- Mar. 20) Kung ano ang gusto mo, 'yun na rin ang gusto ng langit. Tukuyin mo na ngayon ang tunay mong gusto, naghihintay ang langit. Lucky days. Thursday and Saturday. Lucky nos. 27, 31 & 30.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.