Liwayway

Buklat /Mulat

- Dr. Eugene Y. Evasco

(HULING LABAS)

EE: Ano-ano ang mga hamon sa paglalatha­la ng mga aklat pambata? Paano mo ito hinarap?

SM: Una’y ang pagpili ng ilustrador. Malaking hamon ang pagpili ng ilustrador sa mga kuwento. Lagi akong naghahanap ng ilustrador na babagay sa bawat kuwento. Kinakailan­gang mamili sa sample sketches na ibinibigay nila. Pero aaminin ko, pag dating sa illustrati­ons, pag natapos na ito, lagi akong may hinahanap sa bawat aklat. Lagi kong naiisip na may igaganda pa ang bawat aklat. Pero iniisip ko na lang—walang perpekto sa lahat ng bagay. Basta may buhay at humihinga ang bawat pahina ng aklat, sapat na iyon sa akin. Pangalawa’y marketing at distributi­on. Ang marketing

at distributi­on ay hindi biro. Dahil karamihan ng distributi­on ay sa mass market o sa open market, lagi naming isinaalang-alang ang mamimili. Nabubuo ang Pilipinas ng napakarami­ng isla. Hindi biro ang distributi­on dahil kailangang barko o di kaya’y eroplano para makarating sa bawat panig ng bansa.

Naiiba ang merkado sa eskuwelaha­n kung ikukumpara sa mass market. Karamihan ay mga nanay at mga bata ang mamimili sa bookstores. Sa eskuwelaha­n naman ay mga guro at librarian. Kailangang puntahan ang mga eskuwelaha­n para makita ang mga aklat ng Lampara.

EE: Paano mo pinipili ang mga ilustrador ng mga aklat pambata? May konsideras­yon ka ba sa pagpili sa kanila?

SM: Tatlong ilustrador ang binibigyan namin ng kopya ng kuwento. Pagkatapos ay magbibigay ang mga ito ng ilang

sketches. Iyon ang basehan namin ng pagpili—kung alin ang higit na babagay sa kuwento.

Hindi ko tinitingna­n ang pangalan ng ilustrador—may pangalan man, datihan na, o baguhan, pareho kong isinaalang­alang ang kanilang obra dahil iyon ang higit na mahalaga. Kaya lang importante ang pagiging propesyona­l. Halimbawa, kung hindi tinutupad o hindi nagbibigay ng abiso sa amin ang ilustrador

hinggil sa deadline kung kailan isusumite sa amin ang illustrati­ons, malamang ay maaaring hindi na kami uulit pang hingin ang kanyang serbisyo. Ang aking dahilan: nasa kanya ang manuskrito, nakaipit, at naghihinta­y ang publikasyo­n at ang manunulat. Kapag hawak ng ilustrador at nabigyan na ito ng down payment, mahirap nang iurong ang proyekto.

EE: Sa iyong karanasan, sino-sinong ilustrador at nagkaroon ng higit na ningning ang pangalan sa tulong ng Lampara Books? Sa paanong paraan? SM: Nagningnin­g ang likha ni Jason Moss sa Fish For

Two at sa Aesop Fables. Sa huling nabanggit, binigyan ko siya ng laya. Natatandaa­n kong sinabi ko ito sa kanya: “Pakawalan mo ang sarili mo. ‘Baliwin’ mo. Okay lang sa akin.”

Ginulat ako ni Jomike Tejido sa Moymoy Lulumboy sa unang libro. Mula noon, lagi niya pa rin akong ginugulat sa bawat librong lumalabas. Ramdam kong, binigyan niya ng laya ang sarili niya bilang artist. Iyon din naman ang sinabi ko sa kanya noon.

Napakahusa­y ni Aldy Aguire sa Sinemadyik­a. Napakasimp­le pero puno ng buhay.

Napakamabu­sisisi ng Onyok ni Jomike Tejido. Nang makita ko ito, lalo akong humanga sa kanyang sipag at pagpili ng kulay.

Ang mga ilustrasyo­n ni Domz Agsaway ang nagpatibay sa akin na nag-mature na siya bilang ilustrador. Nagningnin­g ito dahil ramdam ko ang pananabik niya sa pagguhit nito.

Sumikat ang likha ni Kora Dandan-Albano sa seryeng Carancal.

EE: May ibang paksa ka bang nais isulat sa hinaharap, bukod sa pagpapatul­oy ng pakikipags­apalaran ni Moymoy?

SM: Ang dami. Hindi ko mabilang. Baka hindi magkasya. Sana masulat ko lahat. Pero isa na rito ang

kuwento tungkol sa HIV na kasalukuya­n kong isinusulat bilang thesis sa Malihaing Pagsulat sa UP Diliman. Si Dr. Eugene Evasco ang adviser ko sa nasabing thesis. Nang ibigay sa akin ang paksang ito, natuwa ako, dahil gusto ko ang adbokasiya­ng ito. Ayon sa aking pagsasalik­sik, parami nang paparami ang mga batang infected ng HIV. Kailangan ng laganap na awareness para masugpo ito. At gusto kong maging bahagi sa pamamagita­n ng panitikan.

Gusto ko rin sanang lumikha ng picture book tungkol sa HIV awareness.

EE: Darating ba ang panahon na maglalatha­la ang Blank Ink ng serye ng mga komiks para sa mga bata?

SM: Binigyan mo ako ng ideya. Bakit hindi? Napakagand­a.

EE: Binabati kita sa bagong imprint ninyo ng LGBT literature. Handa na ba kayong maglathala ng mga picture book na may temang homosekswa­lidad?

SM: Oo. Magandang paksa ito. Kailangang bigyang halaga ang pagkakapan­tay-pantay natin bilang tao.

EE: Bilang isang publisher, ano-ano ang iyong payo sa ibang rehiyon ng bansa kaugnay sa paglalatha­la ng mga sariling aklat pambata?

SM: Sana gawan nila ng paraan na hindi maging limitado ang exposure ng kanilang rehiyon. Kailangang ibahagi ang kanilang kultura at kaugalian sa iba pang parte ng Pilipinas para sa kamalayan, hindi lang ng mga bata, kundi ng bawat Filipino.

Ito ay maaaring mangyari kung pag-aaralan ang marketing, promotion, at distributi­on.

EE: Bukod sa mga aklat na ipinalatha­la o itinaguyod ng USAID, may balak ka bang maglathala ng mga aklat na nakasulat sa ating rehiyunal na wika?

SM: Mayroon. Sa katunayan, may kausap ako tungkol dito.

EE: Ano-ano ang iyong maipapayo sa mga manunulat at ilustrador upang mapanatili­ng produktibo sa industriya?

SM: Una’y dapat bago at di naluluma ng panahon. Lagi silang mag-isip at maglikha ng bago. Lagi silang maglikha ng obra na hindi maluluma ng panahon. Lagi nilang isipin na dapat ay maging propesyona­l sa lahat ng aspekto.

Pangalawa’y pagsaliksi­k. Mahalaga rin ang pagsaliksi­k. Hindi sila dapat nalilimita­han sa kanilang tahanan at sa eskuwelaha­n. Dapat ay nakararati­ng ang kanilang pananaliks­ik sa ibang parte ng mundo. Kailangan nilang alamin, mapaluma man o mapabagong kuwento at estilo na mayroon ang ibang mga bansa.

Panghuli’y mahalin ang sariling kultura. Pero bago ang lahat, kailangang malaman ng bawat manunulat at ilustrador ang kaugalian at kultura ng ating bansa, bago magsaliksi­k sa iba. Kailangang mahalin muna natin ang ating pagkatao, ang ating kultura, ang yaman natin bilang mga Filipino bago mahalin ang ibang lahi. Sa ganitong paraan, lalawak at magiging matibay ang pundasyon ng ating adhikain bilang artista o manlilikha ng bayan.

EE: Ano pa ang iyong hangarin tungo sa lalong pagunlad ng panitikang pambata sa Pilipinas?

SM: Gusto kong makagawa ng iba-ibang klaseng aklat pambata; iba-ibang laki, hugis, konsepto na hindi pa nagagawa ng kahit na sinong publisher. Gusto kong gawin lahat para sa bata. At sana, makarating ang mga ito sa bawat bata kahit ano pa ang estado nito sa buhay. Imposible nga sigurong mangyari, pero iyon ang gusto ko na kahit masasabing pangarap lang, kahit papaano’y gusto kong isipin, hangarin, pilit na abutin ang walang limitasyon­g pangarap—para sa BATA.

 ??  ?? Larawang mula sa Facebook ni SMJ.
Larawang mula sa Facebook ni SMJ.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines