Kikay At Mikay, Humahataw Ang Showbiz Career!

Liwayway - - Mga Nilalaman - Maricris V. Nicasio

MAGANDA ang simula ng taong 2018 sa mga cute na bagets na sina Kikay at Mikay. Pagkatapos nilang humataw sa launching ng Fil-Alemania Production Company ay napanood din ang talented na duo sa Little Big Shots, hosted by Billy Crawford ng ABS CBN. Ngayon naman ay kinuhang endorser sina Kikay at Mikay ng isang baby soap product.

Bukod dito, pati sa pelikula ay ikinakasa na ang mga proyektong sasamahan nila. Isa na rito ang movie outfit ng Maindie Queen na si Ms. Baby Go na balita namin ay isasali sila sa pelikulang pinamamahalaan either ni Direk Joel Lamangan or Direk Ralston Jover. May nauna nang mga pelikulang nagawa ang dalawa at may ginagawa rin ngayong indie film.

Bago nagtapos ang January ay naging matagumpay ang pagsabak nila sa sa New Asia Philippines Next Top Model.

Nanalo ng parangal at special awards ang dalawa. Ang ilan dito ay: 5th Runner Up, Best in Poise Projection award, Best of Wings Fashion Show para kay Kikay. Si Mikay naman ay nasungkit ang

Best in Caster Choice award at Best in Wings award. Sina Kikay (9) at Mikay (12) ay under contract sa Viva Artists Agency. Masaya sa magagandang nangyayari sa kanilang

showbiz career ngayon ang magpinsan. “Masaya po kami ni Kikay pati na rin po ang mommy niya na tita ko, sa mga projects na naka-line-up para sa amin. Sobrang saya po namin na pati po 'yung isang movie namin with Direk Mike Magat ay nanalo ng award sa New York (Sikreto Sa Dilim). Kaya super-saya po dahil iyong mga dream namin ay natutupad na po. Excited po kami sa mga gagawin naming projects. Sana po ay masimulan na iyon,” masayang saad ni Mikay.

Wika naman ni Kikay, “Thank you po kay Papa Jesus sa mga project namin na dumarating. Isa pa pong wish namin ay makasali sa Kambal Karibal na TV series ng GMA-7.”

Pahabol pa ni Kikay, “Hilig po kasi talaga namin ang pagaartista kaya super-happy po namin sa endorsement po. Kasi ilalagay daw 'yung picture po namin dito sa box ng soap kaya sobrang happy ko po and nagpapasalamat kay Papa Jesus.”

Nagkuwento rin ang mommy Diane ni Kikay kung paano sila nagsimula sa showbiz. “Sa internet sila napansin sa mga video at

picture nila, nakita ng mga tao tapos ay ipinakita kay Madam Veronique 'yung pic/video nila. After that nagpa-set appointment ang Viva to meet them personally.

“Sa Kambal Karibal, marami ang nagsasabi na puwede silang isalang sa teleserye dahil look a like twins naman sila. ‘Yun nga lang naunahan ng iba pero, it’s okay kasi if they need naman sa mga ibang role o scene na fit sa kanilang dalawa sa Kambal

Karibal okay lang po. At happy ang Kikay Mikay doon kasi kahit di sila tunay na twins, kahit sa teleserye man lang ma-feel nila na magkapatid sila. Hoping po na makuha pa rin silang dalawa for

any role sa Kambal Karibal.” Inusisa rin namin kung sino ang favorite nilang artista? “Sina Liza Soberano po at Enrique Gil ang mga iniidolo ko pong artista. Magaling po kasi sila and as a love team, bagay po sila sa isa’t isa. Iyong mga expression ng face nila, minsan po ay ginagaya kong mag-act si Liza,” nakangiting saad ni Mikay.

“Pinapanood po naming madalas ang Kambal Karibal, sina Bianca Umali at Kyline Alcantara ay paborito ko po sila. Kasi bukod sa magaganda silang dalawa, magagaling pa po silang mag-act talaga, sa pag-iyak nila, ang gagaling nilang umarte,” dagdag pa niya.

Saad naman ni Kikay, “Sina Nadine Lustre, Janella Salvador, pati po sina Liza Soberano at Enrique Gil 'yung favorite ko. Kasi ang gagaling po nilang umarte, ang gaganda nina Nadine, Liza at Janella at ang gagaling pa nilang kumanta.”

Hindi ba nakakasagabal ang showbiz sa pag-aaral ninyo? “Hindi naman po, still on the top pa rin po kami sa pag-aaral namin. Top 1 po ako dati, ngayon ay Top-2,” ani Kikay.

“Last year po ay Top-2 ako, ngayon ay Top-7 na po, pero babawiin ko po iyon para maging top ulit ako,” pahayag naman ni Mikay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.