Liwayway

Nasaan Ang Forever (35)

- Neri Jedeliz

“Sabi mo’y me hihilingin ka. Ano ba ‘yan?” Si Liza na ang unang nagsalita.

KINAUMAGAH­AN…

Araw ng Lunes. Lumabas na si Ray sa hotel na kanyang tinuluyan. Mga alas nuwebe na ng umaga. Nakapag-almusal naman siya roon sa hotel. Balak niyang tumungo sa bupete ng kanyang kaibigang isa ring abogado, si Atty. Cesar Jayme, na isang corporate lawyer. May itatanong lang siya tungkol sa mga bagay na gusto niyang malaman.

Bukas na ang opisina ni Atty. Jayme, at pinapasok naman siya kaagad ng sekretarya nito. Actually, madalas naman siyang mapasyal dito sa opisina ng kanyang kaibigan. Tuwing naririto siya sa Baguio ay sumasaglit siya rito. Kaya kilala na siya ng sekretarya ni Cesar.

Naabutan niya ang abogado na nakatungha­y sa nilalagdaa­n nitong mga papeles. Napatingal­a lang ang abogado nang maramdaman ang pagpasok ni Ray.

“Oy, panyero Ray, napasyal ka?” bati ni Atty. Jayme sa panauhin.

“Sumaglit lang ako at naririto naman ako sa Baguio. Gusto ko rin kayong makita paminsan-minsan,” tugon ni Ray na umupo sa silya sa harap ng abogado. Di na niya hinintay na yayain siyang umupo at di na iba ang kanilang turingan. “O, kumusta, me asawa ka na?” ani Cesar. “Wala pa.” “Talagang gusto mong tumandang binata, ha?” Bumitiw ng isang mabining tawa ang abogado. “Kung magkagayon, talagang kayo na ang dahilan kung bakit magpahangg­ang ngayo’y wala ka pang asawa.” “Bakit naman?” “Alam ko, marami namang babae ang kumakalabi­t sa ‘yo, pero tila wala lang sa loob mo.”

“Ang pag-aasawa’y darating talaga ‘yan na parang patak

ng ulan sa oras na di natin inaasahan.”

“Tama ka. Gaya ko, wala rin sa loob ko ang pag-aasawa noong nasa kainitan pa tayo ng pagbibinat­a, lalo na’t busy tayo sa ating propesyon. Pero sa isang iglap, ito dalawa na ang anak ko.” “Buti ka pa, lumagay na sa tahimik.” “Anong tahimik, lumagay na ‘kamo sa gulo.” Sabay silang tumawa. Pagkuwa’y… “O, anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo rito?” muling tanong ni Atty. Jayme.

“Me ibig lang akong malaman. Isa kang corporate lawyer, kaya tiyak marami kang kakilala na mga negosyante rito sa Baguio.”

“Oo naman. Ilang kumpanya naman sa negosyo ang hinahawaka­n ko. Di lang ‘yan, me mga lumalapit pa sa akin kung me gusto silang ibentang mga ari-arian, lalo na sa real

estate. Bakit naitanong mo?” “Me ibig akong malaman tungkol sa isang tao. Baka kilala mo, o naging kliyente mo.” “Ano ang pangalan?” “Ana…Villalobos.” “Ana? Ang kakilala ko’y si Liza Villalobos.” “Talaga?” Tila binuhat si Ray sa kanyang kinauupuan dahil sa tuwa. “Aber, ikuwento mo nga sa akin ang tungkol kay Liza Villalobos.”

“Me kaya itong pamilya ni Liza Villalobos. Pero kapwa patay na ang kanyang mga magulang, kaya siya ang nagmana ng kanilang mga ari-arian dito sa Baguio.” “S’yanga?” “Pero si Liza’y biglang nawala rito sa Baguio. Dinig ko’y nasa Maynila na siya namamalagi. Me mga ari-arian naman kasi sila sa Maynila.” “Bakit nakilala mo itong si Liza Villalobos?” “Dumalaw siya rito sa aking opisina, me isang taon na yata ang lumipas. Nais niyang ipagbili na ang lahat ng kanyang mga ari-arian dito sa Baguio.” “O, anong nangyari?” “Nabili na rin ang kanyang mga negosyo dito sa Baguio. Ang natira na lang yata ay ang isang mansion na ancestral house nilang tinirhan ng kanyang namayapa nang mga magulang.” “Di pa nabili itong mansion?” “Me mga nagtatanon­g, pero di pa sigurado.” “Ibig sabihi’y di pa nabili.” “Iyon na nga. Maganda rin itong mansion. Disenyo pa ng panahon ng mga Kastila. Maluwang ang lote sa paligid na me hardin at mga punongkaho­y. Baka interesado ka’y p’wede mo pa ito mabili. Ako ang broker nitong mansion.” “Interesado lang ako sa nagmamay-ari nitong mansion.” “Si Liza Villalobos?” “Opo. Me litrato ka ba nitong si Liza Villalobos?” “Aba, siyempre, meron. Ako nga ang kanyang abogado, kaya me file siya sa akin.”

Tumayo si Atty. Cesar Jayme at lumapit sa isang steel cabinet sa isang sulok ng kanyang opisina. Binuksan at isang folder ang inilabas, saka bumalik sa pagkakaupo. Binuklat ang folder at isang litrato ang kinuha at iniabot kay Ray. “’Yan ang litrato ni Liza Villalobos.” Inabot din ni Ray ang litrato at tiningnan. Tila binuhat na naman sia sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkabigla at tuwa nang mapagmasda­n niya ang litrato. Ang natutungha­yan niya sa litrato ay ang mukha ni Ana, ang kanyang kasintahan! “Diyos ko naman,” nasambit ni Ray. “Bakit tila gulat na gulat ka?” usisa ni Atty. Jayme. “Litrato ito ng girlfriend ko, si Ana Villalobos.” Si Atty. Jayme naman ang namangha.

“Ano ‘kamo, litrato ‘yan ng girlfriend mo? Girlfriend mo si Liza Villalobos?”

“Si Ana Villalobos ang girlfriend ko. Pero kung si Ana’y siya rin si Liza, e, siya na nga ang girlfriend ko.” “Ang ibig mong sabihi’y si Ana at si Liza’y iisa lang?” “P’wede. Pw’ede ring hindi. P’wedeng si Ana’y ibang persona, iba rin si Liza. Kapwa tayong abogado, Panyero. At ang konklusyon mo’y gayon din ang akin.” “Ang ibig sabihin nito’y magkakamba­l sina Ana at Liza?” “Korek ka d’yan!” Pareho silang natigilan, kaya saglit na pumagitna ang katahimika­n sa kanilang pagitan. Pagkuwa’y… “Saan mo ba nakilala itong si Ana?” tanong ni Atty. Jayme. “Sa Maynila. Me bahay din si Ana roon.” “Ibig sabihin nito’y itong magkakamba­l na sina Ana at Liza’y me sariling bahay ang bawat isa. Si Ana’y naroon sa Maynila nakatira, at si Liza nama’y naririto sa Baguio. Aba, panyero, pag nagkatao’y, jackpot ka.”

“Bakit naman?”

“Two birds in one stone. Naging girlfriend mo si Ana, pero pati si Liza’y girlfriend mo rin. Ang ibig sabihin nito’y nagkakaala­man ang magkakamba­l na iisang lalaki lamang ang kanilang boyfriend, at ikaw nga.” Napahalakh­ak si Atty. Jayme. Pero di tumawa si Ray. “O, bigla kang naging seryoso, Panyero,” pansin ni Atty. Jayme.

“Naisip ko lang, kung nagkakaala­man sina Ana at Liza na iisang tao lang ang kanilang boyfriend, ibig sabihin nito’y tila pinaglalar­uan lang nila ako.”

“D’yan patungo ang kuwento. O baka me ibang dahilan ang magkakamba­l kung bakit nag-iisang lalaki lamang ang kanilang boyfriend.”

“’Yan ang gusto kong alamin. Pero me isa pang misteryo.” “Ano ‘yan?” “Itong si Liza’y natuklasan ko lately na me sakit palang cancer.”

“S’yanga? Aba, mukhang unti-tunting lumalalim ang misteryo. Panyero, gamitin mo nga ang iyong pagkaaboga­do. Tuklasin mo kung ano’ng misteryo ito. Pati ako excited sa patutunguh­an nitong kuwento.” “Gusto ko ring tuklasin, pero tila mahirap sa ngayon.” “Bakit?”

“Lately, nakipag-break sa akin itong si Ana, o si Liza kaya? At biglang nawala. Sa pagkawala ni Ana’y sumunod na nawala rin si Liza.”

“Aba, lalong lumalim ang misteryo. Di mo alam kung nasaan itong dalawa?”

“Sa pakiramdam ko’y baka nasa abroad. ‘Yan ang una kong tuklasin. Alamin kung nasaan silang dalawa.”

“Well, that’s the right thing to do. Kung me maitutulon­g lang

ako.”

“Problema ko ito, Panyero. At dapat lang na ako lamang ang lulutas. Me itatanong lang ako, Panyero.” “Ano ‘yan?” “Sabi mo’y binebenta ni Liza ang kanyang mansion rito sa Baguio. At ‘kamo di pa nabili. Magkano daw ang benta?” “O, mukhang me balak kang bilhin itong mansion?” “Kung kakayanin ko. Nakapanghi­hinayang kung mapunta sa iba.”

“Well, kaya mo ‘yan. Ikaw pa? Nabuburo lang naman ang pera mo sa bangko. O, tingnan mo ang mansion?” “Huwag muna ngayon. Sasabihin ko lang sa ‘yo kung kelan.” Tumayo na si Ray at nagpaalam sa kaibigan. “Sige, Panyero. Kelangan kong makabalik muna sa Maynila. Marami pa akong dapat na aasikasuhi­n.”

Dumating na ang oras ni Roy upang lisanin ang mundo. Ngunit bago ang lahat, may hiniling ito kay Liza…

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines