Liwayway

Paano Kita Mamahalin? (71)

- Gilda Olvidado

(IKA-71 NA LABAS)

MAHIGIT isang araw nang wala pa rin silang balita kay Lorea. Nagreport na sa pulisya si Tristan.

Ipinakita niya ang photo ni Lorea sa kanyang celfone. “Siya ho ang hinahanap namin.”

“Kamag-anak ho? O girlfriend? O baka kaibigan lang.” Tuloy sa pagri-record ang police officer. “She is a special friend. Kaya kung maaari lang, hanapin n’yo ho siya. Kung may babayaran, handa naman ho ako.”

“Walang babayaran, Mister Tristan. We will work on this now.”

“Thank you so much. Nasabi ko na ho sa inyo na minsan nang may kumuha sa kanya, napigil nga lang. And ...”

“And ... Sir?” Parang hirap din si Tristan na banggitin ang pangalan ng dating nobyang si Anne.

Pero nangibabaw ang takot na baka mapahamak si Lorea. At wala na ring magliligta­s sa buhay ni Anton.

“Please ... person of interest siguro ang ex-girlfriend ko.” Sinabi niya ang buong pangalan ni Anne. “Well, kailangan hong detalyahin ninyo ang lahat. Para ho ma-invite namin dito sa presinto ang person of interest.”

At sinabi na ni Tristan ang lahat.

SA isang apartment sa Batangas itinuloy ni Andy si Lorea, hindi mataong lugar. “Andy, ayoko lang talagang may gagawin ka kina Anton at Tristan kaya sumama ako sa iyo. Pero ... hindi puwedeng hindi mo ako kaagad ibabalik sa Maynila.”

“Gaga ka ba? Naghirap ako para makuha ka, ibabalik lang naman pala kita doon kina Tristan?” “Ooperahan ang anak ko,

kidney transplant. Ako ang donor.

Manghihina si Anton at posibleng ... may mangyayari­ng masama sa kanya kapag hindi natuloy ang operasyon. Bukas na ‘yon.”

Natuwa pa si Andy. “Kung talagang mahal mo ang anak mong ‘yon, pakasal ka na kaagad sa akin. Madaling gawan ng paraan ang mga papeles, ako ang bahala. Kahit ngayon, may tutulong para makahanap kaagad tayo ng huwes.”

“Si Anne? Talagang planado ninyong dalawa, ano?” Nakaramdam ng sobrang galit si Lorea.

“Masisisi mo ba siya? Natitibag ang relasyon nila ni Tristan dahil sa iyo.”

“Wala akong ginawang masama. Hindi ko kasalanan kung nagkakalab­uan sila.”

“Hindi mo naman talaga sinadya. Pero nagkataong napakayama­n nina Anne, napakamaim­pluwensiya, bilib nga ako, e. Talagang mahirap siyang kalabanin.”

“Bakit ako magpapakas­al sa iyo, Andy? Hindi kita mahal saka sa nakita kong kasamaan mo, kung may konti man akong pagmamahal para sa iyo, nabura na!”

“Okay, hindi mo maipapamig­ay ang kidney mo sa anak mong sakitin! Relax ka lang dito, magandang kulungan naman ito, medyo sosyal.”

“Pakawalan mo ako! Ano ka ba, papagamit ka ba talaga kay Anne? Gagawin ka niyang criminal, Andy. Pero siya, untouchabl­e dahil napakayama­n niya!”

“Simple lang naman ang dalawang gusto ko. Makuha ko ang malaking pera kay Anne at magpapakas­al kaagad tayo dahil gusto naman talaga kitang mapangasaw­a. Babalik tayo sa probins’ya at pagkatapos ng kasal, bibili tayo ng malaking bahay doon na may malaki ring garden. Magpapasar­ap na lang tayo sa buhay, Lorea ... na magkasama.”

At inilapit ni Andy ang mukha kay Lorea pero mabilis siyang nasampal ng galit na galit na si Lorea.

“Hindi mo ba naisip na kapag patay na lang ako saka mo ako maiuuwi sa probins’ya para pakasalan?”

“Sige, magmatigas ka, Lorea, lalambot ka rin. Baka mamaya lang, susuko ka na. Dahil mauubos na ang pag-asa mo. Saka ...

remember Anton. Kailangan ka niya. Kapag wala ka, hindi siya mabubuhay.” Napaiyak si Lorea. “Walanghiya ka talaga, Andy!” Inupo siya ni Andy sa gitna ng apartment. Tinalian ang kamay. Binusalan ang bibig. Nag-attempt pa si Andy na halikan sa pisngi si Lorea. Pero iniwas ni Lorea ang kanyang mukha na galit na galit.

DUMATING ang mga pulis na may mobile car sa bahay ni Anne.

“Naku, wala po si Ma’m.” “Hihintayin namin siya para mai-serve itong invitation para maimbestig­ahan siya sa presinto.”

“O kaya, mabuti pang sabihin mo sa amin kung nasaan si Anne. Kami na ang pupunta,” deklara ng isa pang pulis.

Natakot naman ang katulong, sinabi. “Araw po ng dalaw niya ngayon sa Papa niya sa memorial park.”

“Sabihin mo na ang pangalan ng memorial park at ang buong pangalan ng nakalibing doon para madali siyang mahanap.”

Sinabi na rin kaagad ng katulong.

TUMAWAG si Tristan sa Kuya Dino niya. “Baka maimbitaha­n din kaagad dito sa presinto si Anne. I have to be here. May pinagsamah­an kami. Mabuti na ‘yung kapag nalaman niya na ako ang nagturo sa kanya na suspect pero haharapin ko siya.” “Do what you think is best, Tristan. Basta ako, ang gusto ko lang talagang mangyari ay makabalik si Lorea sa atin in time for the operation. Bukas na ang admittance niya sa ospital para maihanda for the procedure.” “I’ll try my best, Kuya. Just trust me.” “I’m just so worried, Tristan. Nadadamay ang bata sa relasyon ninyo ni Anne. I hope that Anne will find concern for Anton. Buhay ni Anton ang nakataya.” At napabunton­ghininga nang malalim si Dino.

NATANAW kaagad ni Anne ang mga pulis na lumalapit sa kanya.

“What is this? Ano’ng kailangan ng mga ito sa akin? Damay na ba ako sa pagkawala ni Lorea?” Kinakabaha­n nang husto si Anne. Tinangka pang lumayo. Pero mabilis siyang nahabol ng isang kabataang pulis na mukhang physically fit at sanay sa takbuhan.

“Miss! Nagpakita ng picture si Sir Tristan. Ikaw ito, hindi ba?” “Sino ang nagsabi sa inyo na naririto ako?” “Ang maid. Wala naman siyang choice kundi sabihin. Hindi mo na dapat pagalitan ang maid mo.”

“Sinuwerte kayo sa isang daldalera at tsismosang maid ko. O, ano ba ang kailangan ninyo?”

“Sumama ka na sa amin sa presinto. Pagtatanon­g lang naman. Prime suspect ka kasi, e.”

NAGKITA kaagad sa lobby ng presinto sina Tristan at Anne. “Ano’ng ginagawa mo dito?” Pero wala nang halong pagtataka ang tanong ni Anne. “Ako ang nagsabing baka alam mo kung nasaan si Lorea. Ako rin ang nag-initiate na gawin kang ... suspect.” Malakas na sampal ang napala ni Tristan mula sa exgirlfrie­nd.

“Paano mo nagawa sa akin ito?” “Please, Anne ... release her. Kahit huwag na nating ipaalam sa pulisya.” “Talagang wala akong alam!” “Magsa-suffer ang paborito kong pamangkin. Mahal na mahal ko si Anton. I’ll do everything para matuloy ang operation. Ang donor niya ng kidney ay ang kanyang ina. Si Lorea.”

“Akala ko ba ayaw nina Kuya Dino at Ate Thelma si Lorea? Payag na sila?”

“Dahil walang kuwentang kausap ang tunay na ama ni Anton sa kulungan. Walang ingat sa sarili ... hindi tulad ni Lorea na napanatili­ng malusog ang katawan. So I’m begging you, Anne to help out.”

“Wala nga akong alam diyan! May inggit lang siguro sa akin kaya dinadamay ako!” “Anne, napag-usapan na natin ang selos mo kay Lorea! You’re insisting that you are still my girlfriend! You hate her! Siya ang nakikita mong hadlang sa ating dalawa though that is not necessaril­y true. Dahil ang nawalang feeling ko sa iyo ay hindi maaaring isisisi mo lang lahat kay Lorea.” “Sumama siya sa boyfriend niyang taga-probins’ya! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin ‘yan?” “She has no boyfriend! Si Andy ay isang manliligaw na hindi niya sinasagot. At ngayon ay ginagamit mo kaya nawawala si Lorea!”

Nanghihina na si Anton. Kailangang-kailangan na nito ang kidney transplant. Ngunit hindi pa rin matatagpua­n nina Tristan si Lorea na tanging makapag-donate ng kindney para sa bata…

“I’m sorry, pasens’ya na ho ... pero kami na ang magtatanon­g sa iyo, Miss. Doon ho tayo sa mesa ni

Hepe.” Talagang hindi umamin ng kahit ano si Anne. Kinausap ng hepe si Tristan. “Wala tayong

choice kundi pakawalan siya. Hindi sapat ang mga ebidens’ya.”

Nanlumo si Tristan at namroblema. Paano na si Anton?

LUMAPIT uli sina Dino at Minda sa ama ni Anton.

Tinuya pa sila nito. “O, mukha kayong mga naluging tsiwawa, a! Ano, wala pa akong nabalitaan­g may nakuha na kayong donor ng kidney. Kaya siguro nagpunta kayo dito uli ngayon. Ano ang kailangan?” “Nawawala nga si Lorea, nakidnap. Hahanapin pa lang ng pulisya,” sagot ni Dino.

Biglang bumunghali­t ng tawa ang rapist. “Kaya naman pala nagmamadal­i kayong pumunta dito. Noon, inisnab n’yo na ako. Kesyo masama ang mga ginagawa ko. Hindi na ako maaasahang magbigay ng mabuting kidney sa lintek na batang ‘yon!”

Biglang nanggalait­i si Thelma. “Lintek? Tinawag mong lintek ang batang nanggaling sa iyo? Tama si Lorea, masama nga ang kaluluwa mo!”

Pero kontrolado si Dino dahil alam niyang buhay ni Anton ang nakataya. “Thelma, calm down.”

“Tama, Thelma. Kalma lang. Baka magagalit ako, kahit ano’ng gawin ninyo ay hindi na ako mamigay ng kidney sa batang ni hindi ko pa nakikita?”

“Please, hindi pa rin nakikita si Lorea. Humihina na ang bata. Baka ... baka wala pa rin si Lorea kapag gipit na sa panahon.”

Nagpakumba­ba na rin si Thelma. “Pasens’ya ka na, emotional lang ako ngayon dahil natatakot ako sa mangyayari kay Anton. Puwede bang ... ikaw na lang ang magbigay ng kidney kay Anton? Huwag na tayong maghintay pa? Mas makabubuti kung magagawa na ang operasyon as soon as possible.” Nag-isip pa ang rapist. “Magbabayad kami, sabihin mo lang magkano ...” Humalakhak na naman ang rapist. “Kahit mamulubi kami, okay lang. Magkano ba ang gusto mo?” Biglang sinampal ng rapist si Dino. Na-shock ang mag-asawa. Manununtok sana si Dino pero nakapagpig­il. “Kung hindi lang alang-alang sa anak namin.”

“Ininsulto ninyo ako! Mas mayaman pa ako sa inyo! Kaya nga nakakagigi­l na hindi ko pa nabibili ang kalayaan ko dito!”

“Kapag nailigtas mo ang bata, gagawa kami ng paraan na malalaman ng publiko at ng gobyerno pati ang ... ang kabayaniha­n mo. Gaganda ang

image mo sa mga tao at posibleng makakarati­ng sa presidente kaya mabibigyan ka ng parole,” sagot ni Thelma.

“Hindi ba ganoon naman ang plano natin noon, noong nagkasundo tayo?”

 ??  ?? “Ano’ng ginagawa mo dito?” Pero wala nang halong pagtataka ang tanong ni Anne.
“Ako ang nagsabing baka alam mo kung nasaan si Lorea. Ako rin ang nag-initiate na gawin kang ... suspect.”
“Ano’ng ginagawa mo dito?” Pero wala nang halong pagtataka ang tanong ni Anne. “Ako ang nagsabing baka alam mo kung nasaan si Lorea. Ako rin ang nag-initiate na gawin kang ... suspect.”
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines