Liwayway

Pagwasak Ng Pugad (2)

- Neri Jedeliz

(HULING BAHAGI)

DALAWANG araw nang napapansin ni Divina na palaging sarado ang condo unit ni Lumen. Minsan, sinubukan niyang mag-doorbell, ngunit walang nagbubukas.

Nang pangatlong araw, bigla na lang nagpakita si Lumen sa kanyang unit.

“O, bakit ngayon ka lang? Akala ko’y lumipat ka na ng

condo,” bungad ni Divina sa kaibigan.

“’Yan sana ang mangyari. Dinala ako ni Tanda sa Bagiuo, mamasyal lang daw. Kapa pala, balak niyang ilipat ako roon. Nais niyang ilayo ako sa kanyang matapang na misis,” tugon ni Lumen na mukhang matamlay. “Sa pakiramdam daw niya’y malapit nang matunton ng misis niya ang aming pugad.” “O, pumayag ka?” “Sabi ko, iisipin ko muna.” Tumingin si Lumen kay Divina na parang humihingi ng payo.

“Naisip ko, kapag lumipat kami, balik naman kami sa square

one. Gayon pa ring kuwento, lumipat lang ng pugad,” patuloy ni Lumen.

“’Yan talaga ang mangyari. Nagbago ka lang ng tirahan, pero di nagbago ang iyong kalagayan, na isang kulasisi ng isang dirty old man.”

“Ano kaya ang mabuti, Amiga?”

“Sabi ko nga sa ‘yo, bata ka pa. Disiotso ka lang. P’wede ka pang magbago ng tinatahak na landas. Why don’t you put a stop on this?

Isipin mo ang iyong kinabukasa­n.

Who knows? Baka balang araw ay magsawa na sa ‘yo si Tanda, hahanap naman siya ng bago. At ikaw, isadlak na lang niya sa isang sulok na parang isang maruming basahan.”

“’Yan din ang nasa hinagap ko.”

Ilang saglit pa’y umiba ang

Nakapagpas­iya si Lumen na wakasan na ang pagtampisa­w niya sa putik. At ang naisip niyang paraan ay talagang mabisa…

tuno ni Lumen. Napangiti itong parang matawa.

“Aba, marami akong natuklasan tungkol kay Tanda noong nasa Baguio kami. Isang ginang ang nakausap ko na na-meet ko sa tinuluyan naming pension house. Kasosyo daw noon nina Tanda sa negosyo ang ginang na ito, kaya marami itong alam tungkol kay Tanda. Alam mo bang takot na takot pala si Tanda sa kanyang matapang na misis?” “Gano’n ba?” “Ang misis pala ni Tanda ang siyang mayaman. Mula sa isang maykayang pamilya. Si Tanda raw, mahirap lang ito noon. Kaya nagustuhan ito ng kanyang misis dahil me itsura naman si Tanda noong binata pa. Kaya nga, kahit mahirap lang noon si Tanda, pinakasala­n ng misis. Parang pinulot lang sa basurahan at dinamitan ng maayos at pinatira sa mansiyon, at pinatulong sa kanilang negosyo.” “S’yanga?” “Malaki pala ang namana ni Misis sa kanyang mga magulang. Kaya kung sumahin, pera ni Misis ang kanilang ikinabubuh­ay. Si Tanda ay talagang walang-wala. Mahirap pa sa daga. Ang siste, masyadong selosa itong si Misis. Kung magalit daw ito, binubugbog si Tanda. Di naman makapalag si Tanda at takot namang palayasin ng matapang na misis. At alam ni Tanda na oras na malaman ni Misis na me kulasisi s’ya, tiyak di lang bugbog ang matikman ni Tanda, tiyak balik siya sa lusak na pinanggali­ngan. Pero, may sekretong ganti naman si Tanda.” “Ano ‘yon?” “Para naman makaganti sa matapang na misis, lihim namang winawaldas ni Tanda ang pera ng kanyang misis sa babae. Pangatlo na pala akong kinabit ni Tanda.”

Nakatitig lang si Divina kay Lumen habang nagkukuwen­to ito. Lalo lamang siyang nakadama ng awa at pag-alala rito. Pagkuwa’y… “Lumen,” ani Divina. “Nag-alala ako sa ‘yo, kung ano ang kahihinatn­an mo, kung sisidhi ang bangayan ni Tanda at ng kanyang misis. I think it’s time for you to get out. Kung magpangabo­t si Tanda at ang kanyang misis, ikaw ang maiiipit sa gitna. Kawawa ka lang.”

“Naisip ko rin ‘yan, pero di madaling basta na lang iwan ko si Tanda.” “Bakit?” May pagtataka sa boses ni Divina. “Kung malaki ang takot ni Tanda sa kanyang misis, sa akin di siya takot. Masyado siyang matapang kapag ako ang kaharap niya. Kung iwan ko raw siya, baka mapatay niya ako. Masyado siyang seloso, kung papatol daw ako sa ibang lalaki, dila ko lang ang walang pasa.” “S’yanga?” “Ito ang eksampol.” Itinuro ni Lumen ang nangingiti­m niyang isang mata, na ngayon lang napansin ni Divina. “Buti’t medyo magaling na ang black eye ko. Medyo di na halata sa tapal ko ng mek-ap. Aba, noong nandoon kami sa Baguio at nanunuluya­n sa isang pension house, me isang poging waiter ang nakipagkai­bigan sa akin. Pinansin ko naman dahil nakipagkai­bigan lang naman ang tao. Aba, nagselos si Tanda. Nanliligaw daw sa akin si Pogi, at me gusto rin daw naman ako. Nagkasagut­an kami. Nasampal niya ako ng ilang beses.”

Di nakahuma si Divina, na lalong lumaki ang habag na nadama sa kaibigan. Naintindih­an niya ang kalagayan ni Lumen. Malalim na ang pagkasadla­k ni Lumen sa maputik na daan. Marahil mahihirapa­n na itong umahon. Pero, may magagawa pa naman. Kumporme lang iyan kung gaano kasidhi ang hangarin ng isang tao na makaahon sa kinasasadl­akan. Naniniwala pa si Divina na hindi pa huli ang lahat kay Lumen. Ilang saglit pa’y… “In the first place, paano mo ba nakilala si Tanda?” tanong ni Divina.

“Mahabang istorya,” napabuntun­ghininga si Lumen. “Parang isang teleserye sa telebisyon. Gusto mong makinig?”

“Sige.”

SA isang bayan sa probinsiya ng Iloilo ipinangana­k si Lumen. Mahirap lang sila. Nagsasaka lang ang kanyang ama sa maliit nilang sakahan at ang kanyang ina’y nagtitinda naman ng mga gulay sa palengke. Ang problema, paano mabubuhay ng matatanda nilang mga magulang ang walong mga supling sa kaunting kinikita sa bukid?

Mabuti nga’t nabawasan ang mga palalamuni­n ng kanyang mga magulang nang makapag-asawa at magsarili ang tatlo niyang mga nakatatand­ang mga kapatid, na dalawang babae at isang lalaki. Kaya naiwan si Lumen sa piling ng kanilang mga magulang, na siyang tumayong pinakamata­nda sa apat pa niyang mga kapatid. Dahil sa kahirapan, di natapos ni Lumen ang high school. Biniro pa nga siya ng kanyang kasintahan­g si Nardo, na isa ring magsasaka. Magkababat­a sila at lumaki sa kanilang nayon.

“Upang lalong mabawasan ang load ng iyong mga magulang, mag-asawa ka rin, Lumen. Pakakasal na tayo,” biro ni Nardo.

“Sino naman ang asawahin ko, aber?” tugon ni Lumen. Nang hapong iyon nasa lilim sila ng punong mangga at pumapapak ng manibalang na bunga ng mangga.

“Sino pa, e, di ako. Di ba ako ang boyfriend mo?” nakatawang wika ni Nardo.

“Naku, Nardo, ano naman kaya ang ipakain natin sa ating magiging mga anak at pareho lang naman kayo ni Itay na nagtitiis sa pagbilad sa araw at ulan upang kumita ng barya? Madagdagan lang ang ating problema.” “Makakaahon din tayo. Magsikap tayo.” “Madaling sabihin. Ngunit mahirap mangyari. Sawa na ako sa buhay rito sa bukid. One day, one eat. Ibig ko nang tumakas.” “Tumakas? Saan?” Pumormal ang anyo ni Nardo. “Kahit saan, basta makalayo lang ako sa hirap ng buhay rito. Sawa na akong lumublob sa putik at magbilad sa init ng araw upang kumita lamang ng konting barya upang kahit paano’y makatutulo­ng kina Inay at Itay. Kung di ako kikilos, baka di na kami makakaahon sa hirap. Surrender na ako sa hirap.”

“Me plano ka, ano?” sumeryoso ang mukha ni Nardo. Masusing tinitigan nito si Lumen.

“Nards, balak kong makipagsap­alaran sa Maynila. Maghahanap ako roon ng trabaho upang kahit paano’y makakatulo­ng ako sa aking mga magulang. Nais kong makapasok naman sa mataas na paaralan ang aking mga kapatid upang di naman silang lumaking mga mangmang.”

“Paano tayo? Me plano pa naman akong magpakasal na tayo kung makakaipon ako ng panggastos.”

“Talagang dito sa ating nayon, maaga pang nag-aasawa ang mga binata’t dalaga sa hangarin lang na humiwalay sa mga magulang upang maibsan naman ang paghihirap ng mga ito. Nauunawaan kita, Nardo. Di mo magawang iwan itong ating kinamumula­tang nayon. Mahal mo ang buhay rito sa bukid, kahit ano pang hirap. Gayon din ako, Nardo. Pero kelangan ding magsikap tayo, mangarap upang umasenso. Mahal kita,

at mahal mo ako. Pero di makakapati­d sa gutom ang pagmamahal lamang. Kelangang hanapin natin kahit anong layo ang katuparan ng ating mga pangarap.” Di nakahuma si Nardo na malalim ang iniiisip. “Kilala mo si Lita na atin ring kababata, di ba?” patuloy ni Lumen. “Me trabaho siya sa Maynila. Naririto siya ngayon sa atin at nagbabakas­yon. Niyaya akong sumama sa kanya sa Maynila at tututungan daw niya akong makakita ng trabaho roon. Sasama ako sa kanya sa kanyang pagbabalik sa Maynila.”

Nakita ni Lumen ang lungkot na lumukob sa kabuuan ni Nardo.

“Nards, unawain mo sana ako. Malapit lang naman ang Maynila. Kung makapagtra­baho ako roon, paminsan-minsan ay dadalaw din ako rito.” “Me magagawa pa ba ako upang pigilin ka?” Walang nagawa si Nardo. Sapagkat buo na ang pasiya ni Lumen. Sumama siya sa kaibigan nang bumalik na ito sa Maynila. Doon nga siya tumuloy sa tinutuluya­n din ng kaibigan. Sa isang maliit na dampa sa pook ng mga iskwater sa Tondo.

Ngunit nagulat si Lumen nang malaman kung ano ang trabaho ni Lita.

“Ang pag-aakala ng aking mga magulang doon sa atin, ay sa restaurant ako nagtatraba­ho rito. Di ko ipinaalam sa kanila nga isa akong hostes o GRO sa isang beerhouse rito. E, ano? Ang mahalaga’y nagpapadal­a ako ng pera sa kanila tuwing katapusan ng buwan. Iyan lang naman ang mahalaga, di ba?” ani Lita.

Mukha ngang iyon ang mahalaga sa lahat. Na makapagpad­ala sila ng pera sa kanilang naghihirap na mga magulang sa nayon. Upang may makakain at makapag-aral ang kanilang mga kapatid doon. Kaya di na siya nakatanggi nang yayain siya ni Lita na pumasok din sa pinapasuka­n nitong

beerhouse bilang hostes. Sapagkat maganda at bata pa, kaagad na pinutakte siya ng mga customer. Karamiha’y mga dirty old men. Mga mapera na ibig magpalipas ng mga sandali sa murang mga kandungan. Sa umpisa’y parang di niya malunok itong klaseng trabaho. Mapapaigta­d siya kung masagi ng amoy alak na mga labi ang kanyang tainga. Nangunguro­t siya kung maramdaman ang kamay na lumalakbay sa kanyang murang katawan.

“Sa umpisa lang ‘yan. Sa kalauna’y masasanay ka rin. Ang mahalaga’y malaki ang matatangga­p mong tip. Di ka naman mabuntis sa mga himas lang,” ani Lita.

Mukhang totoo. Nang kalauna’y mukhang nasanay na nga siya. Nakapagpad­ala siya ng malaking halaga sa kanyang mga magulang sa probinsiya. Nakapag-aral ang kanyang mga kapatid. Ngunit tila may kulang…

“HANGGA’T sa nakilala ko si Tanda,” patuloy ni Lumen sa kanyang kuwento kay Divina. “Isa siyang masigasig kong customer. Galante siya kung magbigay ng tip.”

“S’yanga?” namangha rin si Divina. “Sa beerhouse ka nadampot ni Tanda?”

“Opo. Hangga’t sa sinabi niya sa akin na igarahe na niya ako.” “Anong igarahe? Ano ka, kotse?” “Talagang inosente ka nga,” nakatawang sagot ni Lumen. “Ang ibig niyang sabihin ay ibahay na niya ako. Gawing kabit, kulasisi, mistress, whatever.” “Okey ba ‘yon na igarahe ka na?” “Aba, para sa akin ay mas okey ang igarahe. Titira ka sa isang magandang pugad. Most probably, sa condo. Malaki ang

allowance na ibibigay sa iyo. At ang mahalaga’y isang lalaki na lang ang seserbisyu­han mo. Di pareho sa beerhouse, ang dami nila.” Kaya nga nagkakilal­a sina Lumen at Divina rito sa condo.

ILANG araw ding di nakita ni Divina si Lumen sa condo unit nito. At nang magkita silang muli’y may sinabi si Divina kay Lumen.

“Malapit na sigurong magkalayo tayo, Amiga,” ani Divina kay Lumen. “Tapos na ang bahay na ipinagawa namin ng mister ko. Mga finishing touches na lang. Lilipat na kami roon.”

“Buti ka pa, lilipat ka na sa totoong pugad,” tugon ni Lumen. “Ako, maiiwan pa rito. Pero…” “Pero ano?” “Naisip kong tapusin na ang pagkalublo­b ko sa putik. Malaki na rin ang naiipon kong pera sa bangko. P’wede nang ipuhunan sa isang maliit na negosyo doon sa aming probins’ya. Nais ko nang bumalik sa aming nayon. Mamumuhay nang tahimik at matino. Naghihinta­y si Nardo. Nakapag-usap kami sa cellphone. Handa raw niya akong pakakasala­n, kahit ano pa ang aking kinararatn­an. Maganda naman daw ang kinikita niya sa kanyang pagsasaka. Nakabili na nga siya ng thresher at sariling lupa.” “Paano ka makalalayo kay tanda? Tiyak di iyon papayag.” “Hahanap ako ng paraan.”

ISANG araw, nabulahaw si Divina nang marinig niyang tilang may gulo sa kanugnog niyang unit ng condo. Nang lumabas siya upang mag-usisa’y nakita niya sa labas ng unit ni Lumen, si Lumen na sinasabunu­tan ng isang matabang ginang. Makikitang galit na galit ang ginang, na mukhang maykaya sapagkat puno ng mga alahas ang katawan nito. May isang pulis ang namamagita­n, at nakita rin niya si Tanda na nakatayo lamang sa sang sulok at di makapalag. Ngunit tila ayaw bitiwan ng ginang si Lumen, na mapapansin­g may mga pasa na sa mukha. Napansin din ni Divina na di lumalaban si Lumen sa ginang, nagsasalag lamang ito.

“Walang hiya, malandi!” bulyaw ng matabang ginang. “Kayo pala ang kerida ng aking mister!”

Nang kalauna’y nasawata rin ang ginang. Hinila ito ng kasamang alalay na babae palayo, ngunit lingon nang lingon ito kay Lumen na patuloy ang pagtatalak. Sumunod naman sa ginang si Tanda na tameme lang.

“Pagbalik ko rito, mag-ingat ka. Ipakukulon­g kita,” patuloy sa pagtatalak ang ginang hanggang sa makapasok sa elevator.

Nang wala na ang mga “bisita” ni Lumen, kaagad na nilapitan ito ni Divina, at pinapasok sa kanyang unit. Puno ng pasa ang braso at mukha nito, ngunit nahalata ni Divina na parang masaya pa ito.

“Ang dami mong pasa, ngunit tila masaya ka pa,” puna ni Divina habang pinapahira­n ng alkohol ang mga pasa ni Lumen.

“Walang kuwenta itong mga pasa. Buhay pa naman ako,” tugon ni Lumen. “Sino ‘yong matabang babae?” usisa ni Divina. “Sino pa, e, di ang matapang na misis ni Tanda,” nakangisin­g tugon ni Lumen. “Pagbalik niya’y wala na ‘ko rito. Uuwi na ‘ko sa aming probins’ya.”

“Marahil, di na makapalag si Tanda sapagkat natunton na ng misis niya ang inyong pugad. Mukhang malaya ka na nga.” “I’m free as a bird!” “Teka muna, in the first place, paano natunton ng misis ni Tanda itong inyong pugad?”

“’Yan ang sinasabi kong maghanap ako ng paraan. At sa huli’y nakatagpo nga ako ng paraan.” “Anong paraan?” “Ako mismo ang nag-tip sa misis ni Tanda kung saan ang aming pugad. Di ko sinabi ang aking pangalan. Binigyan ko siya ng adres rito. O, ngayon, di ang misis mismo ni Tanda ang naging dahilan upang mawasak ang aming pugad! Malaya na ako!”

Tinitigan ni Divina si Lumen na may paghanga. Pati siya nasiyahan.

“Ha-ha-ha!” sabay silang napahalakh­ak.

 ??  ?? “Ang dami mong pasa, ngunit tila masaya ka pa,” puna ni Divina habang pinapahira­n ng alcohol ang mga pasa ni Lumen.
“Ang dami mong pasa, ngunit tila masaya ka pa,” puna ni Divina habang pinapahira­n ng alcohol ang mga pasa ni Lumen.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines