Liwayway

Sa Dalawang Salita

- Jeng Guansing de Dios

H

UMAHAPLOS sa pisngi ni Almira ang malamig na hangin. Tanaw ang buong siyudad mula sa kinauupuan­g over-looking terrace ng restoran. Tuwing weekend, ang lugar na ito ang paborito niyang puntahan... nila ng dating kasintahan.

Romantiko ang ambiance ng kainan, palibhasa’y nakatirik sa gilid ng mabundok na bahagi ng Sumulong Highway. Presko at mabango ang simoy ng hangin dahil mapuno ang buong paligid. Tanaw na tanaw ang buwan at mga bituin, lalo pa nga kung suwerteng maaliwalas ang langit. Kapag naman nakatanaw ka sa ibaba, para bang kaya mong yakapin ang buong Metro Manila. O, kaya’y tirisin nang isa-isa ang nagtatayug­an at nagkikisla­pang mga gusali.

Tahimik. Tanging huni lamang ng mga kuliglig at panggabing ibon ang maririnig. Katahimika­ng

Tandang-tanda pa ni Almira ang dalawang salitang naging simula ng kanyang buhay-pag-ibig…

lalo namang nagpapaala­la sa dalaga ng kahulugan ng pag-iisa. Ng kalungkuta­n. Ng pangunguli­la.

“Ma’am Almira, ano pong order ninyo? Magpapaiha­w po ba kayo ng pusit? O...”

“Later na lang, Celso. Hindi pa naman ako nagugutom. Saka, hindi ako o-order ng inihaw na pusit ngayon.”

Inilapag ng waiter ang isang tasang kape sa kanyang mesa, saka magalang na lumayo. Alam ni Almira na katulad ng iba pang mga tauhan ng restoran, alam din ito kung bakit nag-iisa siya ngayon. Sa halos dalawang taong pagpapabal­ik-balik dito, sanay ang mga itong makita siyang may kasamang lalaki. May kasamang kasintahan.

Napangiti siya nang mapakla. Hindi siya sanay nang nagiisa. Hindi nga niya maintindih­an kung bakit nagpunta pa siya rito ngayon. At kung bakit ninanais pa niyang balik-balikan ang matatamis na alaala ng lugar na ito. Pagkatapos ng pagngiti, napaluha naman siya. “Excuse me, Miss Sundang?” Napapitlag si Almira, kasabay ng pagpahid ng mga luha. Suminghot nang bahagya, saka hinarap ang lalaking tumawag sa kanya— ang manager ng restoran na may dalang isang bungkos ng pulang rosas.. “Y-Yes?” “Happy Valentine’s Day po, Ma’am. May nagpapabig­ay po

nito.”

Atubili man, inabot pa rin niya ang mga bulaklak. “Sinong nagbigay nito, Sir Joey? Saka, ilang araw na pong tapos ang Valentine’s Day, a.”

Ngumiti ang nakatatand­ang lalaki. “Ah, Ma’am, galing po ‘yan sa isang kumag na may pusong duwag at ang buntot ay laging nakabahag kapag nakikita ka.”

A, naintindih­an na ni Almira. Mayroon siyang secret

admirer sa restoran. “Pakisabi po sa kumag na may pusong duwag at ang buntot ay laging nakabahag, maraming salamat.” Kilig at pagngiti na lamang ang isinagot ng lalaki. Yumuko, saka tuluyan nang lumayo sa kanya.

Napabunton­ghininga si Almira. Napalunok nang bahagya. Nilingon ang bahagi ng kainan kung saan tanaw ang mga nag-uumpukang empleyado. Anim ang lalaking naroroon, maliban kay Sir Joey. May edad na at may sarili nang pamilya ang naturang manager kaya’t tiyak niyang hindi rito nanggaling ang mga rosas. Ni wala man lamang kasing inilagay na note.

Sa halip na matuwa, lalong nakadama ng lungkot ang dalaga. Naalala kasi niya ang dating kasintahan. Naging secret

admirer din kasi niya ito sa loob ng mahabang panahon. Palihim na nagpapadal­a ng mga simpleng sulat, bulaklak at maliliit na teddy bear.

“Kumusta ka?” Tandang-tanda pa ni Almira ang dalawang salitang naging simula ng kanyang buhay-pag-ibig, dalawang taon na ang nakararaan. Ginising siya ng pangungumu­sta ng kababatang si Dominador, isang malamig na umaga ng Pebrero. Naka

high volume ang notificati­on sound ng kanyang mga mensahe sa messenger kaya’t napalundag pa siya. At epekto na rin siguro ng kakaibang hangin ng buwan ng pag-ibig, kinilig siyang bigla noon.

Kaklase ni Almira si Dominador sa elementary­a. Gulat na gulat pa nga siya dahil ibang-iba na ang hitsura nito kumpara noong mga bata pa sila. Ang dating bungal at uhuging kababata, naging boyfriend-material na. Guwapo, makinis ang morenong kutis, at halatang batak sa gym ang pangangata­wan. Katunayan, madalas nitong ibandera sa social media ang mala-pandesal na muscles sa tiyan. “Ayos naman.” Dalawang salita lang din ang isinagot niya noon. Subalit ang matipid at panaka-nakang kuwentuhan ay naging madalas. Hanggang sa inaabot na siya ng madaling-araw sa pakikipagu­sap sa lalaki.

Nagtatraba­ho si Dominador bilang safety engineer sa isang malaking kompanya sa loob ng Ecomic Zone sa Cavite. Si Almira naman ay computer analyst ng isang kompanya sa Libis. Samakatuwi­d, magkalayo sila ng lalaki at halos hindi magtagpo ang kanilang mga day-off.

Sa edad na dalawampu’t lima, hindi pa nakararana­s magkaroon ng kasintahan si Almira noon. Kung hitsura ang pag-uusapan, hindi naman siya pahuhuli sa iba. Sa kutis at pangangata­wan ay angat pa nga siya. Matalino rin at maabilidad. Subalit sadyang hindi siya ligawing talaga. Kaya naman nang mga panahong nakakausap niya si Dominador, hindi masukat ang kilig niya.

Mahigit dalawang buwan ang lumipas bago sila tuluyang nagkita. Isang linggong nag-sick leave si Dominador kaya nakatakas mula sa trabaho. Nag-alibi para lamang madalaw siya. At nang araw ngang iyon, dinala siya ng binata sa restorang ito. “Napakagand­a mo.” Ito ang dalawang salitang narinig ni Almira mula sa binata nang una silang magkita. Mga salitang talaga namang nanuot sa himaymay ng kanyang mga kalamnan. Hindi talaga siya sanay sa harap-harapang papuri mula sa isang lalaki. Isa pa, kasabay ng pagbigkas ng mga iyon ay ang malagkit na titig ni Dominador. Paraan ng pagtitig na noon lamang niya naranasan.

Magkahalon­g kaba at excitement ang lumukob sa kanya nang mga oras na iyon. Nag-umapaw naman ang kilig nang aminin nitong dito nagmula ang mga sulat, bulaklak at teddy bear na kanyang natanggap noong siya’y nasa high school pa. Ipinadadal­a ang mga iyon sa pamamagita­n ng koreo, subalit walang nakalagay na pangalan ng pinagmulan. Pagkatapos ng elementary­a, lumipat na ng Quezon City ang buo niyang pamilya mula sa kanilang lugar sa Nueva Ecija.

Ang minsang pagkikita ay naulit nang naulit, hanggang isang araw, sa restoran ding ito, nagtapat na ng pag-ibig si Dominador sa kanya. “Mahal kita.” Langit ang naging katumbas ng dalawang salitang ito para kay Almira. Nang mga sandaling iyon, kaagad niyang sinagot si Dominador. At nang gabi ring iyon, natikman niya ang tamis ng unang halik ng kasintahan.

Walang pagsidlan ang saya ng dalaga nang mga sumunod na araw, linggo, at buwan. Kahit magkalayo sila ng binata, tuwing weekend ay lumuluwas ito para lamang makita siya.

Perpekto nga niya kung ituring ang kanilang relasyon ni Dominador. Hindi uso ang selos sa kanilang dalawa. Walang puwang ang away. Walang lugar ang pagdududa. Hindi nga niya pinapansin ang mga mensahe ng ilang kababata na may iba raw kasintahan si Dominador sa Nueva Ecija. Sabi pa sa sarili’y naiinggit lamang ang mga hitad sa perpektong lovelife niya.

Subalit bago sumapit ang kanilang unang anibersary­o, nadurog ang kanyang puso dahil sa dalawang salita... “Patawad, mahal.” Halos panawan siya ng ulirat nang marinig ito mula sa kasintahan. Ito ang naging tugon ng huli nang pabiro niyang itanong kung totoo bang may iba pa itong kasintahan sa Nueva Ecija. Hindi tumanggi si Dominador. Umamin sa nagawang pagkakasal­a. Nakasabay raw sa bus ang naturang babae at hindi sinasadyan­g nakatulog sa balikat nito. Nagkakuwen­tuhan nang magising, at nagpatuloy ang komunikasy­on sa isa’t isa.

Nang mga sandaling iyon ay hindi nagsalita si Almira. Walang panunumbat na namutawi mula sa kanya. Wala siyang

ibang ginawa kundi ang umiyak. Umiyak siya nang umiyak habang nakasubsob sa sariling mga palad. Halos hindi siya makahinga. Para siyang sinasakal. Nasusuka.

Hindi na niya matandaan kung papaano ba siya nakauwi. Basta ang alam lang niya, tinangka siyang habulin ni Dominador bago tuluyang makalayo sa huli.

Ilang araw na ininda ni Almira ang sakit na dulot ng ginawa ng kasintahan. Subalit nang mga sandaling iyon, mas ininda niya ang kahungkaga­n ng bawat araw na hindi ito nakikita o nakakausap man lamang. Kaya naman nang makatangga­p ng mensahe mula sa binata, nagkumahog siya sa pagbasa. Muling humihingi ng tawad at isa pang pagkakatao­n.

Sa madaling sabi, pinatawad ng dalaga ang kasintahan. Nangako naman ang huli na kakalasan na ang babaeng isinabay sa kanya at hindi na muli pang gagawa ng kalokohan kailan man. Siya raw ang tunay nitong minamahal at ang gustong makasama habambuhay. Naniwala naman siya. Mas pinili niya ang maniwala. Sabi pa niya sa sarili, mas mainam nang magpatawad at maging masaya kaysa naman habambuhay na malugmok sa kalungkuta­n at pagsisisi.

“Ma’am Almira, o-order na po ba kayo? Lumalalim na po ang gabi, baka maduling kayo sa gutom n’yan.”

Hinugot si Almira mula sa balon ng mga alaala nang muling lapitan ng waiter na si Celso. At sa ikalawang pagkakatao­n, may dala itong isang tasa ng umuusok na kape. “S-Sige. Steamed salmon saka vegetable salad na lang.” “Okey po, Ma’am. Ayaw po ba ninyo ng inihaw na pusit?” Bahagyang nainis ang dalaga. “Sinabi ko na nga kaninang ayaw ko ng inihaw na pusit, ‘di ba?” sita niya sa lalaki.

Kahit malamlam ang ilaw, nakita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Celso. “Papaano ka makaka-move on, Ma’am, kung iniiwasan mo ang mga bagay na makapagpap­aalala sa kanya?” saad nito. “Pinipigila­n mo lang ang sakit, e. Pero hindi ‘yan mawawala. Hayaan mo lang bumuhos, Ma’am. Makikita mo isang araw, ubos na ‘yan.”

Ngumiti si Almira, saka biglang napaluha. “Parang alam na alam mo ang pinagdadaa­nan ko, a. Hindi ka rin tsismoso, ‘no?” biro niya. “O, sige na nga, bigyan mo ‘ko ng inihaw na pusit. Lakas mo maka-sales talk.”

Nakangitin­g tumalikod ang waiter. Makalipas ang ilang minuto, bumalik sa terrace ang lalaki dala ang pagkain, kasama na ang mainit-init pang inihaw na pusit. “Enjoy your food, Ma’am Almira. And don’t forget to smile. Nasa ‘yo ang pagkakatao­ng sumaya, kung gugustuhin mo lang. Ikaw ang kumakapit nang mahigpit, kaya ikaw rin ang makakapili ng oras kung kailan ka bibitiw.”

Inihatid niya ng tingin ang papalayong si Celso. Nahiwagaan siya nang bahagya sa pinagsasab­i nito ngayon. Nang ituon ang pansin sa nakahaing inihaw na pusit, hindi niya maiwasang isipin si Dominador. Paborito kasi ito ng dating kasintahan. Muli, bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan...

Muli silang naging masaya nang magkabalik­an. Pinilit niyang ibaon sa limot ang ginawa nitong panloloko at patuloy na pinangibab­aw ang pagmamahal. Hindi naman siya nagsisi dahil nadama niyang malaki ang ipinagbago ni Dominador. Naging mas malambing ito at mas maalalahan­in sa kanya. Hanggang sa alukin na nga siya nito ng kasal. At dahil nang mga sandaling iyon ay sigurado na sa nararamdam­an, pumayag na rin siyang magpakasal.

Subalit ang akala niyang perpektong imahen ng pagmamahal ay mayroon palang lihim na pinagtatak­pan. Nang mga sandali kasing nag-aasikaso na sila ni Dominador ng kasal, saka naman siya nakatangga­p ng mensahe mula sa babaeng naging third

party sa kanilang relasyon. “Magkita tayo.” Dalawang salita lamang ang sinabi ng babaeng nagpakilal­ang si Leslie Musa. Siya raw ang babaeng kasintahan din ni Dominador. Nag-atubili siya noong una. Naisip niya, baka kasi gusto lamang manggulo ng babae dahil nalaman nitong ikakasal na sila. Subalit upang tuluyan nang matuldukan ang usaping iyon, pinili niyang makipagkit­a. Doon na siya nadurog nang husto. Para bang tinadtad nang pinong-pino. Nang dumating si Leslie sa coffee shop na kanilang pinagusapa­n, nanlaki ang kanyang mga mata— buntis kasi ito. Halos paanakin na nga.

Nang mga oras na iyon, pinakawala­n ni Almira ang mga luha. Iyon na yata ang pinakamara­ming luhang naitapon niya sa kanyang buong buhay. Iyak siya nang iyak. Masyadong masakit ang natuklasan­g kasinungal­ingan. Ayon kay Leslie, hindi naman natapos ang kanilang relasyon ni Dominador. Nagpatuloy pa rin, kasabay ng sa kanya. Pumayag daw itong maging third party dahil sa kalagayan. Pareho raw silang mahal ng lalaki kaya walang gustong pakawalan. Subalit nagpasyang makipagkit­a sa kanya nang mabalitaan­g nag-aasikaso na sila ng kasal. “Patawad, mahal.” Muli, matipid ang mga salitang binitiwan ni Dominador nang komprontah­in niya. Dalawang salita lamang. Mga salitang inaasahan nitong susuklian niya ng pagpapataw­ad. Subalit sa pagkakatao­ng iyon, mas pinili niyang ang bumitaw at magparaya. “Ayoko na.” Maikli lamang din ang kanyang itinugon. Ang relasyong nagsimula sa dalawang salita, tinapos niya sa dalawang salita rin lamang. Masakit man, tiniis niya. Hindi na usapin kung sino ang totoong mahal ni Dominador. Ang naging mahalaga sa kanya ay ang sariling paglaya sa relasyong puno ng kasinungal­ingan.

Lumaya siya, kahit pa nga nasaktan nang husto. Alam naman niyang kakayanin din niya ang lumimot, sa tamang panahon at pagkakatao­n. “Ma’am Almira, panyo po...” Napaangat ang mukha ni Almira. Naiyak na naman pala siya dahil sa mga alaala. “Thanks, Celso. Sorry, ha. Dito pa talaga ako nag-emote.”

“Ayos lang naman, Ma’am. Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Dito ka naging masaya nang ilang panahon, dito ka rin lumuha. Malay mo, dito mo rin matagpuan ang bagong magpapasay­a sa ‘yo. Promise, hindi ka paiiyakin no’n.”

Napakunot na ang noo ng dalaga. “Alam mo, kanina ka pa, ha,” nangingiti nang sabi niya. “Anong meron? Teka nga, ikaw ba ang kumag na duwag?” tanong niya, sabay taas ng isang bungkos ng rosas.

Muli niyang nakita ang pamumula ng mga pisngi ng lalaki. Maputi ang kutis nito kaya siguro madaling mamula. Napakamot pa ng ulo, saka ngumiti sa kanya. “Opo, Ma’am. At sa ‘kin nanggaling ‘yan. Gusto lang naman kitang pangitiin.”

“Well, thanks. Napangiti mo naman ako.” Ilang saglit na pumagitna ang katahimika­n sa pagitan nilang dalawa. Nag-isip siya nang bahagya. Baka naman may balak ang lalaking ligawan siya. Hindi pa yata siya handa.

“Ma’am, knock-knock po.” “W-Who’s there?”

“Kumakatok po ako sa sarado n’yong puso. Baka puwede n’yo na pong buksan. Baka lang naman...”

Natawa siya. Ito na nga ba ang iniisip niya. Guwapo ang lalaki. Kung tutuusin, mas guwapo pa nga kaysa kay Dominador. Mabait din. Subalit hindi pa talaga niya kayang tumanggap ng bagong manliligaw. “E, kung hindi kita pagbuksan?” “Ayos lang po. Handa naman akong maghintay. Pero sana, ‘wag mo naman akong pagsarhan ng bintana. Dungawdung­awin mo rin naman ako pagkaminsa­n. ‘Wag kang matakot dumungaw, Ma’am Almira, hindi naman ako katulad ni Sir Dom. Aalagaan kita at mamahalin.”

Muli siyang napatawa. Hindi kumibo. Mag-iisip muna siya. Ayaw na niyang magtiwala nang basta-basta. At ayaw na rin niyang magbitiw ng dalawang salita.

 ??  ?? “Okey po, Ma’am. Ayaw po ba ninyo ng inihaw na pusit?”
Bahagyang nainis ang dalaga. “Sinabi ko na nga kaninang ayaw ko ng inihaw na pusit, ‘di ba?” sita niya sa lalaki.
“Okey po, Ma’am. Ayaw po ba ninyo ng inihaw na pusit?” Bahagyang nainis ang dalaga. “Sinabi ko na nga kaninang ayaw ko ng inihaw na pusit, ‘di ba?” sita niya sa lalaki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines