Liwayway

Ang Pinakamapa­yapang Bayan Sa Buong Pilipinas

- KC Daniel Inventor

KILALA ang Bayan ng Paghidaet saan mang sulok ng Pilipinas. Pero hindi tulad ng ibang bayan na sikat dahil sa magagandan­g tanawin, makukulay na piyesta, at masasarap na pagkain, kilala ang bayang ito dahil sa mga engkantong nakatira rito.

Malupit, mapanganib, at nakakatako­t daw ang mga engkanto. Naniniwala ang mga taga-Paghidaet na kaya maraming dinadapuan ng sakit, naaaksiden­te, at minamalas sa buhay ay dahil sa mga walang-awang engkantong ito.

Nagpasimul­a ng digmaan ang mga tao laban sa mga engkanto. Kaya pinagsuot ng mga albularyo ang lahat ng anting-anting na yari sa mahiwagang bato, pinag-orasyon sila gabi-gabi, pinagtabi-tabi sila sa masusukal na lugar, pinaglagay sila ng asin sa kanilang mga bulsa bilang pangontra, at pinagbawal­ang lumabas ng bahay ang mga bata sa tanghali. Sa oras na ito raw pinakamala­kas ang kapangyari­han ng mga engkanto.

Tulad ng ibang batang taga-Paghidaet, masunurin si Isyok sa lahat ng bilin ng kanyang Nanay:

“Isyok, huwag ka nang maglaro sa labas pagsapit ng tanghali,” baka raw kuhanin siya ng mga engkanto at hindi na makabalik pa. Kaya sa halip na maglaro, natutulog na lamang siya.

Pero nang minsang hindi makaidlip si Isyok nang dahil sa nakapapaso­ng init ng panahon, dumungaw siya sa nakabukas na bintana para magmasid sa mga nagdaraan. Doon niya nakita ang isang duwendeng humahangos at kumakaripa­s ng takbo.

“Naku po! Huwag sana akong mahuli,” pag-aalala ng duwende.

Takang-taka si Isyok sa nakita. Ang sabi kasi ng matatanda, magigimbal ang sinumang makakakita sa malahalima­w na anyo ng mga engkanto. Pero napakaamo ng munting mukha ng duwende na hindi magagawang

Ano nga ba ang magagawa ng batang si Isyok sa nagbabanta­ng digmaan sa pagitan ng mga tao at ng mga engkanto?

manakit ng tao.

Sandaling nakalimuta­n ni Isyok ang bilin ng kanyang Nanay. Tahimik siyang lumabas ng bahay para sundan ang duwende. Nais niyang malaman kung saan ito papunta at kung bakit ito nagmamadal­i. Nakita niyang sumuot ang duwende sa malaking butas sa ilalim ng higanteng puno ng Acacia. Gumapang si Isyok papasok sa napakalali­m at napakahaba­ng butas na iyon hanggang sa marating niya ang kabilang dulo nito.

Isang pagtitipon ng mga engkanto ang nadatnan ni Isyok sa kabilang dulo ng butas. Manghang-mangha siya sa paligid na nababalot ng sari-saring kulay at maging sa kanyang nasaksihan. May dala-dalang karatula ang mga engkanto na may mga nakasulat na:

“Itigil na ang panghuhuli at pananakit sa aming mga alaga!” “Mga engkanto kami hindi halimaw!” “Tama na ang pagsira sa aming mga tahanan!” “Lalaban kami hanggang katapusan!” na tulad sa mga nakikita niya sa balita sa telebisyon.

“Kailangang labanan natin ang pang-aapi ng mga tao sa atin!” namumulang sabi ng tikbalang.

“Matatapos lamang ito kung makikipagd­igma tayo sa kanila!” nanggagala­iting sigaw ng duwende.

Naghiyawan ang lahat ng mga engkanto habang itinataas-baba ang mga dala nilang karatula. Pero bigla silang natahimik nang mapansin ang namumutlan­g sirena na itinuturo ang batang si Isyok.

Napanganga sa gulat ang lahat ng engkanto nang makita si Isyok. “Taoooooo!” dumadagund­ong na tili ng kapre.

“Parang awa niyo na po, huwag ninyo akong sasaktan,” pagmamakaa­wa ni Isyok.

“Aba, bata! Kayong mga tao ang mapanakit, hindi kami!” bulalas ng duwendeng sinundan niya kanina.

“Isyok po ang pangalan ko,” pagpapakil­ala niya. “Bakit niyo po nasabing mapanakit kaming mga tao? Sa lugar namin kayo po ang kinatataku­tan.”

Dito na isinalaysa­y ng mga engkanto ang kalupitang naranasan nila sa mga tao. Matagal na panahon na raw silang nakatira sa mga bundok ng Paghidaet nang biglang dumating ang mga tao. Pinagpuput­ol ng mga ito ang napakarami­ng puno at kinalbo ang mga gubat na tirahan nila. Pinatag ang mga bundok at ginawang kalsada. Inalipin at kinain ang mga alaga nilang hayop. Pinagbubun­gkal ang mga punsong itinayo nila. Pinagtamba­kan ng basura ang mga ilog at lawa. Pinagtayua­n ng mga bahay at gusali ang mga parang, at gumawa ang mga ito ng mga nakakatako­t na kuwento tungkol sa kanila. Mula noon, gumanti sila sa mga tao sa pamamagita­n ng pagdadala ng mga sakit, aksidente, at kamalasan.

“Wala kaming ibang gusto kundi ang mamuhay nang tahimik,” mahinahong sambit ng diwata.

“Pero dahil ginugulo niyo pa rin kami, makikipagd­igma na kami sa mga tao!” matapang na pahayag ng tiyanak.

“Hindi niyo po kailangang ituloy ang digmaan. Samahan niyo po ako sa amin at hihilingin ko sa mga taga-Paghidaet na makipag-usap sa inyo,” alok ng batang si Isyok.

Nagbulunga­n ang mga engkanto at agad naman silang nakumbinse sa sinabi niya. Matapos noon ay tumungo na sila sa mundo ng mga tao.

Narinig ni Isyok na isinisigaw ng buong bayan ang pangalan niya. Pitong araw na pala siyang nawawala at pinaghahan­ap. Hindi makahinga si Isyok sa mahigpit na yakap ng Nanay niya nang makita siya nito. Ikinuwento niya rito kung paano siya napadpad sa kamanghama­nghang mundo ng mga engkanto at ang pakikipag-usap niya sa mga ito.

“Ang mga engkanto nga ang may gawa nito!” bulalas ng albularyo.

“Sugurin na natin sila!” sigaw ng mga tao sabay labas ng kanilang mga armas: buntot-page, asin, anting-anting, agua bendita, latigo, at mga itak.

Biglang lumitaw sa kanilang harapan ang mga nagpupuyos na engkanto. Handa na silang makipagdig­ma sa mga tao. Parang mga bulkang sasabog ang lahat ng naroon. Natigilan lamang ang lahat nang pumagitna si Isyok at nagwika:

“Bago po ang lahat, maaari po bang pag-usapan ninyo ang hinaing ng isa’t isa? Maaari po bang isipin ninyo ang magiging epekto ng digmaan sa ating lahat?”

Ibinulalas ng mga tao ang pagkamuhi nila sa mga engkanto: “Hindi na namin matitiis pa ang dala ninyong salot sa bayang ito!”

Sinagot naman sila ng mga engkanto: “Ninakaw at sinira ninyo ang mga lupa, alaga, at tirahan namin. Hindi na kami papayag na ipagpatulo­y ninyo ito!”

Matagal na natahimik at napaisip ang lahat nang marinig ang hinaing ng isa’t isa. Napagtanto nila na pareho silang may pagkukulan­g at kamalian na kailangang punan at ihingi ng kapatawara­n. Naisip din nilang walang mananalo sa kanila kung itutuloy ang digmaan. Kaya imbes na magtalo, nagkasundo ang mga tao at engkanto, at nangakong hindi na muling gagawa pa ng mga bagay na maaaring pagmulan ng hindi pagkakauna­waan.

“Maraming salamat sa iyo, Isyok. Kung hindi mo kami kinumbinse na pag-usapan ang aming mga problema, siguro ay nawasak na ng digmaan ang Bayan ng Paghidaet,” pasasalama­t ng lahat kay Isyok. Ngumiti lamang siya habang mahigpit na nakayakap sa Nanay niya.

Matapos noon, nagtulong-tulong ang lahat ng tao at engkanto na protektaha­n at paunlarin ang lahat ng uri ng buhay sa kanilang bayan.

Magmula noon, nakilala na ang Bayan ng Paghidaet bilang ang pinakamapa­yapang bayan sa buong Pilipinas.

*Paghidaet – Hiligaynon para sa “kapayapaan.”

 ??  ?? “Parang awa niyo na po, huwag ninyo akong sasaktan,” pagmamakaa­wa ni Isyok.
“Parang awa niyo na po, huwag ninyo akong sasaktan,” pagmamakaa­wa ni Isyok.
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines