Liwayway

Maganda Ang Kita Sa Sibuyas-Dahon

- E.S Godin

kinse minutos bago pa mag-ala-singko – h’wag ka sa akin magpaliwan­ag kung saan ka nanggaling. Doon ka kay Hepe. Ang sabi mo sa akin kaninang umaga sasamahan mo lang magsimba si Ate Fe sa Quiapo.

Lumabas sa bibig ni Sonia ang karaniwan niyang usal sa mga ganitong uri ng pagkakatao­n.

“H’wag ka mag-alala sa akin, pare. At si Hepe. Okey na ‘yang Hepe natin. Si Ate Hefe na ang bahala sa Hepe natin. Hahaha,” ang paliwanag ng kumare ko. “Teka, ikaw ba, Rey? Gusto mo bang sumabay sa amin ni Hepe?” “Saan? Sa langit?” ang pabiro kong tanong. “Hindi! Sus, ginoo, pare, isasalya na namin ni Hepe ‘yung 13th month at cash gift kay Ate Fe. Mamaya-maya, after five

minutes, pupuntahan namin siya sa mall. Nagwi-withdraw lang ng pera sa ATM habang walang tao.”

Parang gusto kong ibulong kay Sonia: Ganyan talaga ang

multo. Mas nakakikilo­s kapag walang tao.

“Eh, mare, magkano daw ‘yung interes kapag ibinigay ngayon?”

Ibinulong sa akin ni Sonia kung magkano. Sandali akong tumahimik at nag-isip. Ganito talaga ang pakiramdam kapag sumuko na sa isang katotohana­n, kailangang magpagisa ka muna sa sariling mantika para masayaran naman ng kaunting katas ng pansamanta­lang kaligayaha­n ang iyong mga labi. Sa loob-loob ko, kaniya-kaniya talagang kalbaryo ang mga tao sa daigdig. At ang kalbaryo ko? Ang maging isang payroll clerk na napakagali­ng magkuwenta ng pera subalit napakagali­ng ding maglustay nito.

“Ano, Rey? Itext mo na si Ate Fe. O kaya isulat mo na lamang sa isang pirasong papel, tapos lagyan mo ng pangalan at pirma mo.”

Para akong naging alipin ng hipnotismo at pumilas ng isang pirasong papel sa logbook na nasa ibabaw ng aking mesa. Pero, teka. “Teka muna, Sonia. Alam na ba ni Ate Fe na di ko isasama

sa payroll ng 13th month at cash gift si Joey?” Nanlaki ang mga mata ng aking kumare. “Sus, ginoo, pare, kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan, ‘yan ang h’wag mong gagawin. Alam mo namang nakasalya na ‘yung 13th month at cash gift ni pareng Joey kay Ate Fe. Tsaka ang alam ko kinausap na ni Ate Fe si Hepe. Sila na ang bahala. Basta isama mo lang si Joey. Ako ang bahala sa

payroll. Tututukan ko ‘yan.”

* Mula sa loob ng cubicle ng Chief Administra­tive Officer ng aming opisina, isang pangungump­isal na naganap sa pagitan ng 5pm at 6pm, sa parehong araw ng ika-3 ng Oktubre. Unang tinig: “Pero kailangan kong alisin sa payroll si Joey.” Pangalawan­g tinig: “Okey na ‘yun. H’wag mo nang tanggalin. Tayo-tayo pa lang naman ang nakakaalam na patay na siya. Tsaka kinausap na ni Ate Fe ‘yung kapatid ni Joey. Para nga makasingil kaagad si Ate Fe ng 13th month at cash gift.”

Unang tinig: “Ibig sabihin di man lamang tayo magpapaiko­t ng papel dito sa opisina para sa abuloy? Tsaka di man lamang tayo dadalaw sa burol?” Pangalawan­g tinig: “Hayaan mo na ‘yun…” Sandaling katahimika­n. Unang tinig: “Kayo ba? Nakasalya na ‘yung 13th month at

cash gift n’yo kay Ate Fe?” Pangalawan­g tinig: “Oo. Ikaw?” Sandaling katahimika­n. Unang tinig: “Gagawin ko ‘yung payroll na kasama si Joey. Pero di ko lalagyan ng initial ‘yun. Bahala na kayo du’n.”

Pangalawan­g tinig: “H’wag kang mag-alala. Si Sonia na tututok sa payroll. Iha-handcarry na n’ya para di mailista sa

receiving at releasing ng mga dadaanang opisina. Ang sabi ni

Ate Fe may mga kliyente naman siya sa City Budget Office, sa Accounting, tsaka sa City Treasurer. Siya na raw bahalang magbigay ng padulas sa mga ‘yun.” Unang tinig: “Sa lahat ng dadaanan?” Pangalawan­g tinig: “Oo.” Sandaling katahimika­n. Unang tinig: “Hay, naku, bahala na nga kayo. Basta hindi ako mag-i-initial sa payroll. Hanep talaga itong si Ate Fe, iginisa na nga si Joey sa sariling mantika, at ngayong dedyak na ‘yung tao, parang gusto pang gawing panggatong sa apoy ng pinagpritu­han.”

“Rey, sahod na ba?” Eksaktong kabubura ko pa lamang ng kahapong petsa sa whiteboard namin sa opisina. Ika-30 na ng Oktubre ngayon. Napakabili­s ng takbo ng buwan na ito sa budget

and accounting office namin. Parang isang kisapmata lamang. Nilingon ko ang nagtanong sa akin tungkol sa suweldo. Si Phil, ang supervisor ng District 6. Palibhasa’y kapalagaya­ng-loob ko naman, pabiro ko siyang sinagot.

“Boss Phil, nasa Landbank na ‘yung tseke ng sahod. Bago makapanang­halian na ay nasa ATM n’yo na ‘yun.”

Bahagyang natawa si Boss Phil. “Eh, Rey, alam mo namang na kay kumander ‘yung ATM ko.”

Nasakyan ko agad ang sinabi niya, kaya agad din akong sumagot. “Di n’yo naman kelangan ‘yung sahod n’yo, Bosing, marami naman kayong transaksiy­on d’yan sa main office.” Muling natawa si Boss Phil. “Alam mo, Rey, kahit marami akong transaksiy­on, iba pa rin ‘yung sigurado. Tulad ng suweldo. Tsaka, sa totoo lang, mahirap maghintay sa wala. Pero, mas mahirap maghintay sa meron. Kasi di mo alam kung kelan ka maaambunan.” Pagkatapos nito’y tumalikod na sa akin si Boss Phil upang lumabas na ng budget

and accounting office namin. Maaga pa. Kabubukas ko pa lamang ng opisina. Subalit parang hanging nakulob at hindi makawala sa loob ng opisina ang huling isinagot sa akin ni Boss Phil.

Totoo. Ang sabi nila, mahirap maghintay sa wala. Subalit mas mahirap ba talagang maghintay sa mayroon? Dahil hindi mo alam kung kailan ka aabutan? O dahil hindi mo alam kung nagkaabuta­n na pala’t mas masahol pa ang pakiramdam mo ngayon kaysa sa isang naghintay sa wala?

Mas maganda nga ba kung natutuhan kong magkaroon ng transaksiy­on sa opisina kaysa sa umasa lamang sa suweldo at sa regular kong pag-utang nito?

Pero, papaano kung ang katransaks­iyon mo ay si Ate Fe na parang multong hepe na mas mataas pa ang katungkula­n sa aming tunay na Hepe? Ano nga kaya ang hitsura ng isang naluging multo? Biglang bumukas ang salaming pinto ng opisina. Si Sonia. Parang gripong tumutulo ang luha sa mga mata at parang bagong-ligo sa pawis ang buong pagmumukha. Hawak niya sa isang kamay ang payroll ng 13th month at cash gift. “O, mare, ba’t hawak mo pa ‘yang payroll? Akala ko ba pa-tseke na ‘yan?” “Sus, ginoo, pare, malaking disgrasya!” Mabilis na ikinuwento ni Sonia ang lahat ng pangyayari simula pa kahapon ng hapon. Naka-hold ang lahat ng payroll ng 13th month at cash gift. May mga lumabas daw kasi na payroll sa City Council. Umokey sa City Budget’s Office. Umokey rin sa Accounting. Pero pagdating sa City Treasurer, natisod. Nagkabukin­gan doon. Ang mga payroll pala na iyon ay para sa mga ghost employees.

Ang masaklap nito, ayon sa kuwento ni Sonia, ay tila nagtangkan­g magliniska­may ang auditor namin sa Accounting. Kaya isinuplong nito sa kaniyang hepe iyong tungkol kay Joey. Patay na iyong tao’y isinama pa sa payroll! Kaya, hayun, may

notice of suspension ang payroll ng 13th month at cash gift namin. At dahil may notice of suspension, malalaman na ngayon ng aming Director ang aming ginawa. Pati na ang aming pagsalaula sa pagpanaw ng isa naming kaopisina na hindi man lamang nila nabigyan ng abuloy o nadalaw sa burol o sa libing.

“Pa’no na ‘yan, Rey?” ang walang-patid na pagngawa ni Sonia sa akin. “Pa’no na ‘yung puntod ng aking Inang sa North?”

Parang wala akong naririnig sa mga inaatungal ni Sonia. Iisa lamang kasi ang nasa saloobin ko ngayon: Mabuti na lamang at hindi ako nag-initial sa payroll. Kaya p’wede ko ‘tong itanggi… pero…

Sa loob-loob ko, hindi na ako maaaring tumayo pa bilang isang medium na may kapangyari­hang mamagitan sa transaksiy­on ng isang maligalig na multo at ng mga nililigali­g na kinatawan ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Z. Sapagkat ang kailangan dito’y next level na. Ang kailangan na rito sa aming opisina ay isang – exorcist.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines