Lance Raymundo, Pinagsasabay Ang...

pinagsasabay ang singing at acting

Liwayway - - News - Nonie V. Nicasio

IPINAHAYAG ni Lance Raymundo na hindi pa rin niya binibitawan ang kanyang career bilang singer. Bukod kasi sa first love talaga ni Lance ang pagkanta, sinabi ng actor/singer na nakakatulong sa kanyang career bilang singer ang exposure niya sa TV o pelikula. “Tuloy-tuloy pa rin, awa ng Diyos. I mean, actually tuloytuloy iyon, pero siyempre hindi naman lahat ay televised, kaya hindi nalalaman ng general public. Pero walang buwan na wala akong at least, medium size na show. Like itong show ko sa Samar, parang gym size iyan, kaya medyo malaki,” panimula ni Lance. Saad pa niya, “Actually, nae-enhance ang singing career ko because of acting din. Kasi kapag familiar ang mga tao sa iyo because of TV exposures, mas dumarami ang mga invitations. “In fact nakaka-one week pa lang ako sa Ang Probinsyano, nagkaroon na agad ako ng inquiry sa Australia for Pinoy community doon. So, talagang thankful ako sa ABS CBN, you know, for having me back. Kasi bilang singer, mas nagiging marketable kami. Nagpapakita lang ito na sobrang lakas talaga ng hatak ng Probinsyano sa mga tao. “Sobra, imagine one week pa lang tapos ay may inquiry din ako sa La Union. Kaya happy din iyong handler ko.” Iginiit pa ni Lance na sobra siyang thankful sa pagkakataong ibinigay sa kanya na muling makalabas sa teleserye. Ang huling TV series niya sa Dos ay via Pieta na pinagbidahan ni Ryan Agoncillo noong 2008. Pahayag ni Lance, “Sobrang saya ko na sa wakas, nakapasok na ulit ako sa teleserye ng ABS CBN! It’s every actor’s wish to be in a show like this at very thankful ako sa Viva Entertainment dahil sa magandang push nila sa akin sa major network tulad ng ABS CBN. “Of course, ever since na gumaling ako from my accident at ready na ulit akong magtrabaho bilang artista... talagang ginawa kong goal na makabalik sa TV kaya masayangmasaya talaga ako.” Ikinuwento rin niya kung ano ang role sa serye at paano siya napasali rito. “Napasali po ako noong nakatanggap 'yung handler kong si John Navarro ng Viva Entertainment ng casting requirement for the role of Lester Magno, the young chemist sa kampo ni Don Emilio (Eddie Garcia). John offered me for the role, tapos isa sa naging mga basehan nila sa pagapprove sa akin ay 'yung past performance ko sa ABS CBN as Turko sa teleseryeng Pieta, directed by Toto Natividad. “Ang role ko rito sa seryeng pinagbibidhan ni Coco Martin, isang genius chemist na magaling gumawa ng mga party drugs pero isa lang siyang college drop-out na kung tignan mo, di mo seseryosohin na magaling o matalinong tao. Kasi very grunge, sloppy and parang walang paki 'yung dating ng character.” Since sina Eddie Garcia at Joko Diaz ang nakaeksena mo so far, ano ang masasabi mo sa kanila bilang co-actors lalo na si Eddie na isang institusyon na sa showbiz? “Matagal akong nawala sa TV, so siyempre, kailangan kong sanayin ulit ang sarili ko sa mainstream TV acting. Kasi siyempre, iba ang hinahanap na attack sa theater, iba rin sa indie movies. Very thankful ako na napalilibutan ako ng napakagagaling at higit sa lahat, napaka-supportive na mga co-actors. Joko and Mr. Eddie Garcia made it very easy and comfortable for me,” ani Lance. Pahabol pa niya, “Yes po, first time to work with Tito Eddie! To be honest, nakaka-starstruck talaga si Mr. Eddie Garcia. That’s why I’m very thankful din na na-train ako ng Kuya kong si Rannie at Mom ko na former actress. Pati na rin ang Viva acting workshop headed by Jonathan Oraño. Natutunan ko na rin na ihiwalay ang tunay kong pagkatao doon sa ginagampanan kong character. “So, using the technique I’ve learned, noong nag-on na ang camera, kinalimutan ko na muna na big fan ako ni Tito Eddie. Kasi kung ‘di ko bibitawan iyon, baka nagkabulol-bulol ako sa nerbiyos,” nakangiting wika pa niya. Bukod sa pelikulang pinagbibidahan ni Lance with Direk Elwood Perez titled Mnemonics, nakatakda rin siyang gumawa ng mainstream movie para sa isang major movie company. Kaya nagpapasalamat siya sa mga dumarating na blessings sa kanya ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.