Liwayway

Agrikultur­a

- Zac B. Sarian

HINDI lamang pera ang mahalaga sa isang tao. Mas mahalaga na nasisiyaha­n ka sa iyong ginagawa. Kagaya ni Dr. Daniel Farnacio, 55 anyos, na nagbitiw sa panggagamo­t apat na taon na ang nakararaan upang maging hardinero ng mga pambihiran­g ornamental plant o masetas at mga orkid.

Nagsilbi sa isang hospital sa New York sa Amerika sa loob ng pitong taon si Dr. Farnacio. Kung suweldo ang paguusapan, malaki ang kanyang kinikita. Umaabot sa $96,000 ang sahod niya sa isang taon. Sabagay, malaki rin ang buwis kaya nagneneto siya ng $56,000 lamang. Umaabot na rin iyan sa humigit kumulang na tatlong milyong piso.

Malaki nga ang sahod sa Amerika pero hindi naman nasisiyaha­n si Dan sa trabaho niya roon. Kaya minabuti na lang niya ang umuwi pagkatapos ng pitong taon. Nagtayo siya ng

nursery sa Baguio at sa Palaris, Asingan, Pangasinan. Nakapanaya­m namin si Dan sa nakaraang Hortikultu­ra

garden show sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City. Mayroon siyang puwesto sa Commercial Section at sumali rin sa kumpetisyo­n ng mga halaman sa mga eksibit. Napakasaya niya sapagkat ang kanyang variegated Tupidanthu­s ay nanalo ng First Prize sa kategorya ng Variegated na mga halaman. Maganda ang kanyang Tupidanthu­s. Malaki, umaabot na anim na piye ang taas at matingkad na dilaw at berde ang mga dahon na walang kagalos-galos. Noong makita ng isang mayaman na negosyante na mahilig sa pambihiran­g mga halaman, binili nito agad sa halagang P40,000.

Mayroon pa siyang mga halaman na nanalo rin sa ibang kategorya pero ang kanyang lubos na ipinagmama­laki ay ang kanyang Tupidanthu­s. Binili raw niya bilang isang maliit na halaman at inalagaan niya ng tatlong taon sa kanyang nursery sa Palaris, Asingan sa Pangasinan. May 6,000 metro kuwadrado ang kanyang nursery sa Palaris na nakabubong ng lambat upang hindi nakalantad sa maiinit na arawan ang mga halaman.

Ayon kay Dan, maingat na maingat siya sa pag-alaga ng kanyang Tupidanthu­s. Inilagay niya sa gitna ng nursery at nakapatong sa isang pedestal. Napaligira­n ng iba’t ibang

halaman upang hindi masasagi at magalusan ang mga dahon. Ordinaryon­g “complete” fertilizer ang kanyang pinang-aabono para malusog.

Hindi lamang ang Tupidanthu­s ang pinagkakit­aan ni Dan nang malaki sa Hortikultu­ra. Nagdala siya ng maraming Cattleya mula sa kanyang nursery sa Baguio upang ibenta sa kanyang puwesto sa Commercial Section. Sa unang araw pa lamang, naubos na ang kanyang Cattleya. At ang mga may bulaklak ay nagkakahal­aga ng mahigit na isang libong piso ang isa.

Paborito ni Dan ang Cattleya kaya sa kanyang nursery sa Baguio, may alaga siyang mahigit na 2,000 na karamihan ay mga mamahaling barayti. Pero marami rin siyang ibang barayti ng orkid kagaya ng Strap Leaf Vanda, Oncidium, Dendrobium at marami pang crosses.

Si Dan ay maituturin­g na “hands-on” na hardinero. Siya mismo ay nagtatraba­ho sa kanyang nursery. Sa katunayan, iisa ang kanyang katulong na nag-aalaga ng libu-libong orkid at

ornamental plant sa Baguio. Ganoon din sa kanyang nursery sa Pangasinan. Iisa rin ang kanyang trabahador. Saka lang siya kumukuha ng ekstra na katulong kung may maraming gagawin.

At siyempre, pinipili niyang alagaan ang mga barayting naiiba at may mataas na halaga. Dahil dito, marami ang mahihilig sa mamahaling halaman na bumibili sa kanya. At malaki rin ang kinikita niya sa kanyang paghahalam­an. Kaya lalong mas masaya siya kaysa noong nagsisilbi bilang isang doktor sa Amerika at sumusuweld­o ng dolyar.

Hala, kung saan kayo maligayang kumikita ng salapi, gayahin si Dr. Daniel Farnacio.

 ??  ?? Hawak ni Dr. Farnacio ang isang rare na Foliage Anthurium sa loob ng kanyang puwesto sa Hortikultu­ra.
Hawak ni Dr. Farnacio ang isang rare na Foliage Anthurium sa loob ng kanyang puwesto sa Hortikultu­ra.
 ??  ?? Ang First Prize winner na Variegated Tupidanthu­s sa Hortikultu­ra 2018. Binili kay Dr. Farnacio ito ng P40,000.
Ang First Prize winner na Variegated Tupidanthu­s sa Hortikultu­ra 2018. Binili kay Dr. Farnacio ito ng P40,000.
 ??  ?? Paborito ni Dr. Daniel Farnacio ang Cattleya. Mayroon siyang 2,000 na Cattleya sa nursery niya sa Baguio.
Paborito ni Dr. Daniel Farnacio ang Cattleya. Mayroon siyang 2,000 na Cattleya sa nursery niya sa Baguio.
 ??  ?? Malalaki ang bulaklak ng Oncidium Rowdon Jester kung ikumpara sa ibang barayti ng Oncidium.
Malalaki ang bulaklak ng Oncidium Rowdon Jester kung ikumpara sa ibang barayti ng Oncidium.
 ??  ?? Hawak ni Dr. Farnacio ang Oncidium Rowdon Jester, isang mamahaling barayti ng orkid.
Hawak ni Dr. Farnacio ang Oncidium Rowdon Jester, isang mamahaling barayti ng orkid.
 ??  ?? Ang dilaw na Cattleya. Mahal na klase ito.
Ang dilaw na Cattleya. Mahal na klase ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines