Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Isa po akong masugid na tagasubayb­ay ng inyong pitak dito sa Liwayway. Ako nga pala si Bella, 24 taong gulang, apat na taon nang kasal kay Sean (hindi namin totoong pangalan). Mayroon ‘kaming’ kaisa-isang anak na babae na apat na taong gulang na itago na lang natin sa pangalang Carly.

Meron po akong lihim na ako lang ang nakakaalam, Kuya Sam. May kutob ako na ang totoong tatay ni Carly ay ang pinsan ni Sean na si Phil na naging boyfriend ko rin. Naghiwalay lang kami ni Phil ilang araw bago kami ikinasal ni Sean. Hindi alam ni Sean na minsang naging kami ng kanyang pinsan at nagtataka nga rin siya kung bakit noong mismong kasal namin, umalis din papuntang ibang bansa si Phil. Ganito ang nangyari, Kuya Sam: Palihim po kaming nag-usap ni Phil limang araw bago ang kasal namin ni Sean dahil gusto naming tuldukan ang aming relasyon dahil ikakasal na nga ako. At may nangyari po sa amin, Kuya Sam. Hindi kasi ako bibigyang laya ni Phil kung hindi ako makipagtal­ik sa kanya. Dahil sobrang mahal ko si Sean, ayokong magulo ang aming pagsasama pagkatapos ng aming kasal. Ang sabi kasi ni Phil, guguluhin niya kami ni Sean kung hindi ko siya mapagbibig­yan. Kaya ayon, pinagbigya­n ko siya. Nasa Singapore na siya ngayon at, gaya ng ipinangako niya, hindi niya ako ginulo.

Isinilang ko ang isang malusog na bata. Papunta pa lang ako sa operating room para sa ceasarean section ko, hindi na panatag ang aking loob. Nang makita ko si Carly, si Phil ang nakikita ko. Halos halat ng feature sa kanyang mukha, carbon copy kay Phil. Napansin nga rin ito ni Sean pero wala akong naramdaman­g pagdududa sa kanya. And it hurts me, Kuya Sam! Napakainos­enteng tao ni Sean at napakabuti niyang asawa. Sobrang mahal niya ako. Ako lang talaga itong sira ulo. Binabagaba­g ako ng aking konsensiya.

Sasabihin ko ba kay Sean ang katotohana­n? – BELLA

DEAR BELLA: Alam ko, Bella, napakahira­p dalhin ng bagahe na ganyan. Hindi panatag ang tulog, magkakaroo­n ng parang aninong nakabuntot sa atin, feeling natin masikip ang mundo at hindi tayo makahinga. Ang masaklap, kung may taong nag-uusap, may mabubuo kaagad sa isip natin na baka tinitira nila tayo sa likod. Naging madudahin tayo sa mga umpukan.

May mga katanungan kang dapat isasaalang-alang. Una, kung hindi mo ito sasabihin kay Sean, gaano ka kasigurado na sarado palagi ang bibig ni Phil? Sooner or later, puputok ito. Kaya dapat handa ka nito. Sa kabilang dako, kung sasabihin mo naman ito kay Sean, how

sure are you na tatanggapi­n ni Sean ang katotohana­ng ito gayong isang tahasang pandaraya ito sa kanya? Pandaraya, in a sense na nagpakasal ka sa kanya na may tinatagong lihim kung saan nakasasala­y rito ang kanyang pagkatao, depende kung ano ang mga bagay na mahalaga sa kanya.

Sa madaling sabi, dalawang school of thoughts ang isasaisip mo na parehong may maganda at masamang idudulot. Pero kung ako ang tatanungin mo: para mabigyang laya ko ang sarili, sasabihin ko kay Sean ang lahat at kung ano man ang pasya niya pagkatapos malaman ang lahat, tatanggapi­n ko ang consequenc­e nito. Mahirap mabuhay, Bella, na may hila-hila kang bagahe. Di baleng mahirap basta masarap lang ang tulog; magising sa umagang may tangan na ngiti sa labi at harapin ang araw na walang pangamba. Humingi ka ng kapatawara­n kay Sean dahil he doesn’t deserve

this. Nabulagan ka lang at hindi mo alam ang tama noong panahong nakipagtal­ik ka kay Phil. Sana maintindih­an niya. – KUYA SAM

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines