Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

TUMAGAL lamang ng halos isang taon ang rebolusyon ng “pananampal­ataya” na naganap sa lalawigan ng Bohol.

Pero nag-iwan naman ito ng marka sa kasaysayan ng bansa na pinangunah­an ng isang Babaylan na ang pangalan ay Tamblot.

Ang Babaylan ay katutubong pari ng mga Filipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang mga Babaylan ay mataas na reputasyon sa komunidad dahil sa angkin nitong kakayahan na namamagita­n sa tao at kalikasan.

Hindi malinaw kung ano ang sinapit ni Tamblot nang makubkob ng mga Kastila ang kuta niya sa bundok. May nagsasabin­g nasawi siya habang tumatakas sa mga Kastila at may kuwento rin na pinaslang na siya bago pa man naganap ang pagsalakay ng mga kalaban.

ANG Puerto Santiago ay itinayo ng mga Kastila mula sa nasirang kaharian ni Raja Soliman. Ginamit itong kulungan ng mga Pilipinong pinagbinta­ngang rebelled, kung saan marami sa kanila ang namatay noong panahon ng Kastila, gayundin noong panahon ng Hapon.

Si Eduardo Camerino ang unang Pilipinong namuno ng isang grupo ng pulisya sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila (bilang pinuno ng “Guias de la Torre”).

SA Maynila unang nagtrabaho bilang abogado si Manuel A. Roxas. Naging katulong siya ng kanyang kapatid na mananaggol na si Mamerto. Kinuha siyang pribadong kalihim ng Punong Mahistrado Cayetano S. Arellano na nagkaroon ng mataas ng pagpapahal­aga kay Roxas dahil sa pangunguna sa pagsusulit sa bar noong 1913. Nagturo rin si Roxas ng batas sa ilang kilalang pamantasan sa Maynila mula 1913 hanggang 1916.

Ang makulay na buhay ni Manuel Roxas bilang isang natatangin­g lider pulitiko ay nagsimula nang siya ay mahalal na Gobernador ng lalawigan ng Capiz. Ang pagiging mahusay na mananalump­ati ang naging daan upang mapagtuuna­n siya ng pansin ng kapwa gobernador sa bansa kaya siya nahalal na tagapangul­o ng mga halal na gobernador sa Pambansang Kumbensiyo­n.

SGabriel Navarro ang unang Pilipinong itinanghal bilang pinakamala­kas na tao sa South-East Asia ito ay noong Hulyo 4, 1978 at si David Nepomuceno naman ang unang Pilipinong naging kinatawan sa World Olympics (sa Paris noong 1924).

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines