Astrolohiya

Liwayway - - News - Madame Sharona

HAPPY BIRTHDAY: Ang inaakalang mga tunay na kaibigan ay gagawa ng usap-usapan tungkol sa iyo. Huwag lamang silang pansinin nang hindi na lumaki ang gulo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) Ang maaaring pangunahing problema sa araw na ito'ý hindi ikaw o sa iyo, kundi sa isang kaibigan na labis na naapektuhan ng pagiging emosyonal. Lucky Days: Monday and Thursday. Lucky Numbers: 1,3,9 & 13.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) Magiging pabago-bago ang pagharap mo sa araw na ito at madali kang magsawa kaya magkakaroon ng duda sa mga baging makikilala o relasyon. Lucky Days: Wednesday and Friday. Lucky Number: 4,9,12 & 6.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) Dumaraan sa matamlay na panahon ang iyong buhay-sosyal dala marahil na ang mga kasama’y okupado sa kani-kaniyang interes.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) Ang tahimik na pagtatrabaho sa simula ng araw na ito’y magiging masigla at maingay sa pagsapit ng katanghalian. Lucky Days: Monday and Wednesday. Lucky Number: 4,5,10 & 16.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) Alis at dating ang mga tao sa paligid pati na ang mga madalas sa pagbabago ng mga nangyayari kaya mahihirapan na kung magkaroon ng konsentrasyon sa paggawa ng mga detalyadong trabaho. Lucky Days: Tuesday and Saturday Lucky Number: 6,9,13, & 25

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) Ang mga pangyayari sa araw na ito’y lalong magpapatingkad ng iyong prestihiyo. Lucky Days: Tuesday and Sunday. Lucky Number: 3,6,22 & 25.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 23) Huwag kang magkuwenta ng oras, kung mas marami kang naitutulong sa mga kasama kaysa sila sa iyo pagkat sa bandang huli’y ikaw parin ang panalo. Lucky Days: Monday and Wednesday. Lucky Number: 5,15,18 & 21.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 21) Huwag maging hadlang sa iyo at sa oportunidad ang iyong pagiging madaling humusga. Lucky Days: Tuesday and Sunday. Lucky Number: 6,19,25 & 28.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) Ang araw na ito’y maaaring maging mahirap sa simula pero hindi sa kabuuan kaya kung magkakaroon ng mumunting pagkabigo, huwag sumuko at ipagpaliban. Lucky Days: Monday and Saturday. Lucky Number: 10,16,27 & 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) Walang nakikitang pag-asang gumawa ng masamang aktibidades at makakaramdam ng pagkainip. Lucky Days: Saturday and Sunday. Lucky Number: 5,8,9 & 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) Hindi ka mahihirapan sa aspekto ng pamimimli o pagbibili kung ikaw ay nagnenegosyo. Lucky Days: Friday and Sunday. Lucky Numbers: 12,21,24 & 31.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) Ang mabuting pakikipagkomunikasyon o kontak ay nakadepende sa uso o kalarang nagaganap ang kasalukuyan. Lucky Days: Tuesday and Sunday. Lucky Number: 14,19,26 & 29.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.