Erich Gonzales, Humahataw Sa The Blood Sisters

Liwayway - - News - Maricris V. Nicasio

KAKAIBANG Erich Gonzales ang napapanood ngayon sa seryeng The Blood Sisters. Mabibighani sa ganda at alindog ni Erich ang mga manonood sa mapangahas niyang pagganap bilang tatlong babaeng bunga ng isang kasunduan ngunit pinagwatak-watak ng kapalaran, sa paguumpisa ng pinakabagong serye ng ABS-CBN.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon, bibigyang buhay ni Erich ang mga karakter nina Erika, Carrie, at Agatha, ang triplets na mula sa isang surrogate mother ngunit nagkahiwa-hiwalay dahil sa kaguluhang dulot ng kasunduan ng kanilang mga magulang. Mag-uumpisa ang kuwento kay Erika, isang dancer sa bar na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan. Ngunit sa likod ng pagpapainit sa entablado, isa siyang ina na nais na mapagaling ang anak mula sa malubhang karamdaman. Untiunti niyang maiaahon ang kanyang pamilya sa hirap dahil sa trabaho. Ngunit sa kabila ng ginhawang natatamasa sa trabaho, mababahiran ito ng panganib dahil sa banta sa kanyang buhay matapos masaksihan ang isang malagim na krimen.

Gagawin ni Erika ang lahat upang makatakas at sa pagkakataong mahuhuli na siya ng mga kriminal ay madidiskubre niyang mayroon siyang kakambal-ang doktor na si Carrie-na mapagkakamalan ng mga bandido bilang siya, kaya’t ito ang mapapaslang. Sa pagkawala ng kakambal, kukunin ni Erika ang pagkakataon na magpanggap bilang ang kapatid at danasin ang marangya nitong buhay. Pilit din niyang tutuklasin ang tunay niyang pagkatao at dito ay malalaman niyang bukod kay Carrie, may isa pa siyang kakambal, si Agatha, na makakasama niya upang alamin ang tunay nilang pagkatao.

Ngunit hindi magiging madali ang lahat dahil kaakibat ng katotohanan ang mga panganib na maglalagay sa buhay nila sa kapahamakan. Sa pagkukrus ng landas ng triplets, makuha na kaya nila ang mga kasagutan sa kanilang mga katanungan? Ang pagsasama kaya nila ay magdala ng katahimikan o kaguluhan sa kanilang mga buhay?

Sa panig ni Erich, itinuturing na aktres na isang challenge ang ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape para sa seryeng ito.

“Nang iprinisinta sa akin ang kuwento, inilatag nila na sobrang trabaho talaga ito na kailangan ang focus dahil siyempre, three characters ang ginagampanan ko rito, eh.

“Ako naman, iyong assignment ko ay ginawa ko, pinagaralan ko ang script and my notes iyan para ma-differentiate iyong tatlong characters, ang mannerisms, iyong ganyan, siyempre ay importante iyon,” saad ni Erich. Wika pa niya sa isang mapangahas na eksena rito, “Erika,

she’s a dancer sa club, kinailangan niyang gawin iyon para sa anak niya. Nag-hire sila ng dancer para turuan tayo ng ilang steps kung paano talaga ang ginagawa roon ang then inaral po natin iyon. It’s important that you trust the people around you and with direk Jojo Saguin, sobrang the best.” Bukod sa pagiging daring sa TV series na ito at sa isang magazine cover lately, pati sa pelikula nila nina Lovi Poe at Tom

Rodriguez na The Significant Other ay mapangahas ang papel niya. Kumusta iyong reaction ng publiko ukol sa mga bagay na ito? Tugon ni Erich, “I’m at the right age naman na, right time na rin naman din na, because Im not getting any younger. Well, eversince hindi ba, gusto naman natin na laging may mao-offer na iba sa audience natin, may variation. Kumbaga, hindi paulit-ulit 'yung mga projects na ginagawa natin. “So, iyon, lagi kong tsina-challenge ang sarili ko kung ano pa ang kaya kong gawin. Hindi tayo iyong nandoon lang sa comfort zone natin. Kumbaga, I’m the type of person na talagang magtetake ng risk and if it works, okay. If it doesn’t, okay, you just move on. “Masaya naman tayo sa outcome, supportive naman po ang mga tao sa atin. So, nagpapalasamat po tayo roon.” Pero kahit sobrang busy raw niya sa trabaho ay lagi pa rin niyang naisisingit ang pagwo-work-out. “Taping like three times or four times a week and then whenever I get the chance, siyempre hindi natin kakalimutan din iyong pagwo-work-out. Siyempre hindi ba, we have to take care of our body also, huwag nating kakalimutan ang mga bagay na importante,” pakli pa ng Kapamilya aktres.

Kasama rin sa The Blood Sisters sina Enchong Dee, Ejay Falcon, AJ Muhlach, Cherry Pie Picache, Dina Bonnevie, Jestoni Alarcon, Pilar Pilapil, Tessie Tomas, Ruby Ruiz, Pamu Pamorada, Ogie Diaz, Ian de Leon, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.