Liwayway

Pag-Usapan Natin!

- Kuya Sam

DEAR KUYA SAM: Ako nga pala si Roger, 27, binata, taga Maynila. Ganito ang kabuuang istorya, Kuya Sam.

Naging malapit sa akin si Chynna. Dalawang taon ang bata niya sa akin. Ang pagiging malapit namin sa isa’t isa ay nagsimula noong mag-retreat ang kompanya namin ng tatlong araw somewhere in Tanay. Doon kami nag-share ng mga kuwento namin sa buhay hanggang nauwi sa pagkakaibi­gan. Noong time na iyon, meron akong girlfriend at siya nama’y meron ding boyfriend. Pero hindi hadlang iyon sa aming pagkakaibi­gan. Ewan ko kung bakit napakalapi­t namin sa isa’t isa kahit noong time na nasa Tanay kami. Kumbaga, nag-jive kaagad ang mga frequencie­s ng utak namin.

Dalawang buwan ang nakalipas mula noon, for some reasons, nagkahiwal­ay kami ng aking girlfriend at sila naman ng kanyang boyfriend ay nakalabuan din. Hanggang sa nagiging single uli kaming dalawa.

Simula noon, palagi na kaming nagkikita si Chynna, kumain sa labas, mamasyal sa mall. Alam mo, Kuya Sam, nahuhulog na talaga ang loob ko sa kanya ngunit mas pinili kong huwag munang magtapat kasi sobra kaming close. Baka naman maging dahilan pa iyon na lumayo siya sa akin. Ayokong lumayo si Chynna, Kuya. Siya ang inspirasyo­n ko ngayon sa buhay. Walang silbi ang buhay kung wala siya. I find the meaning of my existence sa kanyang ngiti— napakalayo po ng kaibahan nila sa aking ex. Napakahusa­y niyang makitungo sa akin, Kuya Sam. Napakabait niya sa akin na para bang kung liligawan ko siya, isang malaking pagtataksi­l sa aming pagkakaibi­gan.

Sigurado akong mahal ko siya. Kaya lang, nauunahan ako ng takot na baka kung ligawan ko siya, tuluyan siyang mawala sa akin. Iyan ang greatest fear ko ngayon.

May chance kaya ako kung sakali ligawan ko siya, Kuya Sam? – ROGER

DEAR ROGER: Sa bawat malaking desisyon natin sa buhay, mayroon din itong kaakibat na risk, Roger. Kapag takot tayong hamunin ang ating sarili, walang mangyayari sa atin. Sa negosyo man o pag-ibig, parehong may risk iyon. Hindi natin malalaman kung ano ang kahihinatn­an hanggang wala tayong ginawa. Kung failure man tayo, at least, sinubukan nating sungkitin ang ating gusto.

Dito sa kaso mo, sa tingin ko, nanaig lang sa iyo ang labis na paninimban­g. Pero kung titingnan ko objectivel­y ang closeness ninyo ni Chynna, malamang na hindi ka niya bibiguin kapag niligawan mo siya. Hindi naman siguro sasama sa iyo si Chynna ng kung saan-saan kung wala rin siyang naramdaman sa iyo. Isang kaiprokito­han kung sasabihin mong baka nakipagkai­bigan lang siya sa iyo. Mahirap paniwalaan iyon, Roger.

Siyempre, alangan naman si Chynna ang gagawa ng hakbang para ligawan ka. Klarong-klaro na nagbigay rin si Chynna ng daan para makabuwelo at makapanlig­aw ka. Iyang pagsama niya sa iyo sa pamamasyal ang siyang tanging magagawa ni Chynna. Kaya ang kasunod na hakbang, ikaw na.

Take her to a nice dinner. Paghandaan mo ito at gawin mong suprise sa kanya. Kahit hindi mamahaling restoran basta kakaiba roon sa nakasanaya­n ninyong pasyalan. Iyong medyo romantik ang atmosphere with nice music, scented candles, and all. Siguro magtatanon­g si Chynna kung ano ang kahulugan nitong lahat?

Ang pinakamain­am mong diskarte, humingi ka muna ng sorry sa kanya. Sorry dahil hindi mo nakayanan na kaibigan lang kayo.

Sorry dahil tumibok ang puso mo ng higit pa sa isang kaibigan. Ewan ko na lang kung hindi mo mapasagot si Chynna sa ganitong script. Of course, kailangan mo ring maging sincere para rito. Hindi lang hanggang paporma ang gawin mo koundi pati sa content, dapat totoo ka. – KUYA SAM

(MAAARI ninyong isangguni kay Kuya Sam ang inyong mga problema sa pag-ibig at buhay sa pamamagita­n ng e-mail address: kuyasam29@ yahoo.com o kaya’y ipadala sa: PAG-USAPAN NATIN c/o Liwayway Magazine, Manila Bulletin Publishing Corporatio­n, Muralla cor. Recoletos Sts., Intramuros, Manila.)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines