Liwayway

Agrikultur­a

- Zac B. Sarian

NOONG nakapanaya­m namin si Edison Magararu, 47 anyos, nang namasyal siya sa aming farm, agad kaming humanga sa kanyang galing sa pag-impok at pag-invest ng kanyang kinikita habang nagtatraba­ho siya bilang OFW sa Afghanista­n.

Sa loob ng 12 taon, nagtrabaho siya bilang accountant ng US Corps of Engineers sa Afghanista­n mula 2006 hanggang 2018. Habang naroon sa labas ng bansa, bumibili siya ng mga “shares of stocks” ng mga matatatag na kompanya sa ating bansa sa pamamagita­n ng kanyang “broker” na nakakapana­yam niya sa pamamagita­n ng email.

Binati namin ang kanyang magarang sasakyang sa tantiya namin ay mahigit isang milyong piso ang halaga. Katas daw ng kanyang investment sa stocks iyon.

Bago pa man umuwi noong nakaraang taon, siya ay bumili ng walong ektaryang lupain at limang ektaryang palaisdaan sa kanyang bayan sa Bongabon, Oriental Mindoro. Mura lang daw. At siya ay talagang ganado sa kanyang farm at palaisdaan ngayon sapagkat noong 2018, maganda ang kinita nila sa dalawang proyektong inilunsad niya kasama ang kanyang kapatid na si Edmond.

Ang una niyang sinubukan ay ang paghulog ng 100,000 na semilya ng Vannamae, iyong puting suwahe na pasayan sa isang ektarya. Naengganyo siya sa Vannamae pagkatapos dumalo sa isang seminar ng Tateh Feeds. Sa loob lamang ng tatlong buwan, kumita siya ng P60,000, naawas na lahat ang gastos at ang konsumo nila at iniregalo sa mga kamag-anak at kaibigan. Ngayon, naghahanda na siyang maghulog ng hindi lamang 100,000 semilya sa isang ektarya kundi 200 bawat metro kuwadrado o dalawang milyon sa bawat ektarya. May kumakausap na multinatio­nal company na gustong makisosyo sa kanya sa pag-alaga ng Vannamae. PAKWAN – Nagtanim din ng pitong lata ng binhi ng pakwan sa isang pitak noong unang linggo ng nakaraang Setyembre na pinakyaw ng biyahero noong Disyembre 22, ilang araw bago dumating ang bagyong Usman. Gumastos siya ng P106,000 sa pagtanim ng pakwan na binili naman ng P230,000 ng isang biyahero. Nakaneto sila ng P124,000 sa loob ng tatlong buwan.

Dahil siya at ang kanyang kapatid ay walang karanasan sa pagtatanim ng pakwan, kumuha sila ng marunong na teknisyan na gumabay sa kanila. Ganito ang hatian nila sa neto na P124,000. Pumunta kay Edison ang kalahati (P62,000), P31,000 kay Edmond at P31,000 sa teknisyan.

Ganado si Edison na mag-fulltime sa agribusine­ss upang gawin niyang produktibo ang kanyang biniling lupain at

palaisdaan. Marami siyang malalaking plano para maging modelo ang kanyang farm at palaisdaan.

Ang kagalingan ni Edison, siya ay isang accountant na marunong humawak ng pera. At siya ay may sariling naipon na pondo na magagamit niya sa pag-develop ng kanyang farm at palaisdaan.

Si Edison ay nagtapos ng kursong Commerce sa Divine Word College sa Calapan. Siya ay isang magandang tularan ng marami nating kababayan na OFW. Siya at ang kanyang kabiyak, ang dating Bezt Gee Salcedo, ay may dalawang binatang anak na nag-aaral sa UP Baguio. Si misis ay nagtapos ng kursong Communicat­ion sa UP Los Baños at siya ay section chief sa Informatio­n and Communicat­ion Division ng PhilMech sa Nueva Ecija.

 ??  ?? Si Edmond Magararu at ang mga namumungan­g pepper.
Si Edmond Magararu at ang mga namumungan­g pepper.
 ??  ?? Si Edison Magararu at ang bunga ng watermelon.
Si Edison Magararu at ang bunga ng watermelon.
 ??  ?? Interesado rin si Edison sa Paniyur, isang Indian black pepper na may mahahabang fruit spikes.
Interesado rin si Edison sa Paniyur, isang Indian black pepper na may mahahabang fruit spikes.
 ??  ?? Si Edmond Magararu, farm manager, sa harapan ng mga naaning watermelon.
Si Edmond Magararu, farm manager, sa harapan ng mga naaning watermelon.
 ??  ?? Ang mga naani ay ikinakarga sa dalawang malalaking trak.
Ang mga naani ay ikinakarga sa dalawang malalaking trak.
 ??  ?? Ang mga puting suwahe.
Ang mga puting suwahe.
 ??  ?? Malapitang kuha ng Paniyur black pepper.
Malapitang kuha ng Paniyur black pepper.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines