Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MARAMING PILIPINO ang health-conscious sa pagkain. Umiiwas na sila sa pagkain nang labis ng baboy at iba pang karne. Mga lutuin sa isda o gulay ang pinaguukul­an nila ng interes ngayon. LABAHITA DE SALSA MGA SANGKAP: 4 puswelong bread crumbs ½ kilong labahita, katamtaman ang laki, linisin at hiwain sa nais na laki 1 carrot, hiwain nang cubes 1 berdeng siling macopa, hiwain nang manipis 1 sibuyas, hiwain nang maliliit ½ puswelong gisantes 1 kutsaritan­g oyster sauce 4 kutsaritan­g cornstarch 1 puswelong tubig 1 pirasong luya, hiwain nang manipis 1 kutsaritan­g katas ng kalamansi Asin at paminta, ayon sa panlasa ang dami Pampasarap mix PARAAN NG PAGLULUTO: I -MARINATE o ibabad sa katas ng kalamansi, asin, paminta at pampasarap mix ang labahita. Igisa sa mantika ang luya at sibuyas. Tunawin sa kaunting tubig ang cornstarch. Ihalo sa iginisang luya at sibuyas at pakuluan hanggang lumapot habang hinahalu-halo. Ilahok ang labahita at ihalo ang oyster sauce.

BISTEK NA TALONG

MGA SANGKAP: 4 na talong, alisan ng tangkay bago putulin sa dalawa; bawa’t putol ay biyakin sa gitna 2 sibuyas, malalaki; hiwain nang manipis at pabilog 2 kutsarang toyo 1 kutsaritan­g katas ng kalamansi PARAAN NG PAGLULUTO: I PRITO nang malasado ang talong. Ihalo ang sibuyas. Makalipas ang ilang saglit ay ibuhos ang toyo. Isunod ang katas ng kalamansi.

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines