Liwayway

Jhane Santiaguel, Mas Magfo-Focus Sa Business...

- Maricris V. Nicasio

SI Jhane Santiaguel ay dating member ng Mocha Girls na ngayon ay mas nalilinya bilang model at product endorser. Pero nasa puso pa rin niya ang showbiz.

Bago naging miyembro ng sikat na grupo ni Mocha Uson, nagsimula si Jhane bilang vocalist ng Caramel Band na ang manager ay si Oliver Cristobal na kapatid naman ng manager ng Mocha Girls na si Byron. Pagkalipas ng isang taon ay nag-audition si Jhane sa Mocha Girls, kasabay si Mae Dela Cerna na dating miyembro ng EB Babe.

Dito’y pareho silang natanggap at naging second Batch ng Mocha Girls with Mocha Uson. Noong umpisa ay tatlo lang sila at may dalawang back up dancers na guys, pero kinalaunan ay naging babae na rin ito.

Kinikilala niya ang nagawa ni Mocha sa kanilang grupo.

Saad ni Jhane, “Si Ate Mocha super smart siya and passionate kapag may ginagawa siya. Lalo na noong bago pa lang kami, siya lahat ang nagtuturo sa amin kung paano maging strong sa ganitong line of work. Bale 2010 ‘yun, then nag-Singapore ako kaya nawala ako ng two years. Year 2013 ay bumalik ako ulit sa Mocha Girls, then nawala ako ulit December 2014 after ng World Tour namin.”

Ipinahayag din ni Jhane na nami-miss niya ang mga dating kasamahan sa Mocha group. Pero minsan-minsan naman daw ay nagkikita sila. Nagplano silang magreunion noon, ngunit hindi ito natuloy. Marami kasi silang pinagkakaa­balahan daw sa ngayon.

Idinagdag pa niyang after magpahinga sandali ay pinasok niya ang modeling at nag-business na rin. Ngayon ay may travel agency siya at provincial distributo­r ng isang beauty product na kanyang ine-endorse sa tulong ng CEO nilang si Ms. Glenda Victorio. Naging calendar girl din si Jhane ng iba’t ibang produkto.

Nakalabas si Jhane sa ilang TV shows tulad ng Juan Happy Love Story sa GMA-7. Nakasali rin siya sa Music video ng Ex Batallion. Kung may mga offer na movie project, game rin daw siya, “Sisimulan pa lang po pag-usapan next month ‘yung project, dahil naging super busy po ako sa mga out of the country photoshoot­s ko,” ani Jhane.

Pahabol pa niya, “For now po nagfo-focus ako sa business and future business ko while nagmo-modeling and nagsoshow. Sa acting career naman po, if mayroong darating na project, why not?”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines