Liwayway

Awit Ng Lupa

- Richel G. Dorotan

Taglagas na naman ng mga katawang hangin sa pasigan Sa mapulang buhangin, nariyan na naman kayong maninila Ihanda na ang matimyas na perlas ninyong kalamnan Kayong mga nakatali sa bakawan, humiyaw kayo bilang Basag na salamin, lumagaslas kayo bilang lantang dahon Kayong manunugtog ni Mahler, ikumpas na ang baton Ang pananambit­an ng nagkikiski­san ninyong mga daliri Magiging simponiyan­g utal, mga notang pula— Dinig sa talampas ang lagatok ng kasukasuan ng Pebrero Inuuod na ang inyong laway at bulok na ang inyong balat! Ihanda sa pagdatal nitong takipsilim ang inyong mga labi Oo, kandungan ng mamasa-masang langit Kumalemban­g na ang kampanang putik Dito, dito sa guraan ng kambal na bundok Humayo kayo, aking mga anak ng kasalanan Magnininga­s na ang apoy na labi ng mga babaylan Kayo, kayong nabubuhay at namamatay sa halik Hukayin ninyo mamayang gabi ang sariling puntod Sa kawalang-hiyaan ng mga gutom ninyong kaselanan Pakiusap: higpitan ninyo ang mga sintas na ulan Kalabitin ang namimintog na ugat na kawad Ang halik ng mga alitaptap sa pader Tutungkab sa mga baradong manhole Kabebeng hinihimas ng mga manginginh­as ang gabi Mga alon kayong basag sa puson ng dalampasig­an. Maglayag kayo bilang maliliit na bangka sa ulap At sa umaga, hihintayin ko kayo bilang mga anak ng dilim.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines