Liwayway

Magluto Tayo

- Mareng Lena

MAGLUTO ay di biro; sadyang nakakapago­d kung para sa maraming katao ang pakakainin. Para sa handaan halimbawa. Ngunit nakakaaliw ang pagluluto kung ang pamilya ang ipagluluto.

EGG KALDERETA MGA SANGKAP:

5 itlog, ilaga at balutan ½ pusong bawang, balatan at pitpitin ng pino 2 sili macopa, berde at pula; hiwain nang maninipis 1 maliit na latang liver spread 3 kutsarang tomato sauce Asin, toyo at suka, ayon sa panlasa

PARAAN NG PAGLULUTO:

IPRITO ang bawang hanggang magkulay-brown. Isunod ang siling macopa. Bago ang liver spread. Bahagyang tubigan. Timplahan ng asin, toyo at suka. Pakuluin bago ihalo ang itlog.

SWEET AND SOUR TOFU MGA SANGKAP:

6 na pirasong tofu o tokwa, hiwain nang pakuwadrad­o, 1 sentimetro ang laki 2 butil na bawang, pitpitin 1 sibuyas, hiwain nang maliliit 1 sili macopa, hiwain nang maninipis 1 puno ng murang sibuyas, hiwahiwain nang 1 pulgada ang haba

PARAAN NG PAGLULUTO:

IPRITO nang malasado ang tokwa. Itabi ito. Igisa ang bawang, sibuyas, siling macopa at sibuyas na mura. Timplahan ng suka, asin, asukal at oyster sauce ayon sa panlasa. Bahagyang palaputin sa pamamagita­n ng cornstarch.

ADOBONG SITAW MGA SANGKAP:

2 taling sitaw, putul-putulin sa nais na haba 3 butil na bawang, pitpitin 1 kutsarang toyo 1 kutsarang suka Asin, ayon sa panlasa ang dami ¼ kilong baboy, hiwain nang maliliit

PARAAN NG PAGLULUTO:

PAKULUAN sa kaunting tubig ang baboy hanggang magmantika. Ihalo ang iba pang sangkap. Huling ihulog ang sitaw. Lutuin sa mahinang apoy. Halika na sa kusina!

 ??  ?? Larawang mula sa Google
Larawang mula sa Google
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines