Liwayway

Balik-Tanaw Sa Kasaysayan

- Boy A. Silverio

ISANG sulat ang tinanggap ni Presidente Corazon Aquino mula kay Jose Abueva, presidente ng University of the Philippine­s. Sa sulat ni Abueva kay Aquino, tumututol siya sa planong pagbibigay ng parangal sa libing ni dating Presidente Ferdinand Marcos. Sabi ni Abueva sa sulat, hindi dapat bigyan ng parangal ang isang taong naging dahilan nang maraming pagpatay at pang-aabuso sa karapatang pantao. Nauna nang ipinahayag ng Malacanang na bibigyan ng burial honors si Marcos sa sandaling ilibing ito sa llocos Norte.

SA Hongkong noong Mayo 1898, hinilingan si Marcela M. Agoncillo ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng pambansang bandila ng Pilipinas bilang paghahanda sa proklamasy­on ng Kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Siya’y tinulungan ng kanyang anak na sina Lorenza at Delfina Herbosa, isang pamangkin ni Jose Rizal.

Limang araw niyang ginawa ang pambansang bandila, at nang mayari, inihatid niya mismo kay Heneral Aguinaldo. Ito ay kanyang dinala noong siya’y sumakay sa US transport Mc Culloch patungong Pilipinas.

Ang opisyal na pagtataas ng ating pambansang bandila ay ginanap sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite noong Hunyo 12, 1898.

ALAM ba ninyo na unang umere ang radio station DZBB noong ika-14, 1950 sa ikaapat na palapag ng Calvo Building sa Escolta, Manila. At sa pag-ere ng DZBB kabilang sa mga makasaysay­ang pangyayari na ikinober ng himpilan ay ang pagpanaw ni dating Pangulong Ramon Magsaysay at pagputok ng Mt. Hibo-Hibok noong Marso.

Ang DZBB din ang unang radio station sa bansa na gumamit ng telephone patch para sa live interviews.

 ?? Mga larawang mula sa Google ?? Marcela M. Agoncillo
Mga larawang mula sa Google Marcela M. Agoncillo
 ??  ?? Ferdinand Marcos
Ferdinand Marcos
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines