Liwayway

Sylvia Sanchez, Pang-Award Ang Husay Sa...

- Nonie V. Nicasio

KAHIT trailer pa lang ng latest movie ng award winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez ang napanood ng mga taga-entertainm­ent press, marami ang pumuri sa kakaibang husay na ipinamalas niya sa pelikulang Jesusa.

Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Ronald Carballo at prodyus ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management) na pag-aari ng magkapatid na sina Jean RayosHidal­go at Junnel Rayos.

Sa pelikulag ito ay gumaganap si Sylvia bilang isang misis na iniwan ng kanyang asawa nang sumama ito sa kerida. First time gaganap ang premyadong aktres na isang papel na adik o gumon sa ipinagbaba­wal na gamot na nasa bucket list daw ni Ms. Sylvia.

Hindi naman itinanggi ni Direk Ronald na second choice ang aktres sa lead role dahil original choice niya ay ang Superstar na si Nora Aunor. Sinabi pa nga raw niya noon na hindi niya gagawin ang proyekto kung hindi si Nora ang gaganap na Jesusa.

Nang hingan ng komento si Ibyang (palayaw ni Ms. Sylvia) hinggil dito, sinabi niyang naging tapat sa kanya ang mga nasa likod ng naturang proyekto. Walang kaso raw sa kanya ito dahil sa Be Careful With My Heart ay hindi rin siya ang first choice.

“Maraming projects na hindi ako first choice, pero sa akin napupunta at ako ang suwerte. Hindi importante sa akin kung sino iyong first choice nila. Ang importante sa akin, sa akin napunta at gagampanan ko nang buong-buo,” sambit ng Kapamilya aktres.

Dagdag pa niya, “Sabi ko pa nga, ‘Wow! Ibang-iba ito sa akin. So, sige kunin ko ito.’ Kasi iyong role nakita naman ninyo, naging loka-loka, naging adiktus. Never kong ginawa, never akong naging addict sa role, so parang, ‘Wow! Challengin­g!”

Nakiusap naman ang premyadong aktres na huwag na silang gawan ng intriga ni Ms. Aunor. Nang usisain pa si Ms. Sylvia kung ano ang pakiramdam kapag parang ikinokumpa­ra siya sa Superstar, aminadong wala raw siya sa kalingking­an ni Nora. “Kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy, hindi ko narating iyon. Ate Guy is Ate Guy, no comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirap­an ni Ate Guy iyan. Isa ako sa may respeto at humahanga sa Superstar natin.

“At kahit anong mangyari, lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko na walang yabang, ‘Ikaw pa rin ang nasa top. Ikaw pa rin ang nirerespet­o ko. Ikaw pa rin ang nag-iisang Nora Aunor!’ Nora Aunor is Nora Aunor! Walang makakapant­ay, walang makakalagp­as!”

Bahagi rin ng Jesusa sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada, Fanny Serrano at introducin­g si Uno Santiago. Planong ipalabas ito sa mga sinehan nationwide sa May, 2019 bilang Mother’s Day offering ng OEPM.

Samantala, ang iba pang pinagkakaa­balahan ni Ms. Sylvia ay ang bago niyang TV series titled Project Kapalaran na tinatampuk­an din nina JM De Guzman, Arci Muñoz, Maris Racal, at Joey Marquez. Gumaganap siya rito bilang si Nanay Luzviminda na may walong anak.

Kabilang din siya sa pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil na Alone/Together, na mother naman ni Liza ang kanyang papel.

Napapanood din si Ms. Sylvia sa Sylviahera, ang travel-cooking show niya na ipinalalab­as sa CasaNieves.TV, Youtube Channel, Facebook, Instagram, at Vimeo. Every last Friday of the month ito napapanood sa ganap na 5 PM.

Ayon pa kay Ms. Sylvia, mayroon ding mga bloopers na inaupload dito na kaabang-abang. Nabanggit din niya na kaya niya tinanggap ito ay dahil passion niya talaga ang pagluluto at ang pag-travel. Kaya nagagawa niya ang mga bagay na kanyang gusto, na may bayad pa.

Abangan ang mga susunod pang episode nito na kuha pa sa ibang probinsiya, bitbit ang kanyang travelling maleta na may cooking stove at mga sandok.

 ??  ?? Larawang mula kay Allan Sancon
Larawang mula kay Allan Sancon
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines